Chapter 16

3.3K 120 9
                                    

Every moment I spent with France went by like a whirlwind. Ang bilis lang pero grabe ang pinsalang iniiwan.

Hindi ko napapansin na habang tumatagal na nakakasama ko siya ay pabilis nang pabilis ang ikot ng mundo ko, pasaya nang pasaya kapag kasama siya, at palalim nang palalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

My Third Year in St. Joseph was perfectly fine. Kung noon ay sa eatery ang tambayan namin ni France, ngayon ay SCO na. He was at his third and unfortunately last year of service.

Marami ang malulungkot kapag wala na siya rito at isa na ako sa mga malulungkot ng sobra-sobra. Pa'no na kaya ang buhay ko next year kapag wala na siya sa St. Joseph?

Pero kung sabagay, I'd mostly spend my last year on my internship kaya hindi ko na rin siguro mapapansin na wala na siya sa St. Joseph sa mga panahon na 'yon.

"Vice." France called my title kaya umangat ang tingin ko mula sa binabasang monthly report. He motioned me to come to his table kaya tumayo ako mula sa long table at lumapit sa kanya.

It's already seven in the evening kaya kami na lang apat nila Jess at Jameson ang nandito sa office. Nang makalapit sa kanya ay mabilis niyang inabot ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya.

'Di ko mapigilan ang tumawa at paluin ang braso niya.

"Ay iba. Ang landi ni Pres." I said and he just crunched his nose. He encircled his arms around my waist and rested his face on my nape.

"Nagugutom ako Vice." sabi niya na ikinaubo ng dalawa naming kasama. Malamang ay narinig ang sinabi ni France. Pero wala sa aming dalawa ang pumansin no'n. We were too occupied with each other.

"May pancit canton pa yata sa pantry." sabi ko at tatayo na para pumuntang pantry nang pigilan niya 'ko.

"Later. Mas gusto kong magpahinga." he muttered.

"Puwede ka namang magpahinga rito habang niluluto ko 'yong pancit canton."

"I want to fully rest Love." bulong niya. Sinilip ko siya. His face was still buried on my nape but I could still see a glimpse of his shut eyes.

"Then rest fully." I shrugged and tried to unclasp his arm from me.

"I can't do that when you're not with me." he breathed.

Pumikit ako ng mariin. Napakapa fall talaga ng lalaking 'to. Sa huli ay hinayaan kong si Jess at Jameson na ang magluto ng pancit canton dahil nag presenta rin naman sila. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin. Akala ko ay sasamahan pa nila kaming kumain pero tumanggi lang ang dalawa nang anyayahan ko.

"Let's eat." I said and rubbed my hands in excitement. We were seated across from each other in his table. Kinuha ko ang bowl ng pancit canton at naglagay sa pinggan ko. Ganoon din ang ginawa ko sa pinggan niya nang may naisip ako.

"No water challenge tayo, Love." I playfully said and wiggled my brows.

Extra spicy yata itong flavor ng pancit canton. Sa amoy pa lang at kulay ay mukhang maanghang nga.

Ang natutulog na diwa ni France ay parang nabuhayan nang marinig ang salitang challenge.

"Okay." he smirked and picked his fork.

"Kung sino ang matatalo sa atin ay manghahalik at kung sino ang mananalo ay siya ang hahalikan." I conditioned.

He raised his brow. "Okay." natatawa niyang sabi. "Seems like it's a win-win situation for you." he smirked.

Now is my turn to raise my brow.

"Sa akin lang ba?" tanong ko. Ngumiti lang siya at 'di na sinagot ang tanong ko.

See? Gusto rin niya ang mahalikan! Napakaano nito. Akala mo ay ako lang ang uhaw sa kanya.

Parehong nanliliit ang mga mata namin nang sabay kaming sumubo ng pancit canton. Unang subo pa lang ay napaubo na 'ko sa anghang! Pinipigilan ni France ang matawa nang makita ang reaksyon ko.

"Hey. Bawal ang subo agad, kailangan nguyain muna!" I said when he put another mouthful noodles in his mouth.

"Okay. Sorry." mabilis na hingi niya ng paumanhin.

I smiled. Mauubos na namin ang pancit canton pero wala pa rin ang sumusuko sa amin. Noong unang subo ko pa lang ay gustong-gusto ko nang tumakbo sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

"Let's stop this. You need water. Ang pula na ng mukha mo." sabi niya at ibinaba ang kubyertos para tumayo.

"Hoy. Challenge nga!" pigil ko sa kanya.

"Let's end this. Either we win or lose, we'll kiss."

Napaubo ako. He muttered something before he quickly went to the pantry to get us water. I was caressing my chest when he came back bringing a glass and pitcher.

"Nasaan na 'yong kiss ko?" I asked when I finished my water. He was pouring water in my glass when he crouched and planted a quick kiss on my lips. Ni hindi man lang iyon tumagal ng dalawang segundo ang halik niya.

"'Yon na 'yon?" dismayado kong tanong habang tinitingnan siya na uminom ng tubig.

"Oo. Magliligpit na 'ko para makauwi na tayo." he said and collected the soiled dishes on his table.

"You call that a kiss?" tanong ko habang sinusundan siya sa pantry. He started washing the dishes habang ako ay nakasandal lang sa nakasaradong pintuan at malayang pinagmamasdan ang likuran niya.

I folded my arms over my chest and let out a scorn when he was really serious! Hanggang sa maisara na niya ang office at makauwi ako ay hindi man lang niya ako binigyan ng totoong halik!

"Double time! Double time!" sigaw ng manager sa pinagtatrabahuan kong restaurant.

Maa binilisan ko ang galaw. I sponged the wares well. Mag-isa lang akong dishwasher dito at higit sampu ang waiter na naghahatid sa akin ng mga hugasin kaya wala talagang pahinga. Idagdag pa ang mga ginamit na wares ng limang cook.

I shook my head and focused on my work. Pinipigilan ko ang pumikit dahil antuk na antok na talaga ako. It was already ten in the evening. Kanina sa school ay busy kaming SC buong araw dahil sa isang event at kami ang host. Pagkatapos noon ay diretso kaagad kami ni France sa part time kaya wala talagang pahinga at 'di pa 'ko nakakakain.

You can do this Lav. I encouraged myself. Huwag tatamad-tamad. Para rin naman sa'yo 'to, sa inyo.

The last time we hung out with his friends, Harvey suggested na magbakasyon kaming lahat after ng graduation nila bago sila maging busy sa kanya-kanyang review.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Hope. Kami rin lang ang nandito at ang mga househelp nila kaya less ang kaba ko dahil wala rito ang parents niya. Nakakaba kaya kapag nasa bahay ka ng kaibigan knowing na nandito rin ang mga magulang niya. Nakakatakot kapag makabangga ko sila sa kung saang parte ng bahay at 'di ko kasama si Hope.

Inilapag ni Jo ang mapa ng Pilipinas sa long table kung saan kaming lahat nakaupo. I smiled when he closed his eyes and pointed at the map. Tumama ang index finger niya sa isang maliit na isla sa Palawan.

"Palawan?" Hope said while looking at the map then to his man.

"Uy Palawan nga." tuwang-tuwa sabi ni Harvey nang makita kung saan nakaturo ang hintuturo niya.

"Madaya ka. You intent to point the Palawan."

"Nakapikit ako Babe!"

"That doesn't mean you don't know where the-"

"Punyeta. Palawan na! Ang daming arte." si Step na ang pumigil sa namumuong away ng dalawa.

"Hmp!" Hope crossed her arms and roller her eyes. Nakita iyon ni Step kaya sinamaan niya ng tingin si Hope.

They started planning. It was funny how his friends plan a trip so easily like they're just going to the mall. Habang abala sila sa pagpaplano, ako naman ay malalim na nag-iisip kung saan ako kukuha ng pera, makakasama kaya ako at papayagan kaya ako ng mga magulang ko. Ang layo ng Palawan eh. Ang daming tumatakbo sa isip ko nang magsalita si Harvey.

"Ako na ang bahala sa lahat." humbly he offered.

Hindi ko mapigilan ang mamangha na tingnan siya.

He would shoulder our expenses for the whole duration of our vacation?! Ang dami namin ah?

Sa kanilang lahat ay siya talaga ang pinakagalante. Limitless yata ang pera ng isang 'to.

"Hindi na, Harvey." France promptly declined after Harvey said his offer.

"Ako na ang bahala ng sa amin ni Love." he said and glanced at me.

"Okay. Basta kung may problema man sa pera, ako na." Jo shrugged.

I sighed when I remember that day.

France really has a great source of pride. Sa kanilang magkakaibigan ay siya lang ang umalma sa tulong ni Jo.

Well, I understood him on that part, somehow. Kung palagi na lang kumakapit sa tulong ay baka masanay at umasa na kaya hindi nga rin naman maganda.

Kaya hindi ko rin hinayaan na si France lang ang magtatrabaho para mag-ipon para sa trip namin sa Palawan. Pareho kaming magpapakasaya sa trip namin sa Palawan kaya dapat ay pareho rin kaming maghirap para makaipon.

I startled when France stood beside me. He lightly pushed me so he would have his space to the sink. Mabilis niyang inirolyo ang puting long sleeve hanggang siko at kinuha sa'kin ang sponge.

"What are you doing? Waiter ka-"

"The manager does not know how to deploy his manpower. Palitan ko kaya?" he said and quickly gave me the sponged plate.

"Bumalik ka na roon." I shoved him.

"Ayoko." he shook his head.

Ang kulit. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang hayaan na lamang siya magsabon at ako ang nagbanlaw. Alas dose na kaming natapos sa trabaho.

Tanging ang mga yabag at paghinga lang namin ang aking naririnig habang tinatahak ang tahimik na kalsada dis oras ng malamig na hatinggabi.

I was hugging his waist while his arm was around my neck. We were both exhausted from the event and part-time that the only rest we had right now is to breath.

"Kakasya na rin siguro 'yong suweldo natin dito saka 'yong naitabi kong pera simula nang pasukan 'no?" I asked France while we're waiting for the jeep to arrive.

I was calculating our possible expenses once we get there. I should ask Jo kung gaano kami katagal doon. 'Yong final na para hindi kami mashort sa pera.

"Mahal ba sa Palawan?" tanong ko habang umaakyat ako sa jeep. His hand was on my back, guiding me to get on.

"I have my bankbook Love. Don't worry about it." he said and held my hand.

"Parang tanga naman nito. Para sa med school mo 'yon kaya wag mong galawin." sabi ko pero siya ay nakapikit na ang mga mata at nakatungo.

I smiled achingly when I saw him tired from all the activities we did. Kaya determinado rin ako na umipon para sa trip na 'to dahil kailangan niya 'yon at deserve niya. Mukhang walang ginawa sa buhay ang lalaking 'to kung hindi mag-aral at magtrabaho.

I guide his head to lean on my shoulder. Sinubukan kong huwag matulog kaya inabala ko ang sarili sa cellphone ko. I research and browse articles on the Internet.

"How to become a doctor?"

"How many years does it take to become a doctor?"

"The average cost of studying medicine in SMA."

I massaged my temples and turned off my phone. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa mga nababasa ko. He really needs to do best in NMAT.

Today was the last day of October. I was spending the short holiday with France. Nasa apartment niya ako ngayon dahil may tinatapos kaming report sa SC but we ended up cuddling in his couch. Balot kami ng puting duvet niya dahil malamig at umuulan sa labas.

France groaned when he felt my hands going inside his shirt.

"'Yong kamay mo." he spat and I just rolled my eyes when he stood up. Naiwan ako sa couch niya habang siya ay umupo sa sahig para 'di ako makatabi at pilit na tinatapos ang report.

I rested my leg over his shoulder pero kaagad din niyang ibinaba ang paa ko sa balikat niya nang tumama sa mukha niya ang paa ko. Humalakhak ako nang tingnan niya ako ng masama.

"Ay grabe. Ang suplado." I said and sat down on the couch. Yakap-yakap ko pa rin ang duvet. I walked on my knees to near him. Huminto ako sa paglakad sa couch nang nasa likuran na niya ako.

I tried to cast a glance at his face.

"Galit ka Love?" I teased.

"Hindi. Sorry." he said and pulled me to him. Ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa sahig. 

Then we heard a knock.

"I'll get it." sabi ko at tumayo na para buksan ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita si Step at Kai.

I gasped when I realized what they're actually doing. They're kissing torridly. Kai's hand was inside her short dress groping her ass. Mukhang hindi nila napansin na nasa harapan na nila ako dahil busy sila sa ginagawa.

Damn. I was so shocked that I couldn't even utter a single word. Then I felt France behind me. He muttered something when he saw what they're doing.

Mabilis niyang hinila palayo si Step kay Kai at itinago sa likuran niya.

"Estefania!" galit niyang bulyaw sa kaibigan.

Umangat ang kilay ko. That's rare. Si Step lang pala ang magpapamura sa kanya.

Tiningnan ko si Kai. His eyes were bloodshot while looking at Step. Parang anumang oras ay hihilain na niya ito at susunggaban.

"Lasing ka ba?"

"No. We just need a place to crash."

"Step˗"

"Wala na kaming oras." si Step at tiningnan ang wall clock.

With that, they vanished like a bubble in front of us. Nahulog pa ang painting sa pinto ng room nang malakas nilang isara 'yon.

"I can tell she's straddling him already." I whispered.

My eyes widen when I heard moans! I looked at France. His eyes were shut tight, his jaw clenched and unclenched as he heaved a sigh. His knuckles turned into white resulted from fisting his hand tightly.

He was trying so hard to stop himself from breaking the door. Kaya bago pa iyon mangyari ay hinila ko na siya palabas ng apartment niya.

Kami na lang ang mag a adjust. Nakakahiya naman sa kanila na wala ng oras. Kami nga na maraming oras ay walang kabalak-balak gawin ang ginagawa nila ngayon.

Tahimik naming binabagtas ang tahimik na pasilyo. Ayaw ko munang kausapin ang kasama. Mukhang galit na galit e.

We were on our last step to the stairwell when I saw Hope and Harvey. Nasa tapat sila ng gusali at kabababa lang sa family van nila. Hindi lang sila ang laman ng sasakyan. My jaw dropped when I saw Alric, Taly, Rain, Eve and Raven going out the van!

Ano'ng ginagawa nilang lahat dito?

Si Rain ang unang nakakita sa amin kaya mabilis siyang kumaway at sumigaw. Kaya napunta sa amin ang tingin ng lahat. Naglakad kami palapit sa kanila.

"Mabuti naman at nandito na kayo. 'Di na namin kailangang umakyat." sabi ni Rain at hinila kaming dalawa.

"Wait. I need to pee." si Hope at tiningnan si France. I gulped when I realized what she wanted to happen.

"Saan unit mo?" she asked then looked at Harvey. "Babe, samahan mo 'ko."

"Nasaan na daw si Step?" asked Alric.

"I can't reach her. Kanina ko pa siya tinatawagan. Ring lang nang ring ang phone niya."

You really can't reach her. May iba rin na inaabot ang Step na 'yon ngayon. Gusto ko sanang sabihin iyon kay Eve kaso baka mas magalit si France.

"Maybe she's banging with-" Rain stopped from talking when Raven looked at her. She just made a peace sign and acted like she zipped her mouth.

"That's fine. As long as it's not my brother." Hope shrugged and I coughed hard.

"You okay?" Hope asked and I just nodded. Tumingin siya kay France at tinanong muli ang unit number nito.

"May restroom dito, Hope." sabi ni France at itinuro ang madilim na pasilyo.

Bumuntong-hininga ako habang tinitingnan si Hope at Harvey na pumunta sa public restroom na itinuro ni France. You're saved Step, for now.

I wonder if Hope knows that his brother is in the country right now.

Habang hinihintay sila ay pinagusapan na nila ang gagawin at kung bakit nila kami sinusundo. Noong una ay hindi ko pa maintindihan pero habang tumatagal na tahimik akong nakikinig sa kanila ay nakukuha ko na.

We rode in a family van. Nagkasya kaming lahat sa malaking sasakyan. I was shaking my head as I listened to Alric and Harvey. It was all their stupid idea. Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay tumigil kami sa ikaapat na sementeryo na pinuntahan namin.

Oo at talagang pinaglaanan nila ng gas ang kalokohan na ito.

"Wala talagang tao."

"Gagi. 'Yon nga ang hinahanap natin na sementeryo. Walang tao dapat."

"I think we should go home. I don't want this."

"I thought you're G?"

Girls were battling while the boys started getting off the van. Bumaba na rin ako nang makababa si France. Mabilis na sumunod ang iba nang makitang nakababa na kami. Tanging umaasa lang kami sa flashlight ng mga cell namin habang naglalakad papasok ng cemetery.

Mabilis na dumikit si Hope kay Jo, si Taly kay Alric, si Rain at Eve ay kay Raven at ako ay kay France.

"Uh, may bibisitahin ba tayo rito?" I asked kahit alam ko naman na wala.

"Mayroon. 'Yong namatay na feelings ni Jo." si Alric at 'tsaka tiningnan si Jo at Rain. Then he burst out laughing alone kaya para siyang tanga sa part na 'yon.

Hindi ko alam kung bakit at bigla na lang naunang maglakad si Hope pagkatapos nang sinabi ni Alric. Harvey and I called her pero tuloy-tuloy lang ang lakad niya papasok ng sementeryo na parang hindi siya natatakot.

May mali ba?

"Wala naman akong binanggit na pangalan ah?" depensa ni Alric.

"Gago mo!" si Jo at mabilis na sinundan ang girlfriend.

"Bakit umalis ang dalawa?" si Rain na ngayon lang inalis ang tingin sa cellphone. Mukhang walang alam sa nangyayari.

Tiningnan ko si France na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Natatakot ka?" I asked and he looked at me.

"No." he replied. "Ikaw?"

"Natatakot." I joked and hugged myself like I was really scared. Hindi na ako nagulat nang akbayan niya ako at hawakan ang kamay ko.

"Natatakot ka pa ba?"

I pouted and shook my head.

"Why would I if I have you?" I said and smiled. He smiled at me too and rubbed his thumb on my cheek.

"Kilig ka Love?" he teased trying to copy my lines! Ako naman ay natawa lang at kinurot ang tagiliran niya. We're poking each other with giggles and chuckles when we heard a cough behind us.

"Punyeta. Ang landi. Tabi!" si Rain at pilit na dumaan sa gitna namin ni France. We both laughed with that.

"Ang bitter. Who hurt you?" I asked Rain and he just raised her middle finger without looking back.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now