Chapter 18

3.1K 110 2
                                    

"Talaga?"

There was a hint of hope in my voice. France noticed it. He hugged me tight and rested his chin over my head.

"Yes, and I think this dress," he pointed at the model in the magazine who's wearing a sparkly dress.

"Will flame even more if you're the one wearing it."

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malalim na singhap at nasundan kaagad ng tawa sa sinabi niya. I loosened his arms around my waist so I could turn and face him.

I lightly slapped his cheek repeatedly.

"Bolero." I snickered and he just slowly ran his fingers on my back while looking at me intently. I gulped when his stares and touch were burning me.

Mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya. It wasn't that long because he quickly ended it.

"Hindi ako nagbibiro Love." marahan niyang sabi at hinuli ang dalawang kamay ko.

"I can see the desire and determination in your eyes when you're helping Yuna. Gusto mo rin, Love. Alam ko 'yon. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang pumipigil sa'yo." sabi nito sa banayad na boses.

Ano ang pumipigil sa'kin?

Marami. First is that, I don't have the means. Hindi ako kagaya ni Yuna na maraming resources. She's rich and has connections. Samantalang ako ay wala. Wala ako no'n kaya ano pa ang magagawa ko kung hindi ang tumingin sa iba na unti-unting natutupad ang mga pangarap nila.

Naniniwala ako na may mga pangarap na hanggang pangarap na lang. At ang pangarap kong maging isang modelo ay mananatiling pangarap lang. Ambisyosa akong tao pero hindi naman ako ilusyunada.

After months of practice, the big day of Yuna finally came. We were expecting that it would be her big break kaya kailangan ay walang magkamali at pumalpak sa amin. Ang dalawa kong kamay ay punong-puno ng mga bagahe ng pinsan habang sinusundan siya na mabilis ang lakad.

She was wearing a red bodycon dress and stilettos. Ang tanging hawak niya ay ang YSL purse. I was only wearing a high waisted ripped jeans, comfy tee and a pair of white sneakers. Wala na akong panahon para mag-ayos. Ang buong oras ko ay inilaan ko sa pag-aayos ng mga kakailanganin ni Yuna para sa debut niya ngayon.

Nang makapasok kami sa silid na puno ng modelo ay hindi ko mapigilan ang mapanganga. I am actually seeing it now. The backstage of runway. The actual scene behind the successful fashion show.

I was about to space out when Yuna snapped her fingers in front of me. That's when reality hit me.

Oh damn right! Wala munang distraction Lav. Mabilis kaming pumunta sa puwesto niya. Habang inaayusan siya ng glam team ay inihanda ko ang susuutin niyang damit.

Matapos siyang ayusan ay tinulungan ko siya sa pagbihis ng damit na gawa ng isang sikat na Filipino designer, si Russel Garcia.

Habang inaayos ko ang zipper ng damit niya ay may lumapit na mga modelo sa kanya na mukhang handang-handa na.

"Yuna! You look stunning."

"It's your first time. You must be nervous."

"She must be. When I debuted two years ago, I feel like I'm going to vomit in my dressing room. My heart won't just stop from beating crazily."

"Well I was at the verge of crying because my knees kept on shaking while waiting for my turn to walk! My debut was unforgettable."

"But after all the struggles, we still made it. We were more than sure you can do it too, Yuna."

Ngumiti ako habang pinapakinggan ang mga karanasan nila. Mabuti at mababait ang mga kasama rito ni Yuna. Sa pagsama ko kanya sa rehearsals niya ay napatunayan ko iyon. They're comfortable to be with and they're approachable. Maganda iyon kay Yuna para mabilis siyang makakapag-adjust.

Yuna laughed.

"Well it's strange cuz I don't feel nervous at all." Yuna replied. Hindi nakatakas sa'kin ang yabang sa boses niya. Napansin ko rin ang pagkunot noo ng tatlong modelong kausap. Mukhang hindi lang ako ang nakapansin sa pagiging mayabang ng pinsan.

