Nakakainis ka talaga Avicta!
Napabuntong-hininga ako kasabay ng panandaliang pagpikit upang apulahin ulit ang apoy sa aking loob. Kapag nagsimula na naman kasi itong maglagablab, talagang mahirap na rin itong kontrolin kapag sumobra. Hindi ko lubusang maisip na nanggigigil na rin akong malaman ang kuwento sa likod ng hood ni Avicta at gayon na rin sa mga nangyayari ngayon.
Hindi na kasi ito tungkol sa pataasan ng marka, kundi pataasan ng buhay sa alternatibong mundo. Once the last mark of HP disappears, you'll only have two choices: total amnesia that causes brain unconsciousness or death in the real world.
"Hindi Zenrie..." Blaurei paused a moment, "...pero may kasagutan ako tungkol sa tanong na gumagambala sa isipan mo at isa na 'yon sa virtual identity mo."
It gave me a slight relief. Ito na rin ang isa sa mga bagay na gusto kong malaman na kasagutan sa munting pangyayari. Everything seems so weird especially when I detect a data energy signal. Kung sasabihin man niya ay tungkol sa usaping data energy signal, ito na rin ang pupuna sa iilang teorya sa isipan ko.
"Sabihin mo sa'kin Blaurei, ano bang kasagutan ang sinasabi mo?" I sighed deeply and darted my eyes to her.
"Nasa ilalim ka ng sinasabing Navillerian Metamorphosis."
"Navillerian Metamorphosis?"
"Oo. Isipin mong isa kang caterpillar na nasa loob ng cocoon habang may pagbabagong sa iyong sarili. Kung iuugnay naman ito sa iyong virtual identity, may kakayahan kang itago ang ganyang itsura upang hindi ka mahalata ng ibang tao rito lalo na ang gamers dahil sa data energy signal mo. Pero sa kaso mo ngayon ay hindi mo pa kayang kontrolin ito sapagka't nasa unang bahagi ka pa lang ng sinasabing metamorphosis," paliwanag naman ni Blaurei.
First stage of the said metamorphosis, huh.
I furrowed my eyebrows as I keep on analyzing such information. Sa mga sinasabi niyang ito ay mistula akong taong paruparo. Ang kinakabahala ko lang ay paano kung may ibang makakakita sa ganitong kalagayan ko? Ni hindi ko pa nga nakompirma kung totoo ba ang mga nakita nila Prof. Rythen at Sack sa mga mata ko.
"Sa ibang salita pa'y nakalagay ito sa automatic process?" I asked, resting my chin to my right hand and rub it. "Huwag mong sabihin na pati 'yong biglaang pagkahimatay at paninikip ng dibdib ko ay kasali sa sinasabi mo."
"Tama ka Zenrie," tugon naman niya.
Anak ng tinapang ina! Ngayon alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit nangyayari sa'kin ang bagay na 'to. Kung hindi ko nalaman 'to malamang sasang-ayon na ako kay Mimi na pinagmulan 'to ng kinakain kong tiramisu cake kagabi. Finally, one of my theories expelled from the pending box.
Napaangat ako bigla ng ulo sa mga sinabi niya. "Sabi na nga ba. Akala ko tuloy mula ito sa stress ko. Gaano katagal ko mararanasan ang Navillerian Metamorphosis?"
"Maiksing panahon lang ang ginugugol para d'yan. Twenty-one days lang at matatapos na rin ang pinagdadaanan mo."
Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbaba ko ng aking kanang kamay. Bahagya naman akong napahakbang paatras habang pinapanatili kong maging kalmado.
Mabilis na para sa kaniya ang twenty-one days?! Para bang hinihintay ko ang araw ng dalaw ko sa bagay na 'yan. Pero mas mabuti na 'yan kesa maghintay ng isang taon.
As far as I remember, every butterfly species has its own due date in staying inside the chrysalis or in pupa stage. An ordinary one exceeds at least 30 days; 9-14 days for a monarch butterfly, 7-10 days for the painted lady butterfly, and a blue butterfly in 21 days.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles
Start from the beginning
