Chapter 10

3.9K 130 21
                                    

After Alaine's eighteenth birthday, Alric became more ever determined to push me to Raven. When I mean push, both literally and figuratively. Wala itong ibang ginawa noong birthday ni Alaine kundi ang itulak ako.

Mukhang pera talaga ang isang 'to. Gustong-gusto na manalo sa pustahan nila ni Step para makuha ang isang milyon. I wonder if Step was serious when she said that.

Abala ako sa pagkabit ng string lights sa isang puno sa bakuran nila nang pasimple akong itulak ako ni Alric kaya nawalan ako ng balanse at natumba sa lupa.

Tiningnan ko siya nang masama. Kaagad siyang nag-peace sign sa'kin at tumakbo palayo nang lumapit sa'kin si Raven para tulungan ako dahil siya ang pinakamalapit sa'kin.

Tinulungan niya akong makatayo habang siya ay lumuhod sa harapan ko.

"You bruised your right knee." sabi niya at tumingala upang tingnan ako.

Tiningnan ko ang tuhod at nakita roon ang maliit na gasgas.

"Ayos lang. Sanay na 'ko." sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkabit ng light.

"I like that."

Tumigil ako sa ginagawa at tiningnan siya na abala rin sa pagkabit ng ilaw.

"I admire girls who are invulnerable and independent." he said.

"Ibig sabihin ay ayaw mo ng mga weak?" I concluded.

"Oo. Higit sa lahat ay ayoko ng mga babaeng parang 'di mabubuhay kung walang lalaki."

Tumawa ako sa sinabi niya. Sa tingin ko ay nakatulong iyong pagsundo namin kahapon kay Auntie at Alaine sa mall kaya naging komportable na kami sa isa't isa kahit papaano.

He wasn't that silent and snob. Sa tingin ko ay pumipili lang talaga siya ng makakausap. Pansin ko na sa kanilang magkakaibigan ay si Alric at Harvey ang hindi niya kinakausap palagi. Sa tingin ko ay alam ko na ang rason kung bakit. Walang sense kausap ang mga 'yon eh.

"Ibig sabihin ay ayaw mo sa'kin. Hindi yata ako mabubuhay kung walang lalaki." I joked. He hissed and shook his head like in dismay. But that didn't bother me at all. I wasn't pleasing him after all.

Alaine's birthday party came. It was just a buffet dinner but the venue was superb! Ang malawak na bakuran ay napakaliwanag dahil sa string lights at lanterns. Ang dami ring mga bulaklak at balloon sa paligid.

Ang galing ni Eve!

Mga kaibigan ni Alaine at kapitbahay din lang nila Alric ang mga bisita pero ang dami pa rin nila. Ang ingay din dahil sa videoke.

Nasa kitchen ako kasama ang mga kaibigan ni Alric, naghihintay sa mga ilalabas na pagkain. Habang naghihintay ay kumuha ako ng lumpia at kinain iyon.

France came inside the kitchen carrying Aesthrielle. I'm glad she's fine now.

Napangiti ako dahil parang batang ama si France sa ayos niya. A pink baby towel was placed over his shoulder and he's holding a bottle of milk for Aesthrielle. He's wearing a maroon pullover and shorts. Ang guwapo niya.

Leche.

Umubo ako nang dumapo ang tingin niya sa'kin. May lumabas pang granules ng wrapper sa bibig ko dahil sa pag-ubo ko. Ngumiti siya at lumapit sa'kin na parang ako talaga ang sadya ng pagpunta niya rito. Mabilis akong nataranta kaya umayos ako ng tayo.

I'm wearing a boyfriend jeans and a simple tee with graphic design. Iyon ang sinuot ko dahil sa kusina rin lang naman ako. Ganoon din naman ang suot ng mga kaibigan niyang babae.

Nagsalin ako ng juice at ininom 'yon. I was staring at him while drinking my juice.

"Puwedeng painom." aniya nang makalapit sa'kin.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now