Chapter 39

4.4K 135 5
                                    

Sumisilip sa bintana ang mga babaeng kaibigan niya habang pumaparada siya ng sasakyan sa garahe. Samantalang ako ay nakaupo lamang sa pang-isahang sofa, pilit winawaksi ang kabang namamahay sa loob at ang panginginig sa labas.

Maya-maya pa ay nagsiayusan sila ng tayo at kanya-kanyang layo sa isa't isa nang pumitik ang doorknob. Pinagpawisan ako ng malamig nang marinig ang pag-tapak ng sapatos niya sa sahig.

I shouldn't be this nervous. Heck. It's not even our first encounter. Pero 'yong tahip ng dibdib ko ay katulad pa rin noong unang beses kong marinig ang boses niya pagkalipas ng ilang taon.

"Par." rinig kong bati ni Step sa kanya. Nakatayo sila sa harapan ko kaya natatabunan nila ako. Sa halip na si France ang makita ko, ang magagandang likod nila ang nasisilayan ko.

"Where are your families?" his voice engulfed the whole living room.

"Umuwi na, ang tagal mo eh. Sinagad mo talaga hanggang alas dose."

"Bakit nandito pa kayo?"

His rude question made me chuckle. Kaya sabay-sabay na bumaling silang lahat sa'kin. I sat properly like a teacher caught me cheating.

"Palibhasa, nandito na ang maybahay kaya pinapaalis na kami." Rain hissed.

"We're going then." paalam ni Eve, natatawa na.

Sabay-sabay silang gumilid kaya nakita ko si France na kanina pa sumisilip sa'kin. Ang mga mata'y nagtataka kung bakit ako nandito sa bahay niya at komportableng nakaupo sa kanyang sofa.

"You're here." he mumbled. Hindi ko iyon rinig pero iyon ang basa ko sa buka ng bibig niya.

Tumayo ako at pinagmamasdan siya. Kaagad kong naalala ang mga nangyari kanina nang makita ang kabuuan niya. White button-down shirt, black slacks and an oxford shoes. He still looked fresh from the shower after a long and tiring day. His drowsy eyes did tell me that but it turned into rousing when he saw me.

"Iniwan mo 'ko."

I didn't mean to sound grumping but it did sound like that. Hindi naman ako galit o nagtatampo sa kanya. Parang nalipasan na 'ko ng panahon para maramdaman ko ang mga 'yon. Higit sa lahat ay wala na rin akong panahon para aliwin pa ang galit.

He walked towards me and immediately pulled me into his chest.

"Sorry. It was an emergency. I already got a ticket back to France. Umuwi lang ako para kumuha ng mga gamit."

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya upang tingnan siya.

"Iiwan mo ulit ako?"

Now, I meant to sound grumpy.

"Huh?" ang mga kamay niya ay nasa magkabilang siko ko, ingat na ingat ang hawak sa'kin na parang babasaging gamit.

"Babalik kang France, sabi mo." I said and made an eye-roll.

He licked his upper lip and bit his lower lip, stopping himself to say something. Kaya mas lalo lamang akong na-intriga. Pabitin din nito e.

"What?" I snickered and he shook his head, amused with my grumpiness. I leered and he just pulled me again into his chest, chuckling.

"I'll make a refund." sabi niya, ang mga kamay ay abala sa pag-ipit ng ilang hibla ng buhok ko sa kanyang mga daliri. I miss that.

"Dapat lang. Sinundan na nga kita rito tapos babalik ka pa roon."

"Hindi na." he said in defeat.

Muli akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at mas binigyang atensyon ang loob ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang mga mata sa akin.

Nang nasa hagdan na ako at handa nang umakyat ay nilingon ko siya. Sa isang segundong pag-sulyap ko sa kanya ay nakuha na niya ang gusto kong mangyari. Lumapit siya sa'kin at sabay kaming umakyat sa ikalawang palapag.

"Where's your room?" unang tanong ko nang makarating kami sa taas.

He looked at me. His gaze was accusing.

"Why?" I tried to sound normal even though I already knew what he meant by that gaze.

Wala siyang sinabi at basta na lang akong nilagpasan at lumapit sa isang pintuan. Una akong pumasok sa loob habang siya ay nakasunod lamang.

"Ang sabi nila ay bahay natin 'to." sabi ko at nilingon siya. Ngumisi ako nang marinig ko ang buntong-hininga niya.

"You like it?" he asked instead.

"Oo." I grinned and turned to him. "Pero mas gusto ko 'yong may-ari." sabi ko at humalakhak nang makita ang gulat niyang ekspresyon.

"You talk like Rain to her husband." sabi nito at lumapit sa'kin.

He hugged me behind. I immediately hold his hands to tighten his wrap on me. We both sighed in contentment as we stared at the scenic view in front of us.

Habang tinitingnan ko ang tanawin sa labas ay parang dinadala ako sa memorya kasama siya. Ang unang bakasyon na hinding-hindi ko makakalimutan.

Vast of heaven and dotted stars. Beneath of it are the vast of ocean and sailing ships. A tranquil scene and just like a magic, the tranquility I am seeing in front of us sent peace within me.

Isinandal ko ang katawan sa kanya habang marahan kaming gumagalaw na animo'y may musikang tumutugtog na kailangan naming sabayan. Gayong ang marahang pag-hinga at pag-tapak ng mga paa namin sa sahig ang tanging umiingay sa hating-gabi.

Bumaba ang tingin ko sa mga braso naming magkahugpong. The long sleeves of his shirt were folded up to his elbow. I could see inks on his veiny forearm.

Pinagmamasdan ko ang mga iyon, sinusubukang intindihin ang mga nakaguhit pero wala akong maintindihan.

"Bakit ka nagpa-tattoo?" tanong ko at iniangat ang isa niyang braso para mas pagmasdan ang mga naka-guhit.

"My friends," he trailed off.

Tumango ako. Sa isang salita pa lang na 'yon ay parang nakuha ko na ang lahat.

"I had had these tattoos," tukoy niya sa tattoo sa kanyang braso at leeg. "whenever I was drunk. They're taking advantage of my condition and that's it. Pagkagising ko ay may tattoo na 'ko at tuwing nalalasing ako ay nadadagdagan at nang nadadagdagan." sumbong niya.

"Bakit ka naglalasing?" I asked the obvious thing in this world. But I want to hear it from him.

"Tss. You know why." he said in a dismissing tone. Mukhang ayaw niyang pag-usapan kaya mas nagustuhan kong pag-usapan pa.

"Pa'no ko malalaman? Wala ako sa tabi mo ng mga panahon na 'yon." sabi ko at sinilip siya. His intense gaze bore into mine.

"It's because I miss you. Satisfied?" sarkastiko niyang sabi, ang isang kilay ay nakaangat.

Inipit ko ang bibig at ibinalik ang tingin sa harap.

Very satisfied, Doc.

"You really like inflating your ego." sabi niya na ikinatawa ko at ikinailing. Hindi na lang ako kumontra sa kanyang sinabi dahil totoo naman.

"So, ibig sabihin ay walang meaning ang mga 'to?" tanong ko at itinuro ang mga tattoo niya.

"Ask them."

Ang sungit.

"But I saw inks on your torso. Meaningless din ba ang mga 'yon?" tanong ko at humarap sa kanya.

"No."

"Ano'ng ibig sabihin ng mga 'yon? Can I see them?" I excitedly asked. Ang mga kamay ay nasa butones na ng kanyang damit.

"You already saw it yesterday." sabi niya na binalewala ko. Nahagilap lang ng mata ko kagabi pero hindi ko pinagkainteresang intindihin ang mga nakaguhit sa katawan niya. Paano ko mabibigyan ng pansin kagabi kung iba ang pinagkakaabalahan namin 'di ba?

"You're so," hindi na niya naituloy ang sasabihin nang sundan ng kamay ko ang marka na nasa dibdib niya.

"Love." I slowly read the word written on his chest in a very complicated calligraphy.

"Ako ba 'yan?" I asked and looked at him.

Umiwas siya ng tingin at sa halip na sagutin ako ay hinila niya ang damit at binalik sa pagkaka-butones. Hindi kaagad ako naka-angal dahil namamangha pa rin ako sa mga nakikita kong pagbabago sa kanya.

Pumasok siya sa bathroom kaya sinundan ko siya. Sumandal ako sa door frame habang siya ay nagtatanggal ng relos.

"I was trying so hard to not have a tattoo on my body because you hate it tapos ikaw naman..." I trailed off when he unbuckled his belt.

Napalunok ako at umangat ang tingin sa kanya. He raised a brow and a grin crooked on his lips. Kaagad niya akong tinulak palayo sa pintuan at sinara ito.

What the hell?

"The feeling is mutual, Love. I was trying so hard to have tattoos on my skin and studs on my ear because you love it." ganti niya pero ang atensyon ko ay wala roon. Gulat pa rin ako sa kanyang ginawa.

"Did you just shut the door right on my face?" I unbelievably asked.

"You're clearly asking for sex." sabi niya mula sa loob ng bathroom. Kahit hindi ko siya kita ngayon ay alam ko ang baluktot niyang ngisi. Samantalang ako ay nakanganga dahil sa kanyang sinabi.

"Ang kapal mo." I uttered and crossed my arms.

"Ano naman kung ganoon nga?"

Humalakhak siya sa mabilis kong pag-amin.

"Sleep. It's already late. We won't be able to sleep if we'll do that at this hour." banayad niyang sabi na mas ikinalaglag ng panga ko.

What the fuck?

"I love you." pahabol niya kasabay nang pag-agos ng tubig mula sa shower. I rolled my eyes and went to his bed then.

The endless ring of the doorbell woke me up. Kinusot ko ang mga mata at tiningnan ang digital clock na nasa side table.

5:20 am.

Ilang oras pa lang ang tulog ko. I groaned and removed France's arms and legs around me. Hindi pa man ako natatapos sa pag-alis ng isa braso niyang nakapilipit sa'kin ay ibinalik din niya ang isa at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin.

"France." I whispered and he only groaned.

"May tao." sabi ko, pilit na kumakawala sa kanya. Hindi dahil sa gusto kong kumawala sa kanya. Iyon ay para mas lalo pa niyang higpitan ang pagkakakulong ko sa kanya.

"Let them." bulong nito, ang mga mata ay nakapikit pa rin.

"Baka importante."

"They're just my disturbing neighbors." he surely said.

Does he mean his friends?

Hindi pa man natatanggal sa isip ko na baka isa sa mga kaibigan niya ang dumudutdot ng doorbell niya ngayon nang sumabay sa pag-kuliling ng doorbell ang cellphone ko.

This time, France opened his eyes. Pinakawalan niya 'ko kaya naabot ko ang cellphone sa side table, kaagad nga lang din niya akong hinila pabalik sa dati kong puwesto nang makuha ko ang cellphone.

"Ang clingy." I said and he only nestled his head into my neck.

"Don't care."

I answered Marcus' call.

"What?"

"I know you're having your cuddle after a rough sex with your doctor. Pero puwedeng pagbuksan mo kami ng pinto? Ang layo ng biniyahe namin."

"Huh?"

"Nandito kami sa labas ng bahay niyo."

Pilit kong tinanggal ang pagkakayakap sa'kin ni France. He let out a husky groan when I finally get off from him. It made Kyzer squealed in the background. Mukhang narinig ang ungol ng kasama ko.

"Tangina, Lav. Ang sarap."

Tumawa ako habang bumaba ng hagdan. Madilim pa ang paligid nang buksan ko ang pinto. Wala pang sunrise at base sa mukha ng mga nasa harap ay hindi sila natulog. 

"A hundred people." Marcus started. Pumasok siya sa loob at sumalampak sa sofa, pagod na pagod.

"We asked a hundred of people to know your location, you fucking bitch." pagtatapos ni Kyzer sa sinimulan ni Marcus at kinurot ako sa singit.

Tumigil nga lang nang marinig namin ang mabibigat na yapak galing sa hagdan. Sabay kaming bumaling doon na tatlo.

France in his gray sweatpants ruled the stairs. Sabay kaming bumuntong-hininga ng mga kaibigan habang tinitingnan ang lalaking walang kamalay-malay.

Just like then, I used to watch him from the ledge of the College of Business Building. He was that fair and slim President of St. Joseph picking up the litter in the field. But now, he was this tan and ripped doctor climbing down the stairs like he was the king of everything.

From goody good looking chemical engineering student to a badass doctor. Only France could pull off this transformation. Kahit saan pa sa dalawa ay mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

"Nibendisyunan niyo na ba ang bahay kagabi? Sinandal ka na naman niya sa pader? May nabasag na naman bang salamin?" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Kyze.

"Gago. We didn't do it. Ayaw niyang nagpupuyat kami." sabi ko, ang mga mata ay nasa doktor pa rin.

"Talaga ba? Hindi halata."

France gave us a full show as he prepares our breakfast. Kahit nandito kami sa living room ay sinisilip pa rin siya ng dalawa. Mga walanghiya. They're lusting over him.

We talked about the launch of my brand of course. Ngayon na nandito ako sa Pilipinas ay iyon muna ang priority ko. My shows and shoots are all cancelled. Ayaw ko munang umalis ng bansa. I have my business and someone to prioritize first.

I glanced at him as I took a sip from my orange juice. He was just silently eating and listening to us.

"Hindi kaya isipin nila na hate mo na talaga ang bansang 'to o masyadong mataas ang standards mo."

I asked Kyze to decline all the proposals and invitations I received from the local agencies and companies here. Wala pang isang araw simula nang makatuntong ako rito ay marami na ang kino-contact ang dalawa para makipag-sign sa amin ng contract.

"Let them think that way then." walang pakealam kong sabi. I don't hold grudges against anyone here in my own country or to my country itself. That's ridiculous.

