Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles

Start from the beginning
                                        

Sana man lang ay hindi niya tinatarget ang aming virtual identities sa subject na 'to. Kapag ginawa niya 'yon ay talagang mapapasubo na ako sa matinding hamong haharapin ko.

"Zenrie!" Malakas na sumigaw si Blaurei na lumilipad patungo sa aking harapan. Bumalik ulit ang aking ulirat nang marinig ko ang munting boses niya.

"Blaurei..." mahinang usal ko, "...saan ka ba nanggaling?"

"Kanina pa kita hinahanap mula sa third floor ng gusaling ito. Gusto sana kitang balaan sa mga nangyayari ngayon lalo na sa buhok mo."

Nakatingin nang diretso si Blaurei sa akin mula ulo hanggang paa. Inikutan niya rin ako habang sinusuri ang kababalaghang nangyari sa'kin. Siguro naman may alam siya tungkol sa bagay na ito at gustong-gusto ko nang malaman ang kasagutan tungkol sa bagay na ito.

I keep on looking at her as I wait for her answers. My lips were slightly parted. Nabanggit niyang gusto niya akong bigyan ng babala tungkol sa biglaang pagsulpot ng subject period na 'to. Maybe she's detecting it earlier that mere user do.

"Iyon na nga ang napansin ko ngayon," sabi ko "Pero bago 'yon, alam mo ba kung ano ang tawag sa ganitong klaseng phenomenon sa virtual world?"

"Oo." Blaurei flapped her wings rapidly while flying on the top of my head. "Ang Zeitsus Split. Ito ay ginagawa ni Avicta bago upang magsimula ang sinasabing subject period niyo sa virtual world. Nagmula ang zeitsus sa salitang zeit na ang ibig sabihin ay oras. Pangungunahan ito ng isang malakas na sirenang magbibigay ng sinasabing courtesy call sa lahat ng users na nakulong dito sa virtual world: Estudyante, guro, o kahit na isang gwardya. Ang kakaiba lang dito ay mistula itong scanning sa systems ng bawat isa kung sino ang puwedeng sasalang."

My eyes went narrowed. Pinoproseso naman ng aking isipan ang bawat salitang binibitawan niya na magdurugtong sa ibang piraso ng nakakalokang puzzle na 'to. Sort of theories are racing to unlock information through the circumstances of today. Mas nakakasakit pa pala ito ng ulo gaya ng inaasahan ko.

Sa mga nabanggit naman niya, hindi pa rin maiaalis sa aking isipan hanggang ngayon kung may iba pa bang anta sang nakulong sa virtual world. Ang tinutukoy ko naman ay mga estudyanteng mula elementarya hanggang senior high school. Kapag nakompirma namin ito, sigurado akong malaking kapahamakan ang haharapin nila lalo na ang mga bata.

Masyado pa silang bata upang harapin ang ganitong klaseng bangungot at hindi maiiwasang mababalot sila ng matinding trauma, o kahit na mga estudyanteng nakararanas ng iilang mental health problems gaya ng depresyon.

Sana nga ay mali ang kutob ko.

"Sa scanning system, sinasabi mo bang sinusuri nito ang virtual identity ng bawat isa?" Mapanuring tanong ko habang nakakibit-balikat.

Natigilan si Blaurei saglit at muling ibinato ang kaniyang kasagutan. "Hindi pa lubusang kompirmado Zenrie, pero may tanging bagay kang dapat gawin at iyon ay ang pag-iingat. Mukhang lumalabas na rin ang kinatatakutan mong senyales," mahinang sabi niya.

My brows raised when I heard her intriguing statement. "Anong senyales? What do you mean?"

"Ang unti-unting paglabas ng iyong virtual identity."

"A-Ano?! Hindi naman siguro 'ya isang malaking biro tama?" Halos gusto ko nang magwala sa mga narinig ko sa kaniya. Tila nilalamon na naman ako sa kumot ng takot dahil sa mga narinig ko.

Wala nga talaga akong takas kung iyon man ang gagawin ng systems. Paano kung may kasama pala kami sa virtual world na isa sa mga kampon ni Shudo mula sa guild niya?

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now