Chapter 22

3.3K 106 8
                                    

Tumatawa kaming pumasok ni France sa back door pagkatapos naming maligo sa balon. Five thirty ng madaling araw kanina ay ginising niya 'ko para maligo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya para mangyaya maligo ng ganoon kaaga. Ang lamig pa naman ng tubig dito. Kahit nakapagbihis na ako ay nangangatal pa rin ako.

"Your lips are pale." he said and brushed my lips with his thumb. Tiningnan ko iyong labi niya,

"Maputla rin 'yong sa'yo." I smirked and did the same thing. We stared at each other as I grazed his lip with my thumb.

"This is unjust, right Sofia?" mabilis akong lumayo sa kanya nang marinig ang boses ni Taly 'di kalayuan sa kung nasaan kami.

Ngayon ko lang napansin na nasa harapan sila ng ref ni Hope, nakatingin sa schedule ng dishwasher at cook na pinaskil namin doon kani-kanina lang.

I looked at France like I was guilty for something. Hindi nga ako nagkamali at may magrereklamo talaga sa schedule na ginawa namin.

Masama ang tingin sa amin ni Taly habang naghahanda kami ng agahan. France seemed not to care at mukhang ako lang ang apektado. Eh siya nga itong naghiwalay sa kanila. Bakit ako ang nakakaramdam ng ganito?

We are currently taking our breakfast and she never leaves her eyes off me. Pumikit ako ng mariin nang malakas na lumikha ng ingay ang pagtama ng tinidor ni Taly sa babasaging pinggan.

Pansin ko na sa akin lang siya may galit, bakit hindi kay France? Napaka-ano rin nito e. Mukhang na-i-intimidate din kay France kaya sa'kin binubunton ang lahat.

"Let us have a meeting after breakfast." sabi niya at kinuha ang table napkin sa lap para punasan ang labi.

"Meeting? Para sa?" tanong ni Rain pero wala ni isa sa kanya ang sumagot.

Unang natapos kumain si Taly kaya pansin talaga na may problema sa kanya.

Dammit.

Masama kong tiningnan si France na ngayon ay patuloy lang sa pag-kain.

"Hayaan niyo na. Sinusumpong na naman." si Alric at sinundan na rin si Taly.

I shut my eyes tight and exhaled deeply. Hindi ako makapaniwalang pati ito ay pag-me-meeting-an pa.

Pagkatapos kumain ay nasa malawak na salas na kami. Gaya ng gustong mangyari ni Taly ay mag-uusap kaming lahat.

"I have a problem with this." Taly started and placed the paper over the table.

Tiningnan ko si Hope na nakakandong lang kay Harvey at mukhang walang pakealam sa pag-uusapan.

Nasa harapan namin si Taly at naglalakad na parang isang presidente. Tumigil siya sa harapan namin ni France. I held on France's knee for support. Natatakot ako kay Taly. Samantalang ang katabi ko ay nakasandal lang sa sofa at nakahalukipkip pa.

Nilingon ko siya. Umangat ang kilay niya nang mapansin ang pangamba ko. Walang hiya. Kasalan niya 'to e.

She folded her arms over her chest. "I entrusted you guys to plot our schedules since you're leaders."

"But I guess, Josephites are... incompetent." maarte niyang sabi at tiningnan ang manicured nails niya na parang wala siyang sinabi na maaaring magsimula ng gulo.

"Hoy!" Rain threw the throw pillow on her lap and stood up.

Taly arched her brow as she looked at Rain.

"Why you seem so affected? Are you still a Josephite?"

"Forever Josephite ako!"

"Stereotype ka!" Step seconded. Tumayo na rin sa tabi ni Rain.

Umangat ang kilay ko at tiningnan si Step.

"So you agreed?" natatawang sabi ni Hope. "That we, the leaders of Josephites are incompetent?" namamanghang tanong niya kay Step.

Tumango ako para sumang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Oo nga naman. Ayos lang kay Step na kaming mga leader ang sabihang incompetent, huwag lang sila?

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Raven kaya napunta ang tingin ko sa kanya.

"Where are you going?" asked Taly when she noticed Raven stood up.

"I'll sleep." tinatamad niyang sabi.

"But we're in a meeting."

"This is pointless, Taly."

