Chapter 6

3.7K 142 19
                                    

Kinaumagahan ay nagkita kaming muli sa opisina ng Student Council para harapin ang consequences ng ginawa ko kahapon. Now that I'm sober enough to think properly, I just want to slam my head against the wall.

"You should have directed this to the Board of Regent France. This is a serious problem." ani ng babaeng kaharap namin.

Napaalis ako sa pagkakasandal sa aking silya at mas naging attentive sa usapan nang banggitin ang Board of Regent. Ganoon din ang ginawa nina Wil, Luther, at Darren.

"Teka lang naman Jess. Parang 'di naging tayo niyan. Ano? Bitter ka pa rin ba? Kaya gumaganti ka sa'kin ha? Ha?" Wil said trying to get the woman's sympathy.

"Tumigil ka nga!" inis na asik ng babae at nilingon si France na nakatayo at nakasandal sa kanyang desk, mariin ang tinging ipinupukol sa'min.

"I suggest you proceed this to the Regent. Paulit-ulit na lang na gumagawa ng kalokohan ang tatlong 'to." iyong Jess at tumayo na, handa na yatang umalis.

"Jess." Tumayo si Wil pilit na kinukuha ang atensyon ng babae.

Bago kami pumunta rito sa SCO ay nag-usap na kami ni Wil sa gagawing plano. He even bragged that he has connections which he could use to free us from this shithole.

Pero sa mga nakikita ko ngayon ay walang kuwenta ang pagmamayabang niya. Kaya ako na muna ang susubok ngayon.

Tiningnan ko ang lalaki na katabi ng Jess kanina. I cleared my throat as I tucked my hair against my ear. Ang mga mapupungay na mga mata ay nanatili sa kanya. I saw him gulp and became uneasy when he noticed me.

"Uh, maki-kick out ba kami?" mahina kong tanong sa lalaki. I leaned over the table. Mabilis kong tiningnan ang ID niya.

Jameson.

"James." I sweetly whispered his name.

Gulat niya akong tiningnan.

"Kilala mo 'ko?" he asked unbelievably.

"Oo naman." I lied and playfully pushed his forearm. "Famous mo kaya." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Bobolahin ko pa sana ito nang tawagin ako ni France.

"Miss Guillen."

My eyes went to him when he called me by my surname again. I looked at him with brows furrowed.

"Call your guardian and˗"

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto anggusto ni yang mangyari.

"Teka France, 'di na kailangan." Luther nervously said. Kaming tatlo naman ay sabay-sabay na tumango upang sumang-ayon kay Luther.

Naiisip ko pa lang ang nagpupuyos na galit ni Nanay sa'kin kapag pinatawag sila ay kinikilabutan na 'ko. 'Yong ngingiti siya sa iba kapag kaharap ang ibang tao pero kapag kaming dalawa na lang ay parang papatayin na niya 'ko sa galit sa'kin.

"Hindi na kami uulit." Darren negotiated.

France sighed. "Iyan din ang sinabi niyo noon."

"Totoo na ngayon." the dumb Wil said.

Tiningnan ko si France na ngayon ay nakatingin sa'kin. Bumuntong-hininga siya, ibinaba ang tingin sa desk saka may hinanap na papel.

"Landiin mo." bulong sa'kin ni Wil kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Huh?"

"Ang landi mo sa kanya kahapon, 'di mo magawa ngayon?"

I sneered at him and turned to France when he speaks.

"Read and sign this contract of agreement. If you make conducts that will invalidate the contract, I'll direct you to the Regent."

We all nodded simultaneously and signed the contract without reading it. I understood. I understood it all.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now