Perhaps Yuna got the confidence because she's the new favorite of the agency. Sa kanya ibinigay ang isa sa mga damit na siyang highlight sa fashion show na ito to cast a strong light on her because it was her first appearance on the runway.

She received lots of praises and good feedbacks when she auditioned. Hindi lihim sa kanya na maaaring maging supermodel siya. Photographers always telling her that she had the potential to be an international model.

Even I, I personally saw how she improved a lot the past months we'd been together. I was always there, reminding her not to give up, driving and pushing her harder to practice. Dahil kung ako ang nasa posisyon niya ay baka hindi ako magpahinga sa kakaensayo. Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin.

I saw how she worked her ass off to be better and she deserved what she's getting now. Pero hindi pa rin iyon sapat para magmayabang. Hindi pa rin ibig sabihin no'n na mataas na siya. These models are still her seniors.

I caught Yuna rolled her eyes when the three started to walk away from her.

"Losers." she whispered and started to tell me that if she had her debut two years ago, she would have been a supermodel now and not just some random and unknown models like those models who approached her.

Hindi na lang ako nagkomento pa dahil ayaw kong mas makadagdag pa sa init ng ulo niya. Yuna has a short-temper. Talking against her would just trigger her to explode.

Pagkatapos ng debut ni Yuna ay naging usap-usapan siya sa fashion industry. She caught the eyes of some top fashion models like Tory Malavega. She welcomed and praised Yuna on her tweet at simula noon ay marami na ang naging kuryuso sa kanya.

Hindi ko siya matutulungan at masasamahan lagi lalo pa't abala rin ako sa eskuwela kaya tuwing weekend o 'di kaya ay vacant ko lang siya nasasamahan.

"Sa tingin ko ay kailangan mo nang maghanap ng manager, Yuna." I told her one day when I was busy arranging her schedule for the whole week. Wala ako palagi sa tabi niya kaya sa tingin ko ay kailangan niya na talaga ng manager at assistant na sasama at tutulong sa kanya. Lalo pa't parami na nang parami ang gigs niya.

"Tory suggested some. Titingnan ko."

Tumango ako sa sinabi niya. Nasa loob kami ng kotse niya at parehong nasa backseat. Papunta kami ngayon sa Lustrous Tower dahil mayroon siyang photoshoot para sa isang brand.

"E 'yong PA mo?" tanong ko, abala pa rin sa pagtipa sa iPad niya.

"I think I don't need one. You're here so..."

Umangat ang tingin ko at kunot-noo siyang tiningnan. Yes, people might misunderstand that I am her personal assistant and I am fine with that. Walang kaso iyon sa'kin pero hindi niya ako PA. Hindi 24/7 ay masasamahan ko siya kaya kailangan niyang maghanap nang totoong PA.

Napansin nito ang pananahimik ko kaya umangat ito ng tingin mula sa cellphone.

"Look Lav, you can stop schooling and be my full-time PA." she shrugged as if she's not suggesting a big deal.

"Gusto mong huminto ako ng pag-aaral para maging PA mo?" ulit ko sa sinabi niya.

If she could give up her studies for modeling, I would never give up my studies just to be her PA. Hinding-hindi papayag ang mga magulang ko at si France. They valued education a lot. That's why I began to value it as well.

"Uh-huh. Ayaw ko nang may ibang tao na mangingialam sa personal kong gamit."

"Pero doon magsisimula ang lahat. Makakasanayan mo rin na may ibang taong tutulong sa'yo at kalaunan ay magiging komportable ka rin sa kanya. Hindi na siya magiging iba sa'yo."

"What? Kailangan ko pang mag-adjust para sa taong hindi ko naman kilala? What if she's not trustworthy? What if magnanakaw pala? What if isa sa mga haters ko at lasunin ako?" sabi niya habang natatawa.

She's overreacting. Maging siya ay natatawa sa pinagsasabi niya. Madali lang naman ang makahanap ng maayos na PA kung gugustuhin niya. There are lots of agencies who provide tried-and-true personal assistant na pasok sa qualifications niya. Ayaw niya lang talaga.

"Lav, I'll make sure na kung ano ang kikitain mo kapag magtrabaho ka na kung graduate ka ay ganoon din kapag maging PA kita." she assured me.

Of course, she could. Maaari niyang doblehin at triplehin pa ang suweldong makukuha ko kapag nagtrabaho na ako sa isang kumpanya pero hindi niya maibibigay ang diploma ko kapag iwan ko ang pag-aaral para maging PA niya.

Sa buong biyahe namin patungong Lustrous ay iyon ang iniisip ko. Pinanganak akong mahirap pero hindi ko naman maatim na maging PA lang buong buhay ko. Wala ring kasiguraduhan kung hanggang kailan ang pagiging modelo niya. I deserved more than that. Kahit diploma na lang. I mean, diploma. Hindi diploma lang.

It's not my first time to be in Lustrous Tower pero hindi ko pa rin mapigilan ang mamangha sa bawat dinadaanan namin. Sa araw-araw kong pabalik-balik dito noong Christmas break upang samahan ang pinsan ay tila hindi pa rin ako nagsasawa.

I took a deep breath when I lifted her duffel bag and pulled her suitcase when the lift opened. Pilit kong sinasabayan ang mabilis na lakad ng pinsan. She's wearing a white plunging top and shorts while I was with my usual outfit. A high waisted ripped jeans, a comfy tee and sneakers.

Hindi mapigilan ng mga mata kong siyasatin ng maiigi ang lahat ng nadadaanan ng mga mata ko. Flashes of cameras and fancy models. Makeups and perfumes. Fittings. Busy people.

Pagkarating namin sa room ni Yuna ay kaagad siyang pinalibutan ng glam team niya. Ako naman ay sa mga damit na susuutin niya ang inasikaso. I smiled when I looked at the dresses she would wear later.

Minsan ay pasimple ko iyong itinatapat sa katawan kapag walang tumitingin. Lahat naman ng tao rito sa loob ay na kay Yuna ang mga mata kaya imposible rin na mapansin nila ang ginagawa ko. Mabilis kong ibinalik sa hanger ang damit na isinasayaw-sayaw nang biglang bumukas ang room niya at sumungaw roon si Tory Malavega kasama ang kanyang PA.

Katulad ng reaksyon ko noong una ko siyang makita ay ganoon pa rin ang reaksyon ko ngayon. Pero kaagad din akong nakabawi at mabilis na pinulot ang damit ni Yuna na naihulog ko.

Mabilis na tumayo si Yuna para batiin ang mga bisita. I was taken aback when Tory darted her eyes at me.

"Lavienna." malambing niyang sabi sa pangalan ko. Ngumiti akong pilit sa kanya.

"You know her?" gulat na tanong ng pinsan ko. Nalipat ang tingin niya sa'kin na manghang-mangha at kilala ako ng isang supermodel.

"Yes. France introduced her to me."

"Oh! So you know France?"

The two talked about France. Gusto ko pa sanang marinig ang usapan nila tungkol kay France nang bigla akong utusan ng isa sa mga staff na bilhan sila ng kape.

May kalayuan ang coffee shop na gusto nilang pagbilhan ko ng kape nila kaya halos tatlumpung minuto ang iginugol ko para roon. Nang bumalik ako sa dressing room ni Yuna ay wala nang tao roon maliban sa isang utility.

"Ate." I called her attention. Tumigil siya pagwawalis upang lingunin ako.

"Kayo 'yong PA ni Miss Yuna?" she asked. I wanted to correct her but then I realized, what's the point of correcting her? Hindi naman iyon big deal kaya tumango na lamang ako sa tanong ng utility.

"Nasa Studio Three sila kasama ang team niya. Ang sabi ay roon mo na lang ihatid ang pinapabili nila."

I nodded my head and thanked her. Nasa ibang palapag pa ang Studio Three kaya kailangan ko pang sumakay ng elevator. Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang tatlong senior ni Yuna na bumati sa kanya noong debut niya.

I smiled at them. Olivia whispered something to the two and they all laughed while looking at me. Tumigil ako sa paglalakad nang naglakad sila patungo sa direksyon ko.

Babatiin ko na sana sila nang tuloy-tuloy lang ang lakad nila na parang hindi nila ako nakita. The two bumped my sides. Naging sanhi iyon nang bahagyang pagkatapon ng mga kapeng dala-dala ko.

Oh shit. Mabilis kong inilayo ang damit sa katawan dahil nabasa iyon ng mainit na kape. Nilingon ko sila na tuloy-tuloy lang sa paglalakad at nagtatawanan na parang hindi ako binangga.

Damn! Mabilis akong tumungo patungong elevator para makapunta na sa Studio Three. Wala akong extra na damit. Hindi rin ako puwedeng manghiram kay Yuna dahil ayaw niya nang may humihiram ng damit niya. Maliban na lang kung ibibigay niya iyon. Pero halos lahat ng dala niyang damit ay mga bago at mamahalin. Imposibleng ibibigay niya 'yon sa'kin.

Habang nasa loob ng elevator ay itinabi ko na muna sa sahig ang mga kape para hubarin ang damit. I was only wearing my black bralette on top and I guess it was just fine. Normal na rin dito sa tower ang makakita nang mga babaeng naka two-piece kaya ayos lang siguro ito.

I started fluttering my shirt to let the air dry it quickly. I was doing that when the elevator door opened. Mabilis akong tumigil sa ginagawa at tumabi upang makapasok ang mga sasakay.

I raised my head when no one entered the elevator after seconds that it opened. One side of my lip curled up a bit when I cast a glance at the person standing ahead of me.

He was busy with his phone that he didn't notice that the lift was already opened for him. Umarko ang kilay ko nang magkaroon ako ng pagkakataon na siyasatin itong mabuti.

This guy was pretty ripped and rough. His white tee almost hugged his torso that I could already see what's inside his shirt. Bulging muscles and tattoos.

What attracted me was his tattoos all over his arms and neck. Damn. I wanted to scrutinize his tattoo one by one but that would be weird. I just couldn't stop fascinating his inks.

Tumigil ako sa ginagawa nang gumalaw ang braso niya para ibaba ang cellphone. Tanda na tapos na siya sa ginagawa sa kanyang cellphone.

His lips rose when our eyes locked. He must have noticed my scrutiny of his tats. Pumasok siya sa loob ng lift at ramdam ko ang paninitig niya sa'kin.

I coughed and crossed my arms when his eyes rested on my chest for almost three seconds. I rolled my eyes and looked at the number escalating.

Nakarating ako sa Studio na abala ang lahat para sa screening. A panel of judges were seated on a long table in front of the platform kung saan rarampa ang mga kandidata. Kaagad kong nakita na isa sa mga judge si Tory.

"Lavienna!" ang baklang staff na nag-utos sa'kin na bumili ng kape.

"Uh, sorry natagalan." I apologized and handed him the case of coffee. Kinuha naman niya ito sa'kin habang tinitingnan ang katawan ko.

"Nasaan ang damit mo?"

I forced a smile and showed him my shirt on my right hand. He only nodded when he saw the stained on my shirt.

"Nagji-gym ka pala." he stated. I was about to deny when another staff called him.

"Ang daming trabaho sa likod, bakla. We need manpower." sabi niya nang makalapit sa'min 'tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Lumunok ako, kinabahan sa paninitig ng dalawa sa harapan ko. Kung hindi lang sila mga bakla ay iisipin kung may pagnanasa sila sa katawan ko.

"Ang ganda pala ng katawan mo. Hindi halata dahil sa mga sinusuot mong loose shirt." he commented.

Seriously, they're giving me discomfort. Mabuti na lang at tinawag sila ng isa sa mga kasama nila kaya nawala sa akin ang atensyon.

"Tumulong ka muna Lav sa likod. Ako na ang bahalang magsabi kay Yuna. Kasama naman niya si Bri ngayon."

Hindi na 'ko nakapagsalita pa dahil hinila na nila ako patungong backstage. Katulad ng mga normal kong nakikitang scene sa backstage ay abala ang lahat.

Siksikan at gitgitan. Kaagad akong tumulong sa pagsusuot ng mga damit at aksesorya ng kandidata, pagkuha at pag-abot sa kanila ng mga kailangan nila.

"Lav, paabot ng mini fan!"

Mabilis akong kumuha ng mini fan at iniabot iyon sa kandidata na naiinitan.

"Ano'ng gagawin ko diyan? Hawakan mo!"

"Oh!" gulat kong sabi at mabilis na in-on iyon at itinapat sa kanya. Pagkatapos noon ay lumipat na ako sa isang kandidata na nahihirapan sa pagsuot ng damit niya. Kahit hindi kasya sa kanya ay pinipilit pa rin niyang isuot.

"Damn. Be careful. You might ruin my dress!" singhal niya sa'kin nang sinubukan kong iangat ang damit niya. Humingi ako ng paumanhin 'tsaka ipinagpatuloy ang pagsuot ng damit sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya matagumpay na naisuot ang damit.

I exhaled deeply when we're almost done here. Candidates are already lining up. Magsisimula na. Mabuti naman.

Kahit may air-con ay mainit pa rin ang buong silid dahil sa dami ng tao. Mabilis kong kinuha ang isang retaso ng tela na napulot ko sa sahig at iyon ang ginamit kong pantali sa blonde kong buhok upang maibsan ang init na nararamdaman.

"Lav, 'palinis ng kalat!"

"Okay!" I said and quickly get the trash can. Abala ako sa pagpulot ng mga kalat nang dumating ang Head ng Lustrous.

Halos lahat ay tumigil sa kanya-kanyang ginagawa at pag-uusap kaya tumigil na rin ako sa paglinis. He's with his entourage.

"On standby na po ang mga candidate Mr. Garcia." the organizer said.

Tumigil ito sa paglalakad sa aking harapan kaya umatras ako ng bahagya. He then turned his head to me. He looked at me from head to toe, then from toe to head. Hindi nakatakas sa'kin ang pamamalagi ng mga nata niya sa mahaba kong binti, manipis kong tiyan at dibdib.

Lumunok ako. Seriously, I was starting to find gays more intimidating than men. Kung pupuwede ko lang paliitin ang sarili ay ginawa ko na kanina pa.

"Bakit hindi pa 'to nakapagbihis?" he shouted using his pitch voice while pointing at me.

Mabilis na nagsilapitan ang stylists sa amin. May kumuha sa'kin na dalawang staff na mukhang hindi yata ako kilala bilang PA ni Yuna. Hinihila na nila ako papunta sa kung saan man.

"Nasa'n damit mo?"

"Uh-"

"Maghubad ka na."

"Hindi-"

"Bakit hindi ka pa nagbihis hija?"

Teka! Sandali. Nasaan na 'yong team ni Yuna? Sinisimulan na nilang hanapin iyong damit ko na wala naman dahil hindi ako kasali. Mayroon na ring umaayos ng buhok at mukha ko.

"Hindi po-"

"What's happening here?"

Si Yuna! Mabilis akong lumingon sa kung saan siya. Kasama na niya ang team niya.

"Teka, ano'ng ginagawa niyo sa PA ni Miss Yuna?"

I looked at them, relieved that they're all here.

"PA? Hindi ba 'to kasali sa screening?"

"Hindi, gaga!"

"Akala ko kasali. Even Mr. Garcia noticed him."

Ang mga may hawak sa'kin ay tiningnan ako, nagtatanong kung totoo ba iyon.

"Hindi ka kasali?" tanong pa ng isa, mukhang naninigurado.

I nodded. Mabilis din naman nila akong binitawan at umatras. Maging silang lahat ay pinasadahan na rin ang buong katawan ko. Kung ganito rin lang naman ang mangyayari, sana ay hindi na lang ako naghubad ng damit.

I sighed. I feel naked with their stares. Even the candidates don't get the attention I have right now when in fact they're wearing lingeries, nightwear and two-piece. Mas revealing ang mga suot nila kaysa sa'kin na jeans at bralette lang.

I looked at my cousin who's now staring at my damn chest. I hugged my torso to stop them from scrutinizing my body.

I was so exposed.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now