Chapter 13

3.5K 108 4
                                    

He's here. France's here.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ibinuhos ang tubig mula sa tabo sa aking katawan. Impit akong tumili dahil sa lamig at kilig na nararamdaman.

Ano bang ginagawa niya rito? Pa'no niya nalaman na nandito ako? Sinusundo niya ba 'ko?

Habang naliligo ay inililista ko na sa isip ko ang mga itatanong ko sa kanya mamaya. Itinapis ko sa basang katawan ang puting tuwalya at ang isa pang tuwalya para sa buhok ko.

Lumabas ako ng banyo na ganoon ang ayos at kaagad kong nakita si France na nasa salas at nakaupo sa tanggapan. Umangat ang tingin niya nang marinig ang tunog na likha ng tumatama kong sapin sa paa sa aming sahig.

"Hi." huminto ako sa tapat ng hagdan.

Umangat ang kilay niya.

"Bakit ka nga pala nandito?"

He tilted his head and scratched his brow using his pinky finger. I scoffed. He looked cute doing that. Asar ha.

"Hindi ka pumasok."

He looked at me. He had this earnest stare that made you feel like you're important to him.

Gosh Lavienna. You notice even the smallest things kaya ka umaasa eh.

"Obviously." I almost snorted.

"Bakit?"

"Ikaw muna. Bakit ka nandito?"

"Well I'm worried."

"Bakit ka worried?"

"Cuz I care."

"Why do you care then?"

"Kailangan ba lahat ng nararamdaman ko ay may rason?"

I shrugged, do not know what to say. May punto nga naman siya. Ano bang hinuhuli at hinihintay ko sa kanya? Na aamin siya na mahal niya 'ko?

That's absurd. Asa ka pa.

I diverted the topic to kill the long and awkward silence between us.

"Gusto mo nang makakain?"

Damn. Bakit pakiramdam ko ay bumabalik kami sa simula?

"I think you should change first before we talk about my wants."

My mouth turned into an o when he said that. Kaagad akong tumango at mabilis na umakyat. Ilang beses pa akong natisod sa pagmamadali at sa basang paa na rin.

Nang maisara ang pinto ng silid ay kaagad kong hinanap ang uniporme ko sa tokador. Tumigil ako sa paghahanap nang maalala na hindi ako umuwi kagabi at hindi ako nakapagplantsa ng uniporme ko.

I slapped my palm on my forehead. Kaagad akong pumunta sa bintana at tumingin sa baba upang kumpirmahin kung nasa sampayan pa nga ang mga damit ko.

Aba'y matindi. Nandoon pa nga. Si Nanay talaga. Hindi man lang nagkusang...

I sighed and neared my door.

Bumaba ako ng hagdan, nakatapis pa rin ng tuwalya at tutuloy na sa back door nang pigilan ako ni France. Hindi ko napansin na sumunod na pala siya sa'kin dito sa kusina.

"Saan ka pupunta?"

"'Yong uniform ko nasa sampayan pa."

"Ako na ang kukuha."

"Ha? Hindi na. Ako na." kinabahan ako dahil nandoon din 'yong undergarments ko! Wala naman akong dapat ikahiya roon pero crush ko 'to eh. Kaya medyo shy lang ako ng kaunti.

"Ako na, Love." sabi niya at hinawakan ang kamay kong nasa door knob at siya na ang bumukas no'n.

Puta. 'Yong puso ko ang saya-saya. Bakit ganyan siya? Bakit ganito ako?

Ilang segundo akong nakatitig sa door knob kung saan dumikit ang mga kamay namin. Sinilip ko siya mula back door. Effortless niyang kinukuha ang hanger ng mga damit ko sa sampayan. Ang tangkad talaga niya at ang puti. His uniform suits him well.

I was not done yet examining him when he glanced at me.

"I guess this is all yours?"

Umayos ako ng tayo dahil doon. Para kasi akong tanga na nakasilip sa kanya mula sa nakasiwang na pinto. Tiningnan ko ang tinutukoy niya. 'Yong mga boxer shorts ko.

"Uniform lang-"

"Tuyo na ang lahat kaya kukunin ko na para sa'yo." simpleng sabi niya at kinuha na ang lahat pati iyong mga underwear ko!

"Hoy France."

"Hmm?"

I hissed when he didn't even take a glance at me.

"I love you."

Tumigil siya sa pagkuha ng hanger at binalingan ako ng tingin.

He sighed before he replies, "I love you too." and continued getting my clothes.

Kumapit ako ng mahigpit sa door knob at pinto dahil parang mawawalan ako ng balanse sa impact ng sinabi niya sa'kin.

Nang makabawi ay humalakhak ako, pilit na tinatabunan ang kaba at tuwang nararamdaman.

"Aba himala at 'di ka galit."

So okay sa kanya na sabihan ko siya ng I love you kaysa sa halikan?

"Saying I love you is fine." he shrugged and walked to me when he's done getting my clothes. Nakasampay iyon sa kanang braso niya habang naglalakad siya palapit sa'kin.

"Totoong mahal naman kita." sabi niya at ngumiti.

I rolled my eyes. I know what he meant with that. Mahal bilang kaibigan.

Yeah right.

"Alam mo, pa fall ka." I said and walked to the living room. Sumunod naman siya sa'kin.

"But this is what you want, right?"

Aray.

Oo nga naman. Iyon ang gusto ko.

So this is how it feels like. To be in a situation where uncertainties and doubts are always present. If I get bruised and ruined in this setup, I have no one to be blamed but me.

But then, I will always be firm and adamant with my decision. If I'd go back to that time for the second time around, I'd still set this thing up with him in a heartbeat. That's how desperate I was.

Inayos ko ang kabayo at plantsa para makapagplantsa na ng uniporme. Nakakainis kung bakit nandito pa ang kabayo sa salas. Sa kuwarto na lang kaya ako mamalantsa?

Kaso hassle dahil iaakyat ko pa 'to.

"Let me iron your uniform-"

"Kaya ko."

"Galit ka?"

"Hindi."

I never dared to look at him. I was embarrassed, frustrated and mad. Hindi ko alam kung sa kanya ba o sa sarili ko.

Kinuha ko ang uniporme sa hanger at ipinatong iyon sa kabayo ng plantsa para plantsahin.

"Ako na, umakyat ka muna kaya at magbihis?" he offered and we both stared down at my body.

Doon ko lang na realize na tanging tuwalya lang ang suot ko, wala nang iba. Hinawakan ko ito nang mahigpit saka naglakad na paakyat, hindi siya binalingan ng tingin.

Pagkarating ko sa loob ng silid, imbes na magbihis ay umupo ako sa single bed ko at tulalang tiningnan ang repleksyon sa salamin.

I don't know what's happening to me. I know I am ambitious. I am that kind of person... who really doesn't settle for less when I know I could get more. And that's what I rightfully deserve. I am and will always be thirsting for more.

Pero ang pagkauhaw kong iyon ay para lang sa mga pangarap ko, sa mga ambisyon ko na maging matagumpay balang-araw. Para makaalis na sa kinasasadlakan ko ngayon dahil alam kong pagsisihan ko ng lubos kong hindi ko man lang naranasan ang maging mayaman sa buong buhay ko.

Magiging malaking panghihinayang sa'kin kung hindi ko man lang mabibigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko. Mas hindi nila deserve ang maghirap habang nabubuhay sila kagaya nang nangyayari sa kanila ngayon.

Sa buong buhay ko ay hindi ako naging ganito kauhaw sa isang lalaki. Kung ayaw e 'di huwag. Tapos. Ang dami riyan na iba.

Pero bakit pagdating sa kanya, nagiging desperada ako.

I stopped from overthinking when I heard a knock. I immediately stood up and walked to the door. The door knob jingled when I gripped it to open the door.

I saw him standing in front of my door holding my well-pressed uniform. Inilahad niya sa'kin ito kaya kinuha ko iyon sa kanya.

"Salamat." sabi ko at isasara na sana ang pinto nang pigilan niya iyon. He firmly held the edge of my door and rested his other hand on the door frame.

"You're mad."

"Am not. Magbibihis na 'ko. Gusto mong tumingin?" I teased.

I stepped back when he entered my room. Well I was just kidding. Hindi ko alam na papasok siya!

"Uh, wala akong walk in closet kaya kung magbibihis man ako ngayon ay-"

"Get dressed then." he coaxed.

I shot my brow up when he began to ride my little game.

"Hmm." lumapit ako sa kanya.

"Sigurado ka? Baka 'di na tayo makapasok kapag makita mo katawan ko." sabi ko at mabilis na tinanggal ang tuwalya. I was already wearing my bralet and cycling shorts.

He muttered my name with gritting teeth and quickly turned his back to me. He muttered something when he saw my reflection in my full body length mirror in front of him.

Humalakhak ako nang makitang mabilis siyang yumuko at lumabas sa silid ko at malakas na ibinagsak ang pinto.

I was smiling from ear to ear while we're riding a jeep from our home to St. Joseph. I poked his side and he just leered at me.

Humagikhik ako dahil bet na bet ko ang mga ganitong lalaki, suplado. Sa buong buhay ko ay mukhang ngayon lang ako naging masaya na siksikan kami rito sa jeep. Pero ang katabi ay baliktad ang nararamdaman sa akin.

Mas lalo lang dumikit ang katawan namin ni France sa isa't isa nang may tumabi pa sa akin. Ngumiti ako sa bagong katabi at kung hindi lang weird ay papasalamatan ko pa siya.

Liningon ko si France. His face was red.  Siguro ay dahil tirik na tirik ang araw at siksikan pa kami rito.

"Love," I whispered and rested my head over his shoulder.

"Galit ka pa ba, Love?" I whispered and seized his hand to fasten our hands together.

"What are you doing?" tanong niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa kanya.

"Ang sabi mo ay kung ano ang gusto ko ay gugustuhin mo rin. Gusto kong hawakan ang kamay mo." sabi ko at marahang pinalibot ang thumb sa kanyang palad. I felt him stiffened with what I am doing on him.

I smirked, satisfied with the reaction of his body.

Nawala ang atensyon ko kay France nang marinig ko ang shutter sound ng camera ng lalaking nasa harapan ko. He was taking a selfie from below. I only shrugged and returned my attention to France. He was also looking at the guy across from me then to me.

Nagtagpo ang mga mata namin at mas kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang mas galit niyang mukha. Hindi katulad na inis at pikon siya kanina. Ngayon ay galit siya.

Tumingin siya sa maiksing pencil skirt ko 'tsaka niya iyon pilit na ibinababa.

"Bakit?" I asked. He heavily sighed when he could no longer pull down my skirt. Maiksi at fit ang skirt kaya nang umupo ako ay mas umiksi pa ito hanggang sa kalahati na ng binti ko ang kita.

He snaked his arms on my waist and pulled me closer to him. He even placed my shoulder bag over my lap and rested his hand on my knees as if he was keeping it close. I gasped with his gestures. He became possessive all of a sudden.

Umangat ang tingin ko at nahuli ang masamang tingin niya sa lalaking nasa harap. Tiningnan ko ang lalaki sa harap na ngayon ay natataranta na sa pagtago ng cellphone at 'di na makatingin ng diretso sa amin.

Tumigil ang jeep sa babaan. France was behind me while we're heading out but he got off the jeep first and offer his hand when it's my turn to get off. I pursed my lips and accepted his hand.

Who wouldn't fall from this guy?

"We'll take our lunch at your parents'?" tanong niya sa'kin habang kinukuha ang panyo sa bulsa ng kanyang slacks.

Tumango lang ako sa mga sinasabi niya habang pinagmamasdan siyang punasan ang pawis sa noo't leeg. Kinuha ko ang folding umbrella sa loob ng bag at binuksan iyon habang nakatingin pa rin sa kanya na abala pa rin sa pagpunas ng sariling pawis.

"Careful." he reminded when I tripped.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sinundo niya 'ko sa bahay. Marami pa sana akong gustong itanong kaso masyadong crowded ang daan patungong eatery dahil noon break na rin kaya wala akong panahon para lumandi. Halos lahat ng nakikita ko ay mga estudyante na bumibili sa mga nakahilerang food stall o 'di kaya ay mga naglalakad papunta rito galing sa exit gate ng unibersidad.

The environment was busy and the temperature was extremely high. The whole place was suffocating, different scents and smokes flared in my nostrils.

Mabilis kaming lumakad ni France patungong eatery namin. May kalayuan iyon sa pinagbabaan sa amin kaya ilang minuto rin kaming nakipagitgitan sa alon ng mga tao.

I was used to this crowded place and bumping people just to get in my way but France was way more experienced to this. He walked in a quick pace and I was trying to catch up pero nahuhuli pa rin ako sa kanya.

Then I felt his arm on my shoulder. I gulped when I felt that he was almost hugging me, shielding me from people. It drew us even closer.

Kinuha niya rin sa'kin ang payong at siya na ang humawak noon. Parang gusto ko pa ngang i extend ang distansya ng eatery namin kung puwede lang para mas mahaba pa ang lalakarin namin.

Mabilis kaming pumasok sa loob ng eatery na ganoon ang ayos para makawala agad sa kumpol ng tao. France was folding the umbrella while I roamed my eyes around.

My smile faded when I saw my friends in a table. They're all here. Si Devi ang unang nakakita sa amin kaya naibagsak niya ang mga kubyertos na hawak-hawak. Then she nudged Kyze and Pau. They both choked with their drinks upon seeing us. My guy friends stopped from eating.

They're all have different reactions but they're sharing the same presumption.

I know. I know. Lav being with France is really shocking. I understood them.

Ang mga mata nila ay napunta kay Miko na nakatalikod sa amin. Tiningnan ko si France na ngayon ay nakatingin sa'kin.