"We're here to settle this down. Please maintain the attitude. Gosh." stressed niyang sabi habang nakapamaywang.

Kita ko ang pagkagulat ni Raven sa sinabi ni Taly.

"How old are you again?" sarkastikong tanong nito habang bumabalik sa pagkakaupo.

Taly pouted with that.

"Kayong mga maroon talaga, mga competitive. You always see every thing a competition. Ayaw palamang. Insecure kayo?" si Rain.

"'Di ka sigurado riyan?" Eve joined in. Mukhang na-threatened dahil mag-isa lang si Taly.

"Wow." si Alric. Tiningnan ko siya, manghang-mangha sa mga nangyayari.

"Grabe. Ang layo ng narating ng schedule." Harvey burst out laughing.

Tiningnan ko si France nang marinig ko ang pagsinghap niya. Katulad ni Alric ay namamangha rin sa pinag-aawayan naming mga babae.

"Kasalanan mo." I hissed and he just groaned. Isinandal niya ang ulo sa backrest ng sofa at hinilot ang sentido.

At the end, Taly won. She just won't let this argument ends without her winning. Ang gusto lang naman niya ay isali siya sa grupo ni Alric. Puwede naman siguro iyong idaan sa magandang usapan, bakit nga ba kailangan pa naming mag-away?

Sa araw na iyon ay may nilakad si Hope at Taly. They rented a car and Alric's their driver. Naiwan si Jo sa bahay. He is plotting our itinerary for the whole vacation. He even joked that he needed Taly and Hope's approval to make that valid. Baka raw maging katulad sa ginawa naming schedule ni France at mag-away na naman.

Pagkabalik nila ay nagulat ako nang makitang ang dami nilang dalang damit at sapatos!

"Are you ready for your portfolio?" Hope excitedly asked.

"This place is amazing."

"Uh-huh. Where could you find a Dior worth of ten pesos? Gosh they're casting diamonds." 

Tiningnan ko ang pinamili nila. Mga ukay-ukay. Nagtagal ang tingin ko sa mga inilalabas na gamit ni Alric sa loob ng kotse. He is bringing cameras with different lenses.

"I apologize Lavienna. We resorted to this. If I had known earlier about you making your portfolio, I would have brought my wardrobe with me."

"It's already used but we'll had it cleaned before you wear it."

Tiningnan ko silang dalawa. I didn't ask them to do this.

"Thank you." sinsero kong wika.

Taly rolled her eyes. "Don't thank me as if I'm an angel. Zavier asked me to and I love doing it so..." she shrugged and went inside.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalapit siya kay Alric. Bumalik ang tingin ko kay Hope na siyang naiwan sa harap ko.

I gave her a small smile. Shit. Ang awkward talaga kapag kaming dalawa na lang.

"Salamat Hope." I formally said. Damn. Even calling her name seemed unusual like I wasn't used to calling her that.

"Anything for you." she said.

Nakahinga ako ng maluwag nang dumating si Jo at niyakap siya mula sa likuran.

"I miss you babe."

Lumayo na 'ko sa kanila bago ko pa marinig ang mga susunod nilang sasabihin sa isa't isa.

Hapon na nang magpasya kaming lahat na magroadtrip. Bukas na kami magsisimula sa paggawa ng portfolio ko at puwede naman namin iyong isabay sa pamamasyal sa isla since naghahanap din naman kami ng magandang setting.

Sumampa ako sa likod ng motor ni France habang hinihintay namin ang iba. I was brushing my blonde hair with my fingers when an idea popped in mind.

"Ako mag-drive mamaya pauwi." sabi ko.

"I'll decide on that."

"Ako na nga. Marunong naman ako." I insisted. Marunong naman akong mag-motor kaya kung ang ikinatatakot niya ay bumagsak kami, hindi ko 'yon hahayaan lalo pa't sakay ko siya.

Nilingon niya 'ko. "Pero hindi ka pamilyar sa daan." he almost pouted.

Umangat ang kilay ko.

"At ikaw?"

Pareho naman kaming turista rito kaya pareho rin kaming baguhan sa lugar.

"Sige pero hindi dapat mag-exceed sa bente ang patakbo mo." pagsang-ayon niya.

"Ano?" natatawa kong tanong pero siya ay seryoso lang. "Seryoso ka?"

He nodded his head.

