Chapter 2

4.6K 169 16
                                    

Bagsak akong napaupo sa bench at tiningnan ang binti. I sighed and patted my shoulder, consoling myself.

"Okay lang 'yan Lav. Bili ka na lang ng bago." alo ko sa sarili.

Pagkatapos nang nangyaring habulan sa abandonadong gusali ay binalikan ko kinaumagahan ang lugar para hanapin ang anklet ko kaso wala. Hindi ko na mahanap.

Baka nalinis na ng utility? Puntahan ko kaya sa Lost and Found? Pero paano kung SC ang nakapulot no'n? Edi kung hahanapin ko pa ay mahuhuli ako.

Ah, bahala na.

Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang eighteenth birthday ko. Doon ko nalaman na may pumoporma sa kanya.

Ngumisi ako nang maalala ang trip ng lalaking 'yon. He regularly sends sticker to her. Naalala ko bigla si Alric sa kanya. Masyadong rare ang mga trip sa buhay.

Sa grupo namin, si Hope ang matuturing kong baby kaya big deal sa grupo na may lovelife na siya. Hindi naman siya kagaya ko na marami nang naging boyfriend kaya.

Umarko ang kilay ko nang makita siyang naglabas ng compact powder at liptint. Hindi ko mapigilang tuksuhin ulit siya. Ang lakas din kasing asarin ng isang 'to.

"Ay, pauwi na tayo, nagpapaganda pa rin?"

"I always do this, Lav." rason niya na hindi ko tinanggap.

"Ay, Miko ang bunso natin nagdadalaga na!" sigaw ko kay Miko nang mahagip siya ng mga mata ko.

Malawak ang ngiti ko. Kaagad ding naglaho nang mapansin ang pagkatigil ng buong block. Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi.

Was that sound so bad?

"Ayieeeee!" pang-aasar ng buong block sa amin ni Miko. Ang inaasar kong si Hope kanina ay nakisama na rin sa pang-aasar sa'kin. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis babalik ang pang-aasar ko sa kanya.

"Ay tang ina niyo!" hindi ko mapigilang murahin silang lahat dahil sa pressure na nararamdaman at si Miko na walang ginawa kung hindi balewalain ito.

Tumawa sila pero kaagad ding namatay nang may nakita sa labas. Lumingon ako sa tinitingnan nila at nakita ang grupo ng SC. Hindi ko sila kilala pero halata naman sa aura na officers sila. Mga pabida eh. Akala mo ay pag-aari ang eskuwelahan kung makaasta.

Una kong napansin ang aroganteng lalaki sa harap. What I noticed first was his light complexion and his black as night hair was in pushback. He looks tidy and clean. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng itim niyang slacks ang mga kamay. His uniform was free from wrinkles as well. Pumasok siya sa loob na animo'y propesor ang katayuan.

Sino ba 'to?

"What's with the commotion?" tanong niya pero walang sumagot ni isa sa mga blockmate ko. Subukan lang nilang ilaglag ako, hindi na sila sisikatan ng araw.

"Who did the cursing?" ulit nito nang wala sumagot sa kanya sa unang tanong. Ngayon ay halos lahat sila ay nakatingin sa'kin.

From there, our eyes met. His stares pierced into mine. He has this bored and tired eyes. Parang isang pitik na lang sa kanya ay matutulog na siya.

He looked at one of his associates and says, "Escort her to the Office of the Disicplinarian." utos niya at pagkatapos ay tinalikuran ako.

I scoffed while looking at his retreating back, bewildered.

"Sino 'yon?" hindi ko mapigilang maitanong sa mga kaibigan ko.

"That's France Evander Cortes, si Vice, soon to be Pres." si Devi ang sumagot.

"Chem Eng, Third Year. 'Di mo kilala?" si Peachy.

Engineering? Ngumisi ako sa nalaman. I have a fetish for engineering. Humanda sa'kin ang isang 'yan.

Love of France (Friend Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang