Chapter 9

3.4K 135 11
                                    

Alric is my friend but I didn't know he has this circle of friends. He is friend of Harvey, then there's France.

I understood with Harvey. Naiintindihan ko ng lubos kung bakit magkaibigan sila ni Alric. Halos magkasing ugali lang sila pero si France...

I looked at him. He was busy taking care of Aesthrielle. He knows what to do. It seems like he's used to this kind of circumstance. Parang hindi na ito ang unang pagkakataon na nag-alaga siya ng batang kinukumbulsyon.

Ilang minuto na ang nakalipas nang dumating siya ay nawala na ang panginginig ni Aesthrielle. Her temperature dropped down but we could not care less.

Madaya ang ganyang lagnat. Sa ilalim kung sumipa. Mabilis bumaba ang temperatura pero mabilis din umakyat. Hindi dapat puwedeng pabayaan.

Nawala ang tingin ko kay France nang sikuin ako ni Alric.

"Kumain ka na?" he asked. He was holding his plate while eating bare hand.

"Hindi pa."

He tilted his head signaling me to go to their kitchen.

"May tinolang isda roon. Gusto mo?"

Sumunod ako sa kanya. Halos lahat sila ay nakapalibot kay France at Aesthrielle, alalang-alala. Si Raven at Eve ay kumuha ng doctor dahil ayaw ni Rain dalhin sa hospital ang anak. Alam niyang iko-confine si Aesthrielle at lalagyan ng dextrose kapag dinala sa hospital. Hindi niya raw kaya makitang tinuturukan ng sinulid ang anak.

That woman is a weakhearted one.

Marami akong gustong itanong dahil naguguluhan ako pero sinubukan kong sarilinin na lamang iyon. Obviously, I'm a perfect stranger to them. Ang sama naman ng dating ko kung makikiusyoso ako.

Kumuha ako ng pinggan at kumuha na ng kanin at sabaw. Umupo ako sa tapat ni Alric. I folded my leg over the wooden chair and rested my elbow on my knee.

I started eating using my left hand. I am both left and right handed when eating. Hindi ko alam kung pa'no nangyari. Basta ang alam ko noong bata pa ako, right handed lang talaga ako. Pero ngayon na nagkakamay ako ay kaliwiti na ako at kapag may kubyertos ay kanang kamay ang ipinanghahawak ko sa kutsara. Ah ewan. Ang gulo talaga ng buhay ko.

Tiningnan ko si Alric na sarap-sarap kumain. Kung sabagay brunch na rin ito kaya gutom na gutom.

"Sa'n si Alaine at si Auntie?" tukoy ko sa kanyang kapatid at sa Mama niya.

Dalawa lang silang magkapatid. Tatlo lang silang nandito sa bahay. His father was nowhere to be found. Seaman e. Seamanloloko.

"Sa mall?" unsurely he answered.

I shrugged and about to put a mouthful of rice in my mouth when I saw Raven walking towards the kitchen. Parang humangin bigla at nahulog ang mga kanin sa kamay ko.

Nakabalik na siya. Kaya siguro umingay kanina. Marahil ay nandiyan na ang doctor at sinusuri si Aesthrielle.

Kung hindi lang ako winisikan ng tubig ni Alric ay hindi ko maiaalis ang tingin kay Raven. I flinched at what he did. Parang sabaw ang winisik niya sa'kin.

Napakabalahura talaga ng lalaking 'to.

"Alam ko ang mga titig na ganyan." he smirked and pointed me. He has this accusing look.

"Ry!"

Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Alric pero ang loko, imbes na manahimik ay mas ginanahan pa nang mapansin na pinandidilatan ko siya ng mata.

I concentrated on my food but I couldn't just ignore Raven's presence! His presence is intimidating alright. 'Tsaka ganito pa naman ang mga tipo ko. Mga suplado.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now