"Mga kaibigan mo, 'di ba?"

I nodded.

"You want me to meet them or should I go to the kitchen and help your mother then?"

"Uh,"

Hindi ko pa man nasasagot ang tanong ni France ay lumabas si Mama mula sa kitchen at may hawak-hawak na isang tray ng maja blanca.

"O France! Mabuti naman at naabutan mo sa bahay itong si Lav."

"Tita."

I just watched France neared Nanay and got the tray from her hands. Sa mesa iyon ng mga kaibigan ko ilalagay kaya lumapit doon si France habang si Nanay ay sa'kin lumapit at pasimple akong kinurot sa tagiliran.

"Kung hindi pa sinabi ng Ninang Audrina mo na pumunta ka sa kanila ay hindi pa namin malalaman kung nasaan ka." Nanay was gritting her teeth, trying to form a smile while scolding me.

Mahaba pa sana ang litanya ni Nanay sa'kin kung hindi lang dahil sa mga bagong dating na customer. I sighed in relief with that but that sense of relief didn't last when I saw my friends, waiting for me to come to them.

Kahit nag-aalangan ay lumapit pa rin ako sa kanila.

"So Pres, kayo pala ni Lav ha." rinig kong kausap sa kanya ni Pau. Nalipat ang tingin sa'kin ni Pau nang makalapit ako sa mesa nila.

"Ikaw naman Lav, 'di mo man lang sinabi sa'min. We will understand naman if you want to keep your relationship low-key."

"Gaga. What if France doesn't want anyone to know their relationship? Even us, Lav's friends ay ayaw niyang makaalam no'n. He's a privy person. Kaya naintindihan ko si Lav doon."

"Wait-"

"Ssh." tumayo si Pau at pinigilan ako sa pagsasalita.

"We understand. We really do." Pau said but I know better. Mamaya nila ako gigisain kapag wala na si France. At hindi ko alam kung maganda ba iyon.

Nalipat ang tingin ko sa mga kaibigan kong lalaki na kanina pa tahimik. I looked at Miko. He was trying to pull his soft hair out on his cheek but he was pulling out his own skin instead. He was spacing out, I could tell. Kung hindi pa siya siniko ni Dan ay parang hindi siya mababalik sa realidad.

"Kuya." he finally replied to France after three times of ignoring France.

"How's Rain?"

"Ayos lang. Next weekend pa ang uwi."

They talk and talk habang ako ay nakakunot ang noong pinapakinggan silang mag-usap.

Rain? Was he referring to Rain I met at Alric's house? The woman I spent my time with during Alaine's eighteenth birthday? Iyong kaibigan ni France at Alric? Iyong Mommy ni Aesthrielle?

Siya ba ang tinutukoy nilang Rain sa usapan ng dalawa? Babae ang kapatid niya?

That's possible but I didn'tknow about that.

Lumapit ako kay Kyze na siyang pinakamalapit sa'kin. Inilalagay niya iyong maja sa isang transparent container. Mukhang sa eskuwela na nila kakainin. Tinulungan ko siya roon habang ang iba ay abala sa pag-uusap.

"May kapatid pala na babae si Miko." I tried to sound normal but inside of me, it was a shocking news to me.

"Oo, si Rain Villabrille." he shrugged like it was a given information. Maybe, it was for him but not to me.

He knew? Mas lalo ko iyong ikinagulat. Miko and I were bestfriend. Magkaibigan kami simula pa noong senior high kami. Sila ni Kyze ay ngayong college na lang. Bakit hindi ko alam 'yon? Does Hope know?

"Bakit 'di ko alam?" hindi ko mapigilang maitanong.

Umangat ang kilay sa'kin ni Kyze.

"Nagtanong ka ba?" balik niyang tanong na ikinatigil ko.

Well, I didn't. Hindi rin naman sinabi sa'kin ni Miko kaya hindi ko alam. 'Tsaka naghihintay rin lang naman ako na siya ang magsabi ng kahit na ano tungkol sa buhay niya. Ayokong isipin niya na nakikiusyuso ako.

That's the least thing I'd want Miko to think of me.

"Minsan kasi, tanong tanong din pag may time." pagpaparinig ni Kyze sa'kin.

Was it my fault? Ayaw ko lang talaga na bigyan siya ng maling impresyon tungkol sa'kin. Pero baka dahil sa pagiging tahimik ko ay maaaring isipin din niya na wala akong pakealam dahil hindi ako nagtatanong.

I don't want to ask cuz I don't want to make him feel that I was only curious of his life. I chose to shut my mouth but I silently care for him. I hope he's thinking the same thing.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now