Itong nararamdaman kong kapayapaan ngayon, gusto kong manatili lamang sa ganito. At alam kong hindi ito mananatili kung bubuksan ko ang sarili sa iba't ibang ahensiya at kumpanya. I want to build my name here as an entrepreneur. Iyong itatayo kong negosyo rito at sa iba pang lugar, iyon ang gusto kong pagkaabahalan muna.

"Bad publicity will cost a drawback to your business." komento ni Marcus na ikinailing ko.

"People do not need to recognize and love me so as to patronize my business. I'll make them love my brand without idolizing me as a model." I shrugged.

Besides iyon naman talaga ang pinaka-goal ko para sa business ko. Ayaw kong kapag dumating na sa punto na wala na 'kong career ay wala na rin ang negosyo ko.

Pagkatapos noon ay napunta na naman ang paksa sa kumalat naming larawan. Hindi iyon gaano kausap-usapan dito at hindi ko rin alam kung dahil ba nandito ako sa Pilipinas kaya pakiramdam ko ay parang namatay na ang kontrobersiyang iyon o talagang na-kontrol na nila ang pag-kalat ng larawan at balita.

Tiningnan ko si France na awang ang mga labi habang nakatingin sa iPad ni Kyzer.

See? Maging siya ay ngayon din lang nalaman ang tungkol doon. Ano kayang ginawa niya buong araw kahapon?

"You didn't tell me." sabi niya nang kami na lang dalawa ang nasa kusina. Kyze and Marcus were in the guest room, sleeping. Mamaya ay aalis din kami para asikasuhin iyong shoot ko para sa brand ko.

"Why? Are you bothered?" tanong ko habang naghuhugas kami ng pinggan.

"Well," he licked his upper lip and bit the lower. Mukhang nag-iisip pa ng sasabihin. Sabi na e. Nasabi niya lang ang mga 'yon dahil lasing siya sa alak o 'di kaya sa ginagawa namin noong mga panahon na 'yon.

"Ano? Sabi mo wala kang pakealam sa sasabihin ng ibang tao." balik ko sa mga sinabi niya ng gabing iyon.

"That's because..."

"High na high ka pa ng gabing 'yon. Ano bang nahithit mo?" pang-aasar ko na tiyak kong ikinapikon niya dahil sa pag-iba ng ekspresyon niya sa mukha.

"Shut up." he sneered and snatched the sponge from my hand. Tumawa ako at binunggo siya ng siko ko.

He only called my name in a warning tone pero imbes na kabahan ako ay kinilig pa. Naghanap ako ng kutsara sa palangganang puno ng bula't tubig.

Pero imbes na kutsara ang mahanap ko ay ang kamay ni France ang humuli sa kanang kamay ko. I smirked and turned to him. I was about to tease him for being clingy when I felt his hand trying to search for a certain finger in my right hand.

His eyes... were asking. It's like he's searching for an answer in my eyes. He never broke his gaze on me when he found it and slowly inserted a metal circlet.

Kaagad kong inalis ang tingin sa kanya at bumaba sa palanggana. Iniangat ko ang kanang kamay at parang slow motion na dumulas ang mga bula sa daliri. My eyes glued to the metal band on my ring finger.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa kamay na may singsing na roon. I gasped and stepped back when I realized what it means. I jumped and encircled my arms around his neck.

"Shit. Naghuhugas lang ako ng pinggan e!" I wailed and sniffed. Narinig ko ang marahang pagtawa niya at ang marahang haplos niya sa likuran ko na mas nag-tulak pa sa'kin na umiyak.

"I'll take that as a yes." masayang sabi niya. Hinila ko ang hikaw niya dahil sa panggigigil ko na kaagad ko ring binitawan dahil sa reklamo niya.

Damn. I stretched my hand behind him and stared at the ring, still awed.

"Ang bigat na ng kamay ko." tunog reklamo iyon kaya ngumisi ako nang marinig ang pag-singhap niya.

He broke from the hug and held my elbows instead.

"Was it?" he asked, concerned. Tiningnan niya ang kamay kong may singsing, 'tila tinitimbang gamit ang mga mata kung mabigat ba talaga ang singsing.

By the looks of it, he bought it. Napakauto-uto talaga. My smile grew wider and that's when he realized I was only making fun of him.

"May bato na kasi." I reasoned out and held my right hand with my other hand for support.

Namaywang siya at kinamot ang likod ng tenga gamit ang hintuturo habang tinitingnan akong umaarte.

"And you like it?" tanong niya, natatawa na rin dahil sa ginagawa ko.

"Sobra." sabi ko at tumawa nang malakas. Damn. I wouldn't be surprised if Kyze and Marcus appeared here, complaining that we're disturbing their sleep.

Love of France (Friend Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora