Chapter 7

3.9K 140 12
                                    

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit sa kanya pero sa huli ay napagdesisyunan ko na lumapit.

"Hi." I smiled and he smiled back.

Oh my heart.

France pushed the button of his pen and hooked it to the pocket of his jacket.

"Hi Love."

I held my chest and coughed hard. Teka, pangalan ko naman 'yon pero bakit parang iba ang dating sa'kin?

Parang ang smooth nang pagkakasambit niya sa palayaw ko? Or was I being delusional because it was France calling me Lav?

Ah. Whatever. Why am I taking this a big deal?

"Bakit?" he innocently asked and neared me.

I waved my hands and stepped back.

"Wala, wala. Nagulat lang na tinawag mo na ako sa palayaw ko."

"Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?"

"Gustong-gusto." I whispered and smiled. Kaagad akong nag-isip nang idudugtong nang mapansing inaayos na niya ang helmet niya, mukhang aalis na yata.

"Nagtatrabaho ka pala. Ang sipag mo naman." sabi ko at bahagyang tumawa umaasang mawawala ang awkwardness sa pagitan namin.

"Kailangan eh."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Anong ibig sabihin niya roon?

"Ikaw? Hindi ka pa ba hinahanap ng mga magulang mo?" agap niya at nilingon ang eatery namin sa likod ko kaya napangiti ako dahil naaalala pa niya na may eatery kami rito. Kung sabagay noong nakaraang araw din lang noong ihatid nila ako ni Wil sa eatery namin.

"May bibilhin kasi ako." I said and pointed the stall beside us.

"Uh, may trabaho ka pa?" tanong ko.

"May ide deliver-" 'di ko na siya pinatapos pa na magsalita at hinila siya papasok sa stall.

I intertwined our fingers together. Malawak akong ngumiti dahil tagumpay ako sa plano. At opo, tsansing ako.

"Saglit lang 'to!" sabi ko at naghanap kaagad nang maibibigay sa kanya.

Ang bait ni France sa'kin. Alam ko naman na concern lang siya sa'kin dahil obligado siyang gawin iyon dahil SC President siya at Senior ko. I know those meant nothing for him but those meant something to me.

"Love."

I looked at him with wide eyes. Kung noon ay nabubuwiset ako sa palayaw ko, ngayon ay malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko.

"'Yong kamay mo." he whispered.

I looked down at our holding hands. Sinadya ko talaga na huwag bitawan ang kamay niya simula nang makapasok kami sa loob ng stall.

Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi magandang tingnan." masungit niyang sabi at pilit na tinanggal ang kamay niya sa'kin.

"Pero gusto mo?"

He raised his brow at me. Pansin ko na napapantastikuhan siya sa mga galaw ko at sa mga sinasabi ko.

"Sandali. Mukhang nagkakagulo na tayo rito. Ganyan ka ba talaga sa lahat ng lalaki?"

"Sa mga boyfriend ko-"

"I'm not your boyfriend so why are you acting this way to me?"

"Cuz I want to make you my boyfriend." I shamelessly said. Kaagad ko ring pinagsisihan kaya napayuko ako.

Love of France (Friend Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora