Chapter 3

4.1K 151 18
                                    

Ang sabi ko sa sarili ay hindi ko siya lalandiin. Pero paanong hindi kung binibigyan niya ako ng rason na gustuhin siya?

We all dreamily sighed and simultaneously took a sip from our milkteas. Nandito kami ngayon sa corridor ng ikalawang palapag ng College Building namin at tanaw na tanaw si France sa malawak na field sa ibaba.

Nasa tapat lang kami ng classroom. Si Hope ay abala sa pag-aaral kaya mula rito sa labas ay kita ko siyang nagbabasa. Iba talaga ang babaeng 'to.

Bumalik ang tingin ko sa ibaba.

"Parang gusto na lang maging kalat." sensuwal na sabi ni Kyzer at may padila-dila pa sa labi habang tinitingnan si France sa ibaba na abala sa pagpulot ng mga kalat. Kulang na lang ay tumulo ang laway nito kakatitig dito.

"Don't worry. Mukhang kalat ka naman talaga." sabi ko at mabilis na nakatanggap ng sapak sa kanya.

"Wala na ba sila noong University Queen?" tanong ni Peachy kaya nabaling ang tingin ko sa kaibigan.

University Queen? Si Kelly Malavega?

"Girlfriend niya 'yon?" gulat kong tanong.

Wow. I mean, I know France Cortes is handsome and genius. He's a good catch pero hindi sa punto na magiging girlfriend niya ang isang Kelly Malavega. Hindi sila magkalebel dahil kami ang magkalebel kaya dapat akin siya.

"Ang balita ko ay wala na sila. Si boy ang nakipag break." ani Devi.

"Talaga?" namamangha kong tanong sa kaibigan.

Devi narrowed her eyes on me. "Hmm, bakit? Bet mo?"

I pursed my lips and shrugged my shoulders.

"Walangya. Binitbit ka lang sa Disciplinarian, crush mo na? Ibang klase."

"Sinasabi ko na agad sa'yo girl, wala kang pag-asa." si Pau na ngayon ay sumisipsip pa sa straw ng walang nang laman niyang milktea habang tinitingnan si France sa baba.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Ayaw niya sa mga kagaya mo."

"Kagaya ko?"

"Oo, 'yong mga katulad mong pariwara."

"Patapon."

"Walang kinabukasan."

"Grabe kayo sa'kin." sabi ko na lamang habang tuloy-tuloy sila sa pangmamaliit sa akin.

"Imagine kung magiging kayo. He's the law maker and you're the law breaker. Nah. 'Di compatible."

Hindi na lamang ako nagsalita at tumingin na lang kay France na ngayon ay may tinutulungan ng propesor sa pagdala ng mga gamit nito. Mukhang pati prof ay magiging karibal ko na rin sa kanya.

France is running for SC President. Iyon ang pinagkakaabalahan niya ngayon maliban sa studies niya. He's also running for summa cum laude. He's an achiever. Wala kaya siyang balak ma achieve ako?

Binuksan ko ang cellphone at binuksan ang wifi para kumonekta sa University Wi-Fi. I finally decided to send him a friend request. Kagabi ko pa ito pinag-iisipan ng mabuti. Mas pinaglaanan ko pa 'to ng oras kaysa sa mga assignment ko. I'm a hundred percent sure that I'm making the right decision.

Notifications from my SNS Accounts bombarded my phone. Kinailangan ko pang i-silent mode ang cellphone dahil nakakakuha na ito ng atensyon sa mga dumadaan.

Kumunot ang noo ko nang may mag pop up na notification na siyang katangi-tanging napansin ko.

France Cortes: I hope it's affirmative.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now