"Ang bagal no'n!"

"Then don't drive." masungit niyang sabi at humarap na sa harapan para buhayin ang makina ng sasakyan.

"Kuwarenta." I leaned closer.

"No."

I hissed when he started driving at hindi na pinansin ang request ko. Nasa unahan sina Hope at Jo saka si Taly at Alric. Raven's with Rain is behind us. Sa likod naman nila iyong kotse na si Step ang nagmamaneho kasama si Eve.

It was a bumpy ride. Ilang beses kong napisil ang balikat ni France no'ng hindi niya naiiwasan ang mga bato. Nasa parte na kami ng area na paakyat iyong karsada. Habang inaabot namin ang tuktok ay hindi ko mapigilang mamangha sa tanawin.

Sa gilid ng karsada ay mga bushes at 'di kalayuan ay ang cliff. Kitang-kita ang malayong karagatan mula rito at mga islet.

"Wow." I uttered and stood up from the motorcycle. Kaagad din akong bumalik sa pagkakaupo nang pagalitan niya 'ko.

Nang makarating kami sa tuktok ay kanya-kanya kaming parada ng motor sa gilid ng karsada. Mabilis akong bumaba sa motor at muntik pa akong mawalan ng balanse sa kakaapura.

I looked at France. Kunot ang kanyang noong nakatingin sa'kin. Mukhang handa na akong pagalitan sa pagiging clumsy kung natuloy man ang pagkatapilok ko. I forced a smile and made a peace sign.

"This is strikingly beautiful."

"Uh-huh."

They started taking photos using their cams. Ngumiti ako habang tinitingnan silang libreng kumuha ng larawan. Gusto ko rin sana kaso nahihiya akong ilabas ang android cellphone ko.

Call me anything but I just don't want to feel an outcast. Kahit ngayon lang. Pumikit na lang ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

Nang tumalikod ako ay mas lalo ko lang minahal ang lugar nang makita ang Mt. Flores. Sa tuktok no'n ay isang tower. Kung titingnan ay ang lapit lang ng bundok sa kinaroroonan namin ngayon.

"You like it?" tanong ni France sa likuran ko.

"Hmm." I nodded my head. Sinikop niya ang buhok kong tumatama sa kanya.

"Hair tie?"

I rummaged my cross-body bag to find a hair tie pero wala akong mahanap. Mukhang nakalimutan ko yatang kunin sa bathroom kanina noong naligo ako.

I looked at him and shook my head.

Natawa ako nang kumuha siya ng isang damo at iyon ang pinantali sa buhok ko. It's like an ivy. Ninamnam ko na lang ang magandang tanawin sa harapan habang siya ay abala sa pagtali ng buhok ko.

I closed my right eye to make an optical illusion of reaching the sun with my fingers. The hues and shades of the sky is my new favorite. I love how it changes from light to dark colors.

"Gusto ko kapag tatayo ako ng bahay sa ganito kataas na lugar, iyong mapapansin ko agad ang simula at wakas ng isang araw." I nonchalantly said.

Nang matapos niyang itali ang buhok ko ay inilagay pa niya iyon sa kanang balikat ko.

"You wanna build your house to a place like this?" tanong niya.

"Hmm!"

"Don't you want to live in a city?"

"Ayaw."

"Bakit?"

"Magulo ang siyudad. Ang dami nang tao at estruktura. Bakit ko pa ipagsisiksikan ang bahay at sarili ko roon?" natatawang sabi ko at nilingon siya.

"Kung may choice lang ako ay ayaw ko manirahan sa siyudad kaso wala e. Walang choice. Mahirap lang ako kaya walang pagpipilian. Masuwerte na kung mayroon diyan."

"I don't believe that."

Humakbang siya ng isang beses para mapantayan ako.

"We all have a choice. We just don't acknowledge it. We always refuse what we can get and usually want the thing that is out of our reach."

I chuckled when that hit me. "Parang ako sa'yo." sabi ko at nilingon siya.

He's within my reach. I literally could get a hold of him but why do I feel the other way?

Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"You got me, matagal na." sabi niya at inilahad ang kamay sa akin.

I slapped my hand with his and we laughed before he intertwined our fingers.

"That's more I like it."

Then we heard continuous shutter sounds. Sabay kaming lumingon ni France at halos lahat ng camera ay nakatutok sa amin. Hindi ko napansin na kami na lang pala ang natitira sa area na 'to at nasa likuran na namin silang lahat.

"Nice!" Hope giggled, looking at the viewfinder of her camera.

We took a groufie. Mayroon din na mag-partner, kaming tatlo nila Hope at Taly pero mas marami ang kuha nang sila ng pitong magkakaibigan ang kinukuhaan namin.

"Kapag puro France, Jo at Alric ang makita ko sa mga shot niyo, malilintikan kayo sa'kin." banta sa amin ni Rain.

Kaagad kong inalis ang focus ng camera kay France para makuhaan silang lahat. Si Taly at Hope ay ganoon din yata ang ginawa. We were all guilty. Alam na alam talaga ni Rain ang takbo ng utak namin. Ganoon din siguro siya sa ex niya.

Instead of taking shots, I filmed them. Mas masaya tingnan at pakinggan ang mga tawanan nila. Natagalan kami sa pagkuha ng jump shots. Hindi cooperative si Raven at palaging nahuhuli sa pagtalon si Eve. Si France, ang cute. He is just going with the flow. Hindi killjoy. Himala.

Rain, Step and Eve were laughing out loud and the four guys were smiling while looking at them. That's the best shot I took.

Hindi ko napansin na masyadong matagal ang tingin ko sa larawang kinuha. Their gang... is the best gang I will never had. I could feel the power of their bond. Walang makakapigtas.

I am glad that France has this kind of friends. Unwavering.

Hinintay pa namin na magtakip-silim 'tsaka kami nagpasyang umalis at tumuloy na sa chaolong-an.

"I want ice cream!" Taly shouted. Marami pa sana itong gustong isigaw nang takpan ni Alric ang bunganga niya.

I chuckled.

"Ikaw? Gusto mo nang ice cream?" tanong ni France nang maupo kami sa isang long table.

Ang menu na nasa mesa ay kaagad na kinuha ni Rain at ginamit niyang pamaypay kaya kaagad siyang binatukan ni Harvey.

Hindi ganoon karami ang tao kaya pansin na pansin ng crew ang ingay naming hatid sa tahimik nilang kainan. Si France at Raven ang pumuntang counter para um-order. Kasama sana si Alric kaso ang sama ng tingin ni Taly sa mga babaeng nasa counter.

Mabilis lang na-process iyong order namin dahil kaunti rin lang naman ang customer. Actually, puwede na namin 'tong dinner dahil um-order na rin sila ng kanin at ulam. Binigay sa'kin ni France iyong tapa na may kanin dahil alam niyang mas prefer ko ang beef kaysa sa pork.

I was drinking my water when Rain choked. Mabilis na tumayo ang apat para daluhan siya.

Tumawa si Rain. "Hahaha." she laughed and made a peace sign. I shook my head with her prank She really got her boy friends in her hand.

We ordered ice cream for dessert like what Taly wanted. Kumakain ako ng vanilla flavored ice cream nang lumapit ang katabi kong si Step sa'kin para bumulong.

"Halikan mo si France."

"Huh?" gulantang ko siyang tiningnan.

"Ano'ng reaksyon 'yan? Hindi mo pa nahahalikan?" she asked me laughing.

Tiningnan ko si France na nakangiti habang nakikinig kay Harvey. Ang mga mata ay nagtagal sa kanyang labi. Lumunok ako at tiningnan ang kanyang kaibigan.

Minsan ay naintindihan ko sila pero mas marami ang pagkakataon na hindi ko maintindihan ang trip nila.

"Ikaw rin makikinabang dito." she whispered and laughed like a demon. Bago ko pa siya mapigilan ay tinawag na niya si France.

"Subuan mo raw si Lav ng ice cream." walang sere-seremonya niyang sabi.

Damn it.

Napaubo si Alric sa narinig. Nang makabawi ay tumawa ng malakas.

"Ano? Paralisado ka na ngayon Lav?" pang-aasar niya.

Hindi ko pinansin ang kababata at tiningnan si France na ngayon ay nakakunot na ang noo.

Hindi sa gusto ko ang gustong mangyari ni Step. Natatakot lang talaga ako sa kanya kapag sinuway ko siya.

Talaga ba, Lav?

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon