Chapter 31

3.5K 95 2
                                    

A red long gown, a pair of silver shoes and a set of jewelries were sent to me. A small card came along with the dress and jewelries. Kinuha ko iyon sa pag-aakalang mensahe galing kay Marcus Alejandre pero hindi pala. It was his calling card.

I saved his number for later purposes. I don't have any ideas what he looks like. Maliban sa pangalan niya at isa siyang businessman ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya. Hindi na rin ako nag-abalang hanapin pa siya sa Internet.

Bukod sa wala akong panahon ay wala rin akong interes. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang mga ipinadala niyang isusuot ko mamaya. Tatlong oras lang Lav. Matatapos din ang lahat ng 'to.

Kaagad akong nagpalit ng damit at mabilis na inayusan ang sarili. I applied light makeup and made a messy bun for my hair. I let some strands of my hair fell on the sides. Wala pang isang oras ay tapos na 'ko.

I was nervous. It was my first time attending a social event like this. Maliban sa prom sa school ay wala na akong ibang napuntahan na social gathering. Alam ko rin na malaki ang kaibahan no'n sa pupuntahan ko ngayon.

Businessmen ang makakasalumuha ko at hindi schoolmates kaya mas doble-dobleng kaba ang nararamdaman ko.

Kaagad kong naalala ang paalala ni France. I should be studying now. Bukas na ang final exam ko pero heto ako ngayon. Dapat ay nasa school siya at nag-aaral pero siya ang umaasikaso sa problema namin sa ospital. And here I was, creating another problem we'd surely fight over if he finds out.

Humigpit ang hawak ko sa nag-iisang purse na mayroon ako. Ang tanging laman nito ay ang android cellphone ko, invitation, limang bente pesos at iilang barya pampamasahe mamaya. Bukod doon ay wala na.

A car will pick me up from our house. Nang bumusina ito sa tapat ng aming bahay ay hindi lamang ako ang lumabas. Maging ang mga kapitbahay namin ay nagsilabasan na rin. Sa gara ng sasakyan ay halos palibutan na nila ito. Dumami ang nakikiusyuso. Lalo pang dumami nang lumabas ako ng bahay at ayos na ayos.

"Pusturang-pustura ah?" ang isang kapitbahay namin na siyang unang nakakita sa'kin.

"Naka-jackpot ba Lavienna?" sunod pa ng isa.

Isang ale ang tumawa. "Naku! Ayan na ang sinasabi ko, wala na sigurong pera pambayad sa ospital kaya sa patalim na kumakapit."

"Kung ganyan ka ba naman kaganda, talagang bubukaka na lang ako."

Mas dumami pa ang narinig ko. Pasimpleng puri pero sa ilalim noon ay pang-iinsulto ang kalakip. Insults were everywhere. Their words pierced through my heart. I wanted to talk back. Gusto ko silang awayin at itama ang mga sinasabi nila pero para saan pa?

They already judged me. Yumuko na lamang ako at tuloy-tuloy lang ang lakad hanggang makarating ako sa tapat ng sasakyan.

"Kawawa naman 'yong boyfriend."

Humigpit ang hawak ko sa purse na nasa dibdib. The last sentence I heard affect me so much.

They're probably referring to France dahil iyon ang alam ng lahat ng mga taong nakapaligid sa'min. Everyone knows that he's my boyfriend but we both know that he is not. He's not my boyfriend but why do I feel like I'm cheating on him?

Ang driver ang nagbukas at nagsara ng pinto para sa'kin. The ride was tranquil. Hindi nagtagal at nakarating kami agad sa venue ng party.

Sumilip ako sa bintana at mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko na ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng entrada ng hotel. He's staring at the car I was in. Habang papalapit nang papalapit ang kotse sa kinatatayuan niya ay unti-unti kong nakikila ang mukha.

Wearing a three-piece suit is Marcus Alejandre? The one that I met at the elevator of Lustrous Agency? The man with tattoos and bulging muscles was him?

The car stopped in front of him. I confirmed that he was really my client when he immediately climbed down the steps to open the car door for me. Habang ginagawa niya 'yon ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya dala ng gulat.

It was really him.

Kahit naka-suit ay 'di pa rin nakatakas sa aking mga mata ang tattoo sa kanyang leeg. I heard his short cough kaya umangat ang tingin ko sa kanyang mga mukha.

He looks ruthless. His eyes scream no gentle. His thick and disarray brows gave me the idea to not mess with him. Mayroon ding hikaw sa magkabilang tenga niya at iilang scar sa gilid ng kanyang kilay at sentido.

He gave an empty smile and stretched his right hand, low key signaling me to come out. Nang makababa ako ay tuluyan niyang inilagay ang kamay sa likod ng aking siko upang igaya ako papasok.

Uh, hindi ba kami magpapakilala sa isa't isa? Kahit for formalities na lang? Hindi ba ganoon 'yon? O ako ang nagkakamali?

Walang usap-usap kaming pumasok sa loob ng hotel. Nasa likuran ko lang siya at malayang nakamasid sa palagid. Kaya maging ako ay naging alerto na rin sa paligid.

The hotel was cozy and welcoming. Ganoon din ang mga ushers at usherettes na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi at pinagsisilbihan ang mga bisitang pumapasok sa bulwagan.

Lights coming from the chandeliers above was reflected in the glass floor and interior wall. Lahat ng bagay na tamaan ng ilaw ay kumikinang sa paningin ko. Mayroong grand staircase na mukhang gawa sa ginto ang bumungad sa amin. I could also hear people chatter and cackle.

Kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon ay siguradong magsasaya ako rito. Pero hindi eh. Kahit anong ganda pa ng lugar ay hindi ko kayang ituon ang buong pansin dito.

Nagulat ako nang mapansing halos karamihan ay nasa amin nakatingin. Kinabahan ako nang makita ang mga camera galing sa iba't ibang press.

Tumigil ako sa pagsisiyasat sa paligid nang muntik na akong makabangga ng waiter na may dala-dalang tray ng inumin. I apologized and the waiter just bowed his head. Bumati ito sa aking kasama nang makilala ito.

Marcus got a champagne from the waiter as he started a small talk with him. Akala ko ay para sa kanya iyong kinuha niya. Kaya nang i-alok niya iyon sa akin ay hindi kaagad ako nakagalaw.

"Love Guillen." he uttered my name.

I knitted my brows a bit. Tumingin ako sa kanya. Ang mga matang madilim ang bumungad sa akin.

"You're so uptight." he whispered and offered the glass of champagne again. Ngayon ay kinuha ko na sa kanyang kamay.

"Sorry." mabilis kong hingi ng sorry. Tumungo rin ako ng bahagya.

"Loosen up a bit." usal niya, ang mga mata ay nasa paligid.

Pagkatapos noon ay hindi na kami nagkausap pa. The program started just in time. I just know by now that it is a fundraiser event for Senator Saavedra. Kaunting usap at tawanan ay naglabasan na ng mga pera ang lahat maliban sa akin.

I was bewildered with the way they lavish their money. Siguro ay ganoon talaga kapag mayaman. Iyong pakiramdam na sobra-sobra na ang pera mo kaya wala na lang kung mag-labas ka ng pera na ganoon kalaki.

Ngumiti ako ng mapakla habang tinitingnan ang mga mayayaman sa harapan na kanya-kanyang pataasan ng donasyon nila. May pagkakataon din kaya sa buhay ko na makakabigay ako ng pera na ganyan din kalaki?

I looked at the man beside me as he wrote on his check. Hindi nakatakas sa'kin ang ilang numero niyang donasyon sa Senador. Inilahad niya iyon sa usher na parang isang normal lang na piraso ng papel.

I don't know much about Marcus Alejandre pero base sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng karamihan ay nahihinuha kong mataas nga talaga ang katayuan niya sa business industry.

Marami ang gustong makipagkilala sa'kin pero palagi niya iyong hinaharangan. Hindi ko alam kung para saan. Pero mabuti na rin iyon dahil hangga't maaari ay ayaw kong may makakilala sa'kin dito.

'Tsaka ngayon din lang naman nila ako makikita kaya wala ring silbi kung makilala nila ako. Hindi rin ako makakatulong kung kailangan nilang magpabango ng pangalan sa kasama ko dahil hindi naman niya ako kaanu-ano at wala ring halaga ako sa kanya.

Tatlong oras lang kaming magkakasama at hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang mag-bayad ng isang daang libo para sa makakasama niya rito. When in fact, he could invite any woman he likes without hiring an escort.

Nasa isang round table kami. We just took our dinner and a famous band was playing a classical piece on the podium. The music was calming and soothing. Ang mga kasama namin sa mesa ay piniling sumayaw sa gitna at kaming dalawa na lang ang naiwan dito.

He caught me staring at him. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at kaagad kong narinig ang marahang pagtawa niya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang tawa niya. Ibang-ibang sa bad boy look niya.

I tilted my head a bit, directing my ear towards him to ensure that I wasn't hearing it wrong.

"Know what, Love? I think I misjudged you." sabi nito. Mula sa gilid ng mata ay nakita ko ang pagpatong ng magkabilang siko niya sa mesa at pinagtagpo ang mga kamay.

My brows and forehead creased a bit. Ano raw?

I faced him and saw his gentle smile plastered on his face.

"I vaguely remember names of people but I can always recognize their faces once I meet them."

Does he mean he could still recognize me? Naalala pa ba niya iyong una't huli naming encounter bago ito?

"Our first encounter was at the elevator of Lustrous, remember?" sabi nito na parang narinig ang mga tanong ko sa isip.

"You're the only woman who got attracted with my tats before my face."

My eyes widen a bit with his presumption. A side of his lips rose when he noticed my shock. Para bang malaking achievement sa kanya na nagulat niya ako.

"I am not attracted with your face." mabilis kong saad na ikinatawa niya.

"Alright." he nodded his head. More likely trying to convince himself.

"Though that's new." he shrugged and took a sip from his glass with a smile on his lips.

"But you didn't deny that you're into my tats." he said and looked at my body like I was wearing nothing.

"But I don't see one with you."

I think I misjudged him as well.

"I looked at your portfolio and you're ink-free... or not?" ngayon ay hindi na siya ganoon kasigurado tulad ng kanina nang makita ang gulat kong ekspresyon.

"Paano mo nakita?" tanong ko, ang itinutukoy ay iyong portfolio ko. Does he work at Lustrous?

"Uh, I have eyes?"

Sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi kaya tumawa siyang muli.

Kaagad kong napansin ang mga press na nagkalat sa paligid at nakatutok sa amin ang camera. I tried to turned my back to them a bit. I caught Marcus eyeing my every movement.

"May magagalit ba kapag makita tayong magkasama?" he asked.

I looked at him. He is definitely different from what I am expecting from him. He talks much. Ibang-iba sa unang impresyon ko sa kanya.

"Ayaw ko lang na makita ako ng mga kakilala ko."

He pursed his lips and looked around.

"You want to exit?" tanong niya.

"I mean, we can leave if you want." sabi niya at tiningnan ang relos. "I still have an hour with you." sabi nito at tumayo na.

He looked at me and offered his hand. Tinitigan ko ang nakalahad niyang kamay.

I guess I can guarantee my safety to this man. Wala naman akong naramdamang may ginawa siyang kakaiba sa dalawang oras naming pagsasama. Ni hindi nga niya hinawakan ang kamay ko. Maliban sa siko at likod ko ay wala na siyang sinubukang hawakan pa.

Hindi naman sa gusto at hinihintay ko iyon. Iniisip ko lang na wala naman sigurong masamang balak ang isang 'to. Kung mayroon man ay kaagad ko rin iyong mapapansin at maiiwasan.

We swiftly exited the party. Sa poolside kami tumuloy. Walang tao maliban sa amin pero rinig pa rin namin mula rito ang ingay na nanggagaling sa party.

He does the talking. Hindi ko alam kung bakit ang komportable niyang sabihin sa'kin ang lahat tungkol sa buhay niya. Hindi man masyadong personal ang mga kinukuwento niya pero tungkol pa rin sa kanya, sa trabaho niya.

I just know that he's one of the major shareholders of Lustrous. Kaya pala nakita niya iyong portfolio ko. Sa kanya ko rin nalaman na matagal na pala niya akong hinahanap kay Yuna. I told him that Yuna didn't tell me about it.

Si Yuna. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang siyang nag-iba sa'kin. Wala naman akong ginawa sa kanya. Ang naaalala ko lang ay maayos kami hanggang sa hindi na kami nagkakausap at humantong na lang kami sa ganito.

"Hindi ko," I looked at his eyes.

"Alam na hinahanap mo pala ako. Akala ko ay walang interesado sa ipinasa kong portfolio." hesitant kong sabi.

Ngayon ay nahihiya na nang mapagtanto na nakita niya iyon. I was desperate when I made that portfolio and overwhelmed that I got the offer. France also pushed me to do it.

Nawalan na 'ko ng pag-asa nang ilang pabalik-balik ko kay Sir Quen ay wala pa ring magandang balita tungkol sa portfolio ko. Kaya ngayon ay wala na 'kong interes pa roon.

"Well, that's fine. Now that I find you,"

I waited to what he'll say next.

"I have an offer to make."

Offer?

"My team saw your portfolio and we agreed to make an exclusive offer just for you."

He smiled when he saw my confused look.

"There's this training school at France."

May kinuha siya sa ilalim ng coat niya. It's a card. Nang tingnan ko ay pangalan ng isang modeling school na pamilyar na pamilyar sa'kin.

Hindi ko mapigilang mamangha habang tinitingnan ang papel. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa papel na hawak-hawak ko ngayon.

Napakaimposible. Sa sobrang imposible ay hindi kapani-kapaniwala. Nang tingnan ko ang kaharap ay seryoso lamang ang kanyang mukha.

Hindi kaya't nanti-trip lang ang 'sang 'to?

"Why are you giving me this opportunity?" nakuha kong itanong nang hindi niya dinugtungan ng ano man ang huli niyang sinabi.

Mabagal kaming naglalakad sa may kadiliman na pasilyo ng gusali. Sampung minuto na lang at matatapos na ang oras ko bilang escort niya. Gusto ko na ring umuwi dahil inaantok na 'ko. Ang pinaguusapan namin ngayon ang tanging lumalayo sa antok ko.

"Well, I can see that you have the potentials to be one of the best supermodels I will produce. All you need is a proper training."

I laughed and scrunched my nose. Wala na 'kong maramdamang gulat sa sinabi niya. Parang ayaw ko nang maniwala. Quotang quota na 'ko kay Sir Quen.

"I heard that you're at your last year. I can wait 'til your graduation and we can fly to France for your training."

I stared at him. Hinihintay kong sasabihin niyang joke iyon pero nakipagsukatan lang ito ng tingin sa'kin.

Hanggang sa matapos ang sampung minuto at maihatid niya 'ko sa entrada ng hotel ay hindi dumating ang hinihintay kong pambabawi niya sa kanyang sinabi.

Ibig-sabihin ay seryoso nga talaga siya?

Nasa tapat na kami ng sasakyan nang magsalita siyang muli.

"This is a one in a million opportunity that will come to your life, Miss Guillen. I hope you won't say no to this."

He opened the door for me. Ngumiti siya sa'kin at iminuwestra ang loob ng sasakyan.

"I'll be waiting for your call." he said with finality before he motioned me to get in his car.

Gulat pa rin sa kanyang mga sinabi kaya tango lang ang iginawad ko sa kanya. Tumawa siya dahil mukhang hindi iyon ang inaasahan niya na magiging reaksyon ko sa lahat ng kanyang sinabi kaya napangiti na rin ako.

But before I could step inside the car, someone pulled my hair back.

Pumikit ako ng mariin sa lakas ng paghila niya sa buhok ko. She pulled my hair until we reached the steps. Nang makarating kami sa gitna ay saka lang niya pinakawalan ang buhok ko.

"Fucking whore!"

Nang humarap ako ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa'kin. Suminghap ako sa hapdi na naramdaman ko sa kanang pisngi.

I lifted my head and only saw a furious woman. My eyes widen when I realized who it was.

"How dare you seduce my husband!" she shouted and about to attack me again when Marcus stopped her.

Kumunot ang noo ko at tiningnan si Marcus. Umiling siya sa'kin bago hinarap ang babae na sa kanyang braso.

"We're annulled Tory." his cold voice envelopes my ears. Kahit hindi iyon para sa'kin ay ramdam ko ang hinanakit niya sa pinagsabihan.

"Not yet, Marcus! This!" she pointed at me. "This is your fucking mistress."

Kumawala siya sa pagkakakulong kay Marcus at tumingin sa paligid. 'Tsaka ko lang napansin ang mga taong nakapaligid sa amin. Nagulat ako na halos lahat yata ng tao sa loob ay nandito na ngayon sa labas, nanonood sa amin.

"She's not." tanggi ni Marcus at lumapit sa'kin, itinago ako sa kanyang likuran.

Tory Malavega laughed and clapped her hands, trying to call the attention of everyone. Sa tingin ko ay hindi na niya iyon kailangang gawin dahil halos lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin.

"Everyone!" she shouted.

Her eyes went to me. Kaagad niya akong dinuro.

"I want you to meet Love Guillen. The other woman of my husband. A college student, working on an escort service company..."

Mas lalo kong ikinagulat ang mga sinasabi niya tungkol sa'kin. Hindi ko na alintana ang mga nagkikislapang flash ng camera sa akin upang kunan ako ng larawan. Gulat pa rin ako sa lahat ng sinasabi ni Tory tungkol sa'kin.

I heard Marcus' curses in front of me. He said something on his earpiece before he turned to me. May kung ano siyang sinabi sa'kin pero hindi ko na iyon maintindihan pa. Pilit ko pa ring pinoproseso ang mga nangyayari.

Then, a man in suit got me out of the scene. Ipinapasok niya 'ko sa loob ng kotse at nang magsara ang pinto ay umalis na ang sasakyan papalayo sa hotel.

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon