Chapter 26

3.3K 115 2
                                    

I thought it would be easy. His assurance made my hopes up. Kasalanan ko rin naman dahil umasa ako.

Hindi naman ibig-sabihin na binigyan na 'ko ng oportunidad ay magiging madali na ang lahat.

Pero iyon ang inaasahan ko.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang i-submit ko ang portfolio sa Lustrous Agency pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kong matatanggap ba ako.

I wonder if they already made a glance at my portfolio? Sa sobrang daming nakalinyang portfolio ay mapapansin pa kaya nila ang sa akin?

"Don't worry hija, kapag makausap ko ang President ay ilalakad kita." sabi ni Sir Quen. Pangatlong balik ko na sa opisina niya pero walang pinagkaiba ang unang sagot niya sa ngayon.

He poured a drink in his glass.

"Ganito talaga sa industriyang 'to. Pahirapan sa pagpasok lalo pa't Lustrous pero kapag naipasok kita, siguradong sisikat ka!" he encouraged me.

Siguro ay napansin niya ang kawalan ko ng pag-asa kaya sinasabi niya ang mga ito.

"Wala ka bang kakilalang modelo? Ang maganda ay may backer ka para mas mabilis. Mahirap makapasok lalo pa't hindi ka naman nanggaling sa kilalang angkan." frankly he said.

How about him? Can't he be my back up?

Naisip ko rin si Yuna para sana humingi ng tulong maliban kay Sir Quen kaso nahihiya ako. She's being distant from me. Ibang-iba noong nag-e-ensayo siya sa bahay namin at noong nagsisimula pa lang siya at ako pa ang kasa-kasama niya sa lahat ng gigs niya.

Lumabas ako sa office ni Sir Quen. Tiningnan ko ang oras sa cellphone na dala. NMAT is fast approaching. Simula nang bumalik kaming Manila ay dalawang beses pa lang kami nagkitang muli. Hindi rin nakapag-usap dahil nag-aaral siya habang ako ay intern sa kumpanya ng mga Almendarez.

France enrolled himself to a review center kaya parang nag-aaral pa rin siya. Hindi na rin siya nakakasama sa part-time job namin. Gusto ko sanang ibigay sa kanya iyong suweldo ko dahil magastos pala talaga ang mag med school.

I asked an acquaintance about that. Ang sabi niya ay kahit scholar ka na ay magastos pa rin talaga. Tapos ilang taon siyang magmemed school. Gusto ko nang makapagtapos ng pag-aaral para mas matulungan siya.

Minsan ay hindi ko mapigilang sabihin kay Hope ang problema ko. We worked in the same office kaya maraming oras para magkausap. Pero hindi ko inaasahan na matutulungan niya ako sa isa sa mga problema ko.

"Talaga?" ako nang sabihin niya sa'kin ang magandan balita.

She happily nodded her head. "Jo said he'll talk to Kuya Hunt. That's already a done deal Lav."

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan sa sinabi ng kaibigan. Kung hindi man umayon sa plano ang lahat ay may backup plan kami.

I know how France dislikes this. He hates asking for favors and troubling others with his own problems.

He trained himself to be an independent person since he was a kid. Pero minsan ay hindi rin masama ang dumepende sa iba. Lalo pa't hindi naman abala ang tingin namin sa kanya lalo na si Jo.

I looked at her. My heart melt with the expression she has right now. Maging siya ay siyang-siya rin sa balita.

"Thank you." I sincerely said to her.

Pagkatapos ko sa trabaho sa isang part time job ay napag-isipan kong sorpresahin sana si France. Napangiti ako habang iniisip na ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako sa tapat ng apartment niya.

Masosorpresa rin kaya ang isang 'yon?

Pumara ako ng jeep at mabilis na sinabi ang address niya 'tsaka nag-abot ng bayad. It was a short drive. May dala-dala akong pagkain para sa kanya. Mukhang pati pag-kain ay nakakalimutan na ng isang 'yon dahil sa pag-aaral.

After my third knock on his door, it swung open. Nagulat ako ng iba ang bumukas.

Hindi si France.

Si Kelly Malavega.

Shit. Hindi ko 'to inaasahan.

Kaagad akong tumingin sa kanyang likuran nang marinig ang ingay sa tanggapan. I was relieved when I realized that she isn't the only one. They're having group study.

Ang ilan sa kanila ay pamilyar ang mukha. Madalas ay nakikita kong kasama rin ni France sa St. Joseph dati pero ang ilan ay mga bago ang mukha. Marahil ay bago lang nakilala sa review center.

"Lav."

Ibinalik ko ang tingin kay Kelly nang tawagin niya 'ko. She opened the door fully for me. I smiled at her and she did the same. Pumasok ako sa loob, 'di inaalis ang tingin sa kanya habang isinasara ang pinto. Ang ganda niya talaga.

She is wearing a plaid tweed crop top partnered with a dirty white slit skirt and a cute sandal. She let her short hair down. She looks cute with her look today.

"Nasa kusina si France, naghahanda ng dinala naming food." sabi nito kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

Binati ako ng iilan sa kanila. Tango at ngiti lang ang iginawad ko sa kanila 'tsaka nagpaalam na tutuloy na 'ko sa kusina.

Matagal ko nang alam ang tungkol sa pagkuha ni Kelly ng med. She will take the NMAT and go with SMA Med School. Iyon ang plano nila France... silang buong grupo.

I am fine with that.

And who am I not to feel fine about it?

Bumungad sa'kin si France na abalang-abala sa binabasa. Sandali akong tumigil sa paglalakad at pinagmasdan siya saglit. Nagpapalaman siya ng nutella sa whole-grain bread habang ang mga mata ay nasa reviewer sa breakfast table.

Ilang buwan lang kaming 'di nagkita pero bakit parang ang dami nang nagbago sa kanya?

He gets thinner, I noticed. His hair gets longer too. Bagsak na bagsak kaya halos matakpan na nito ang mga mata. Ganunpaman ay 'di pa rin nakatakas sa'kin ang eye bags niya. Ang putla niya rin. Halatang kulang sa tulog at sinag ng araw.

Suot niya ang isang dye pullover at puting sweatpants. He then yawned and flipped the page of his reviewer.

I sighed when I realized he'd never notice my presence if I didn't make a sound. Sa sobrang abala niya ay hindi man lang niya nararamdaman na kanina pa may nakatingin sa kanya.

Umalis ako sa pagkakasandal sa divider at naglakad palapit sa mesa. Kahit nasa harap na niya ako ay hindi pa rin niya napapansin na nandito ako.

Inilagay ko ang dalang pagkain sa mesa kaya kaagad kong nakuha ang atensyon niya sa nilikha kong ingay. Hindi rin nagtagal ang tingin sa akin at muling ibinalik sa reviewer. Hindi na nagulat na nandito ako.

"Hindi mo sinabi na pupunta ka."

"Yeah, I miss you too." sabi ko.

He lifted his head and our eyes met again. I closed my eyes and gave him a flying kiss while getting the bucket of fried chicken out of its plastic. Ito ang binili ko dahil puwedeng pang-dinner na niya at kung abubutin pa bukas ay puwede ring breakfast, lunch at dinner. Initin lang. 'Di naman siguro mapapanis.

Iyong isang box na lang ng donuts ang ilalabas ko para sa kanilang lahat. Hindi ako galante ha. Ngayon lang nakabili ng ganito dahil katatanggap ko lang ng suweldo ko sa dalawa kong part time job.

"Ako na ang maghahanda ng food niyo. Go back to your friends and review."

Tumingin siya sa'kin saglit 'tsaka tumango.

"Alright." sabi nito at mabilis akong niyakap mula sa gilid saka bumalik sa mga kaibigan.

Sinundan ng mga mata ko ang papalayong si France. Hindi pa nakuntento nang mawala siya sa paningin ko kaya lumapit ako sa may divider para sumilip. Ngumuso ako nang makitang tumabi siya sa tabi ni Kelly.

Wala nang bakante sa maliit na couch kaya ang ilan ay sa sahig na naupo at nakapalibot sa center table. Sa tabi na lang ni Kelly ang bakante kaya roon naupo si France.

I heard coughs from the two girls I wasn't familiar with. They're exchanging stares and I know that kind of stares. Hindi nga ako nagkamali nang simulan na nilang i-pares ang dalawa. Ang ilan na kanina ay lubog na lubog sa pagbabasa, ngayon ay nakahanap na ng oras para tuksuhin sila.

France turned his head to the left. Mukhang balak pang tumingin sa gawi ko. Bago pa man niya mapansin na nakasilip ako ay mabilis akong tumalikod at lumapit sa mesa para ipagpatuloy ang ginagawa niyang pagpapalaman.

After preparing their snacks, I checked myself first before going out to the kitchen, holding a tray.

Huminto ako nang nasa tapat na nila ako.

"Uh, meryenda guys." I said, trying to sound friendly even it is really not my forte. Lumuhod ako sa likuran nina France at Kelly.

Kinuha ko ang isang baso ng juice para ibigay sana kay France. Idinaan ko iyon sa gitna nilang dalawa at kasabay rin no'n ang paggalaw ni Kelly ng kanyang kanang siko.

"Oh my," mabilis siyang umatras nang natapon ang kalahati ng juice sa kanya, sa reviewer at libro niya!

"Hala, sorry!" I panicked. Mabilis ang kamay na isinalba ang mga papel na nabasa.

"No, my apologies." sabi niya gamit ang marahan na boses. She took a box of tissue inside her bag. Napansin ko na malaki ang bag niya para sa normal na bag na dala-dala niya. Baka mga reviewer ang laman?

Mabilis din ang pagkuha ni France nang pamunas. Siya na ang naglinis no'n. He glanced at me. I smiled at him with remorse. He gave me a reassuring smile.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Panandalian nga lang dahil nang bumalik ang tingin ko kay Kelly na abala sa pagpunas ng nabasa niyang libro ay kaagad akong nakaramdam ng guilt.

Gusto ko sanang mag-offer na i-photocopy ko na lang iyong mga nabasa na pahina gamit ang libro ni France kaso nahihiya ako.

"Ako na ang magpo-photocopy nang mga nabasa na page." si France na ang nagsabi para sa'kin.

"Hindi na France. Hihiram na lang ako ng libro ni Gale mamaya pag-uwi. Ako na ang magpo-photocopy." she said, still busy fanning her book with her bare hand.

"May pamalit ka?" France kindly asked. Bumaba saglit ang tingin nito sa damit ni Kelly na nabasa.

"I have spare clothes in my bag." sabi niya at itinuro ang malaking bag. "Makikigamit na lang ako ng bathroom mo para magpalit."

Hearing them talk, casual and tranquil bring an acid in my system. Parang ang sarap pakinggan kung ganito kahinahon mag-usap ang mga magulang ko tuwing may problema.

Hindi ko tuloy mapigilang i-kumpara ang pag-uusap namin ni France sa pag-uusap nila Kelly. Ang formal nila pareho habang sa amin ay puro kalokohan. Between us, I was always the one who's dominating the conversation kaya wala talaga. Puro kalokohan lumalabas.

Nag-review na sila pagkatapos noon. Hindi na 'ko sumubok pa na lumapit sa kanila dahil baka kung ano na namang kapalpakan ang magawa ko.

I entertained myself in the kitchen, washing the dishes. Mukhang wala na ring time mag-linis si France ng apartment niya. Hindi naman sa madumi, makalat lang. Disorganized iyong mga gamit. Hindi naman siya ganito. Baka wala na talagang time para organisahin pa ang mga gamit. Kaya iyon ang pinagkaabalahan ko habang hinihintay silang matapos.

Nang matapos ako sa paglilinis sa kusina ay pumasok na ako sa loob ng room niya at imbes na matulog kagaya ng palagi kong ginagawa tuwing pumapasok ako rito ay nilinis ko na rin ang kuwarto niya. Kagaya ng sa kusina ay hindi rin naman madumi ang room niya, nagkalat lang iyong mga gamit.

Kapag natapos ako ritong mag-linis at hindi pa sila natatapos ay lalabhan ko na 'tong mga damit niya.

Mukhang gusto nga ng panahon na maglaba ako ngayon dahil nang matapos kong linisan ang kuwarto niya ay hindi pa rin sila natatapos nang lumabas ako.

Nakita ako ni Kelly na lumabas sa room ni France. Nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin ay ngumiti lamang ito ng pilit at muling ibinalik ang tingin sa binabasa.

Kagaya ng naisip ay nilabhan ko ang mga damit ni France. Alas diez na nang matapos ako. Siguro ay uuwi na lang ako kung hindi pa sila tapos.

Nang pumasok ako sa loob ng apartment mula sa back door ay wala na ang ingay. Hindi naman sila ganoon kaingay tuwing nag-aaral pero mararamdaman mo agad kapag nandito pa sila kahit walang ingay. Ngayon ay masasabi kong mukhang umuwi na nga sila.

I walked barefooted to the living room. I sighed when I confirmed that they're already gone. France was already sleeping. Ang ulo ay nasa ibabaw ng coffee table.

Lumapit ako sa kanya at kahit tulog ay niyakap ko siya mula sa likuran. I closed my eyes when I felt exhausted all of a sudden from all the cleaning I did in his place.

Ilang minuto pa akong nakasandal sa likuran niya 'tsaka kumuha ng papel at nagsulat doon. Hindi ko na siya gigisingin. Halata ang pagod sa kanya kahit natutulog.

After leaving him a note, putting pillow under his head and covering his body with a blanket, I ensured that I locked all the windows and doors of his apartment before I go home. I also checked if may nakasaksak pa na electrical appliances na nakalimutan bunutin. I know I am being paranoid. Kung hindi lang ako hahanapin sa bahay ay baka rito na lang ako matulog.

Habang nasa biyahe ay naka-idlip ako sa loob ng jeep. Mabuti na lang at may kapareho akong pasahero na roon din ang baba sa babaan ko. Nang marinig ang pagpara niya ay bumaba na rin ako.

I wanted to sleep. But the world isn't allowing me to take a rest.

Sa kalsada pa lang ay rinig ko na ang away ni Tatay at Nanay. Kita ko rin sa bawat bintana ng mga kapitbahay namin ang mga matanglawin nilang mga mata na nakasilip at nakatingin sa pinanggagalingan ng ingay at sigaw sa bahay.

I ran and opened our gate in rush. Nang mabuksan ko ang pinto ng bahay namin ay parang gusto ko na lang mahimatay sa nakikita ng mga mata ko.

Handa nang saktan ni Tatay si Nanay.

It was a dreadful moment to see my parents fought in front of me. And worst, hurt each other, physically.

Buong buhay ko ay hindi ko nakitang pinagbuhatan ng kamay ni Tatay si Nanay. Kahit kailan. Kahit umabot pa sa sukdulan ang pagtitimpi niya. Ngayon na parang mangyayari na ang kinatatakutan ay nasasaktan ako.

Ang mga magulang ko, dalawa sila sa mga taong tinitingala ko. Mataas ang respeto ko sa kanila, lalo na kay Tatay. Ang makita siyang unti-unting bumabagsak, I was more than hurt than disappointed.

I shut my eyes tight when I felt a collision sound of a broken glass against the wall.

Kahit ganoon na ang narinig ay nakahinga pa rin ako ng maluwag at iyon ang narinig ko imbes sa tunog ng sampal o 'di kaya ay suntok.

Hindi ko kaya.

I opened my eyes and saw my mother, trembling. She was frightened and shocked at the same time. Nanghihina itong umupo sa bangko, ang bibig ay bahagyang nakabukas dala ng gulat.

Kung ako na ganito ang nararamdaman, pa'no pa kaya siya?

The man she loves attempted to hurt her physically. Ayon sa nabasa ko, sa unang beses na sinaktan ka ng asawa mo ng pisikal, tuloy-tuloy na ito kaya huwag mong hahayaan. Dahil kapag hinayaan mo ay mauulit at mauulit ang pananakit. Iisipin nila na ayos lang 'yon sa'yo dahil hinahayaan mo lang kaya magiging normal na sa kanila ang saktan ka.

Ibang usapan na kapag pisikal ka nang sinasaktan. Kaya sa unang beses na saktan ka ay hiwalayan mo na agad.

His bloodshot eyes went to me. I startled with the gaze he gives. It was full of rage and pain. Ibang-iba sa mga normal na araw.

"Kaya ikaw Lavienna. Mag-aral kang mabuti, magtapos at maghanap ng magandang trabaho para hindi ka maliitin at tapakan ng mga tao kagaya ng ginagawa sa'min ng Nanay mo!"

Ramdam ko ang sakit sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Tumingin ako sa taas upang pigilan ang pagbagsak ng mga luha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para hindi makawala ang namumuong hikbi.

Hindi ko man naabutan kung ano ang pinag-aawayan nila ay alam ko na agad kung ano ang dahilan.

Pera.

"Sinasabi ko sa'yo," he laughed with no humor and poured a drink in his glass.

"Uutuin ka lang ng mga tao kapag wala kang pinag-aralan. Unang pumapasok sa isip nila kapag hindi nakapagtapos ay bobo kaya madaling utuin. Madaling tapak-tapakan dahil iyon na ang magiging lebel sa buhay."

Suminghap ako nang marinig ang pagsinghot ni Tatay at ang mga luhang unti-unting naglalaglagan galing sa kanyang mga mata.

"Wala nang sasakit pa sa isang magulang na maranasan din ng anak ang hirap at sakit na dinaranas ng magulang."

He covered his face using his hands, probably trying to hide his cries but he didn't succeed. May nakatakas pa ring hikbi galing sa kanyang pag-iyak.

This pained me so much. My father who I used to see strong and powerful is now stumbling and crying.

This is the reason why I wanted to finish my degree. Ayaw ko nang maging ganito habang-buhay. This situation makes me sick. This what drives me to keep going kahit ang hirap na.

Ang tagal ko nang nakikitang naghihirap ang mga magulang ko, they deserve all the good things in life. At alam kong mangyayari lang 'yon kapag nakahanap ako nang magandang trabaho.

I didn't sleep that night. Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko para sa mga magulang ay hindi ko maatim na makatulog pa.

This is the worst heartbreak I ever have. Hindi ko alam kung may makakatalo pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kung hindi sa pagkatok ay hindi pa yata ako makakaalis sa kama. Akala ko ay si Nanay, gigisingin ako dahil tanghali na pero si France ang nakita ko.

His scent enveloped me the moment I opened my door. His hair was still damp, halatang pagkatapos mag shower ay tumuloy na kaagad dito. He was in his usual tee with graphic print, jeans and converse shoes.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko at binuksan ng malaki ang pinto para sa kanya.

"Yeah I miss you too." he said and motioned me to come out to my room. Ang naaalala ko ay isang beses lang siyang nakapasok sa loob ng kuwarto pagkatapos noon ay hindi na siya umulit pa.

I shoot my lower lip out with what he said before I closed the door of my room. Just a sentence from him is already enough to comfort and warm my heart.

"Sila Nanay?" I asked and followed him. Lumapit siya sa dining table saka binuksan ang dalang brown paper bag.

"They already left for work."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at naupo sa harapan niya. He swiftly dragged the chair in front of me holding a Tupperware filled with foods.

Umupo siya sa harap ko at akmang isusubo sa'kin ang kutsarang may laman na kanin at ulam nang maala ko bigla iyong NMAT.

"'Yong review mo!" I said and stood up.

Ano'ng ginagawa ng isang 'to sa harapan ko at may oras pang pakainin ako gayong malapit na ang exam niya?

Hinila niya 'ko pabalik sa upuan ko.

"My review has ended. I need to relax my mind the remaining days before my battle." he said and moved the spoon forward, urging me to take it.

"Then relax." sabi ko habang nginguya ang kanin na may itlog at hotdog.

"That's what I'm doing now." he said and lifted his hand with spoon, ready to feed me again. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ngumunguya pa 'ko.

Hindi na 'ko nagsalita noon at kumain na lang. Tahimik lang kami hanggang sa matapos akong kumain.

Alam kong pansin niya na may problema sa bahay. Kaya inaasahan ko na magtatanong siya pagkatapos. Bumaba ako sa hagdan habang pinupunasan ang basang buhok ng tuwalya. Isinampay ko iyon sa balikat 'tsaka lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

"Game na."

Umangat ang kilay niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa backrest ng sofa upang mas bigyan ako ng pansin.

"Tanungin mo na 'ko." I urged him.

"Tanungin ng?

"Sa nangyari."

"Gusto mong pag-usapan?" his question was wary. Parang ingat-ingat at ayaw magkamali sa bawat sasabihin.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

Masyado pang sariwa sa isipan ko ang nangyari. I might breakdown if I tell him now.

"Ikaw? Hindi mo 'ko tatanungin?" balik kong tanong sa kanya. Siguro ay kung tatanungin niya 'ko ngayon, I might share.

"You'll tell me if you want to." he said, his eyes never leaving mine.

"If you want to, I'll listen. If you're not comfortable sharing it with me, that's fine. You are not obliged to tell me everything."

He placed his big hand over mine. Kaya roon napunta ang tingin ko. He's wearing the watch I gave him.

Dalawa lang 'yan Lav. It's either he is respecting your privacy or he really doesn't care at all. And I know for sure that it's not the latter.

His hooded eyes bore into mine as I turned my gaze back to him.

"Basta alam mo naman na nandito lang ako para sa iyo, sa inyo nila Tita." marahan niyang sabi sinasabayan ang marahang pag-haplos sa kamay ko.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now