Chapter 30

3.7K 96 7
                                    

Ten minutes after my picture got uploaded on the escort service website, I already received three notifications from potential clients.

Hindi maalis ang tingin ko sa screen ng laptop ni Sir Quen habang sunod-sunod ang paglabas ng mga mensahe galing sa iba't ibang kliyente.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakatingin siya sa'kin. Hindi kalaunan ay humalakhak ito at itinulak pa ang swivel chair kung saan ako nakaupo.

Walang bahid ng kagalakan ang aking mukha. Habang siya ay tuwang-tuwa na parang tumama sa lotto.

"See? I told you hija. Isang kurap mo lang ay may pampa-opera ka na sa Tatay mo." masayang wika niya at hinila ang laptop sa kanyang harapan upang siya ang mag-manipula.

I covered my face with my hands. Ang bigat sa pakiramdam. This is against my free will.

Like France said, I always have a choice. But this is the easiest and fastest way I could do to help my father. Kung hindi ko ito susubukan at umasa sa part time ko ay baka patay na ang Tatay ko ay hindi ko pa nabubuo ang kailangan niya para sa operasyon niya.

I agreed with this escort service thing but I have restrictions. Ang sabi ni Sir Quen ay puwede niya akong gawan ng kontrata at siya na ang bahalang magpaliwanag sa kliyente kung sang-ayon ba siya sa terms and conditions ko. Kung ayaw e 'di huwag. Hahanap ng iba na sang-ayon sa gusto ko.

I will only accompany the client until my time is over. No sexual intercourse. Hold hands is fine. I don't know how their system works but I was assured that I would be safe all throughout my working hours. So, I guess I would be just fine.

My identity as an escort is protected. No one will know but me, Sir Quen and my client. Just one night and I'm done.

"I confirmed Marcus Alejandre's request. A business tycoon just booked you Lavienna!"

Inalis ko ang kamay sa mukha at tiningnan si Sir Quen na siyang-siya at tutok na tutok ang mga mata sa screen.

"He agreed with my terms and conditions?" I asked with creased forehead. Akala ko ay matatagalan akong makahanap ng kliyente dahil marami akong bawal.

"Yeah. Ang hanap niya ay date sa isang social gathering bukas ng gabi. Tatlong oras para sa isang daang libo."

Isang daang libo? Puwede na 'yon bilang downpayment. Ang patakaran ng ospital ay makabayad lang muna ng kahit kalahati para sa operasyon ay puwede na. Siguro ay puwede ko nang pagtrabahuan ang matitirang bayarin. Trabaho na hindi ganito.

Pagkatapos kong makipagkita kay Sir Quen ay bumalik na 'ko sa ospital. I have class today but I skipped again. Nakakaligtaan ko na ang internship at studies ko. Hindi ko na ma balanse ng tama ang pag-aaral sa pagbabantay at pagtatrabaho.

I came back in the hospital, wasn't expecting that I'd see them in my father's room. Pero hindi iyon ang inuna ko.

Ibinagsak ko ang dalawang plastic na dala-dala at unti-unting lumapit kay Tatay na pinapaligiran na naman ng mga doktor.

Another cardiac arrest.

May pinag-uusapan ang mga doktor at nars pero nang makita ako ay kaagad na tumahimik.

I was about to ask him when France spoke first.

"Gaano siya kadalas makaranas ng cardiac arrest, Dok?" tanong nito mula sa aking likuran kaya napunta ang tingin sa kanya ng doktor.

Kumunot ang noo ng doktor.

"Who are you?" Dr. Degallato asked. "Are you his guardian?"

"Anak ng pasyente." he quickly lied. Na parang plano na niya talaga ang magsisinungaling kung itanong iyon sa kanya.

Pinigilan ko ang sarili na suminghap sa kanyang sinabi. Tumingin sa akin ang doktor, nagtatanong kung totoo ba ang sinabi ni France. I just nodded my head to confirm it.

I don't know what's with France but I think it's necessary. Hindi naman siguro siya magsisinungaling kung hindi kailangan.

Dahil doon ay napipilitang sinabi ni Dr. Degallato ang mga sinabi rin niya sa akin nitong mga nakaraan. Mas matagal nga lang ang pag-uusap nila dahil maraming tanong si France. Kahit makalabas na ang doktor ay hindi pa rin pinakawalan ni France at sumunod pa rin para magtanong pa.

I looked at Raven and the girl he's with. Sila ang kasama ni France. I met the girl's eyes. She smiled at me first so I gave her a nod before my eyes went to Raven.

I think she got a shy... and weak girl there. Ano'ng nangyari sa sinabi niya noon? Alric version 2.0? The girl looks innocent and pure. Ibang-iba sa sinabi niya sa'kin noon na mga tipo niyang babae.

Or was I just being judgmental?

Hindi ko alam kung bakit dinala sila ni France rito.

Walang pasok si Raven?

Teka- may pasok ngayon dapat si France. Ano'ng ginagawa niya rito?

'Tsaka galit siya noong huli naming usap. Akala ko ay wala na siyang balak magpakita pa sa'kin.

"Kailan pa kayo?" tanong ko at inabala ang sarili sa paglabas ng mga pinamili sa plastic.

"We were here for..." Raven paused and glanced at her. "how many minutes nga Miss?"

"Ten minutes or so." the girl answered.

"I asked for his chart but they wouldn't give it to me." si France na kapapasok lang ulit sa silid ni Tatay.

Raven chuckled. "Man. You're not a doctor yet. Of course, they won't hand it over to you."

"Pero anak ako ng pasyente."

"Kailan pa?" Raven cut him off. He looked at me with such a teasing smirk.

France and I glanced at each other. Ako ang unang umiwas dahil nakaramdam ako ng kakaiba. I bit my lower lip and stared at the plastic instead.

This is awkward.

Nakinig lang ako sa dalawa na mag-usap. Naging interesado ako dahil ang kondisyon ni Tatay ang paksa nila. Nang makarating si Nanay ay siya na muna ang bumantay kay Tatay habang kaming apat ay tumuloy na muna sa kapiterya ng ospital para makapag-usap ng maayos. 'Tsaka makipagkita sa isang doktor na rito sa ospital na nagtatrabaho at kakilala ni Raven.

"If your hunch is right, you'll file a lawsuit?" tanong ni Raven kay France bago nalipat sa'kin.

Lawsuit?

Kanina ko pa naririnig sa pinaguusapan nila na maaaring medical accident nga iyong dahilan ng palagiang cardiac arrest ni Tatay.

Wala naman akong alam sa mga ganoon. Napag-bintangan ko lang si Dr. Degallato na medical accident iyon dahil narinig kong pinag-uusapan.

Hindi ko ito napag-aralan. I relied on Dr. Degallato's words because it was his specialization. Sa doktor namin inaasa ang buhay ni Tatay dahil siya ang higit na nakakaalam.

Pero puwede rin nga naman siyang magsinungaling kung may kamalian siyang nagawa.

But an apology will do. It is not too late. Buhay pa ang Tatay ko. He could make up for it. Mahirap bang gawin iyon?

France looked at me.

"Kung ako ang masusunod ay oo pero depende pa rin iyon kay Tita at kay Love." sabi ni France at kaagad ding binalik ang tingin kay Raven.

Dumating nga iyong doktor na kakilala ni Raven. He got a copy of my father's chart. Then, they started talking technically habang may itinuturo sila na kung anu-ano sa chart. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila roon na hindi ko makita para sabihin nila na posibleng malpractice nga iyon.

Ang doktor na mismo ang nagsabi.

"If it's a medical accident, they really don't have the plan of performing another surgery to the patient." the doctor said.

"More likely, they'll just wait until the patient expires."

Expire?

"Pero ang sabi nila ay o-operahan nila si Tatay kapag nakahanap na 'ko ng pera." sabi ko.

The doctor shook his head.

"Hija, they're just buying some time until your father couldn't make it to another cardiac arrest."

I clenched my fist. This is what I've been trying to refuse to think of. Mas nanaig ang tiwala ko sa kanila dahil mga doktor sila. Pa'no nila magagawang kumitil ng isang tao na umaasang papagalingin nila?

"If ever they try to open up your father's body again, they're just like digging their own grave. Kaya imposibleng o-operahan nila ang tatay mo. Evidences will show and voila! They would be jailed and goodbye license. And I know for sure, they won't let that happen."

"Can you transfer his father to another doctor?" Raven asked the doctor.

"Dr. Degallato is from another department Ry. I have to seek consent first from him before I can get the patient na alam kong hinding-hindi niya pagbibigyan. He won't let any doctors touch the patient dahil malalaman ang kamaliang ginawa niya."

Oh damn it. This is much worse than I thought. Frustrated kong sinuklay ang buhok.

"What about we talk to the Director?" si Raven ulit.

Mabilis na umiling ang doktor.

"Nah. That won't work. Mas lalong hindi papayag ang Director na operahan ang pasyente kapag nalaman ang tungkol na malpractice." kaagad na sagot ng doktor at tiningnan ako.

"Lawsuit will rise. Mapupunta sa alanganin ang reputasyon ng ospital. The cons are heavier than its pros kaya..." the Doctor shrugged.

"This is fucked up."

"The only way out is to get him operated without their consents." France suddenly spoke.

Kaagad na pumalakpak ang doktor at itinuro si France.

"Iyan din ang iniisip ko."

"Then, let's do it." kaagad na sabi ni Raven.

"Isn't that illegal?" the girl beside Raven asked.

"We can deal with that after we save the patient."

I took a deep breath and looked at them. They're all looking at me waiting for my confirmation. With a nod of my head, Raven and the doctor stood up. The girl followed. Kaagad silang nagpaalam at gagawin na ang napag-usapan.

This will just be alright, right? I just want to save my father.

If this is the case then, I have to make money as soon as possible. Raven and his friend are doing something big for my father and I have to do my part. Ayaw kong sa pera pa kami magkakaproblema pagkatapos ng tulong na ibibigay nila.

"Bakit ka nga pala nandito?" I asked when I remember that he has his class.

"Why? Am I not allowed to see you?" ganting tanong niya sa'kin.

"Hindi ba't galit ka sa'kin?"

Umihip ang malakas na hangin kaya nilipad pakanan ang buhok nito. His black hair and pitch-black eyes lighten his complexion even more.

"I've cooled down. Sorry sa inasta ko noong huli." kalmado niyang usal at lumingon sa'kin

"Ako rin. Sorry rin ulit kung nagsinungaling ako."

"So okay na tayo?" he asked hesitantly.

I bit my lower lip and nodded my head. We smiled at each other and looked at the flower bed in front of us.

The garden was well taken care of. The trimmed shrubs and lawn made it evident. Different colors of chrysanthemums scatter alongside the path. There was a white butterfly flying around the flowers. I smiled when I remember him to the butterfly.

"Saan ka nga pala galing? School o work?"

My smile faded. His question caught me off guard.

Hindi ko alam ang isasagot. Kaaayos lang namin tapos heto na naman. Kung magsisinungaling ako ay gagawa na naman ako ng panibagong pag-aawayan namin. Kakahingi ko lang ng tawad sa pagsisinungaling ko noon tapos magsisinungaling na naman ulit ngayon.

I turned to him. I was met by his candid gaze at me. Guilt crept in me when I realized how transparent his honesty was.

This is what he was known for. Being honest and real.

"France, I..." I trailed off. I looked away. Hindi ko kayang magsinungaling sa mga mata niyang walang bahid ng kasinungalingan, purong sinseridad ang nakikita ko. Nakakakonsensya.

"I skipped classes for work." I said and looked down.

Damn. Even that was a half lie and a half truth. I was omitting something again.

"Work? Para kay Tito?" tanong niya, ang boses ay puno ng kuryusisad.

Tumango ako at piniling tumingin na lang sa mga bulaklak na nasa harapan.

"Well, you don't have to work now."

I looked at him with creased forehead. What does he mean by that?

"Kung ang problema ay ang pera para sa operasyon ni Tito, ako na ang bahala Love."

Mabilis akong umiling nang may mapagtanto.

"France, hindi mo kailangang ilaan ang ipon mo sa med school para kay Tatay."

Hindi ako papayag. I can find ways. Grabeng abala na sa kanya kung pati ang pang med school niya ay gagamitin para sa operasyon. Mayroon na akong nahanap na solusyon doon.

"Hindi 'yon."

He shook his head and gave me a small smile.

"Well, I followed your advice." sabi niya na parang nahihiya pa.

"Kagaya ng sabi mo ay hindi naman masama ang humingi ng pabor minsan. Kaya humiram ako ng pera sa mga kaibigan ko." masaya niyang balita at tumingin sa akin.

"They gave me more than I asked kaya sa tingin ko ay sasapat na 'yon para sa kailangan ni Tito."

My heart just... I don't know. I was overwhelmed with gratitude.

Hindi siya humingi ng pabor sa mga kaibigan niya para sa pag-aaral niya pero para kay Tatay ay nagawa niya. This man, I really don't deserve him.

"So don't bother of working. Just focus on your studies. Malapit na ang exam. You should be studying now."

I killed the distance between us and gave him a tight hug.

"Babayaran kita agad." I promised.

"Babayaran natin sila. Kahit kailan daw. Wala naman daw interes kaya no pressure."

We both laughed with what he said. I buried my face on his chest as he continuously caressed my hair. God. I missed this being close to him.

After France assured me that it will all be fine, I planned on withdrawing from the escort service. Ang pagdating ni France para tulungan ako ay senyales na siguro ng nasa taas na huwag nang ituloy pa ang binabalak.

This will just be easy. I thought it was.

"Anong back out?" tumayo si Sir Quen at namaywang sa harapan ko.

"Hindi puwede, Lav! The client already paid you! Marereklamo tayo nito." stress niyang sabi at lumapit sa'kin.

Kumunot ang noo ko.

"Paid? Hindi pa po ako nababayaran. Wala po akong natatanggap˗"

Takot siyang tumingin sa'kin. Mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na parang humihingi ng tawad. Kaya mas lalong kumunot ang noo ko sa inaasta niya ngayon.

"I already used half of the money Lavienna."

Ano?!

He what?!

Marahas kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Matinding galit ang bumalot sa'kin dahil sa kanyang inamin.

"Para po 'yon sa Tatay ko, Sir Quen. Bakit niyo po ginastos at pa'no˗"

Suminghap ako at nagpakawala ng sunod-sunod na mura nang mapagtanto na niloko niya 'ko. Galit kong tiningnan ang kausap.

My father was right. Ang mga taong katulad namin ang madaling utuin at lokohin dahil sa mahirap lang kami. This is what I hated the most of being poor.

Ang liit-liit ng tingin sa'yo ng mga mayayaman. Akala nila ay kung sino silang nakatataas sa amin.

If looks could kill, he must have been lying on the floor now, lifeless.

"Pupunta ka naman hija, 'di ba?"

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malakas na singhap sa naging tanong niya. Hindi man lang siya hihingi ng dispensa? Sa pagkakamali niya?

How can I trust this man? These people? Parehong-pareho lang sila ni Dr. Degallato. These people who couldn't accept their mistakes totally suck.

Hindi nawala ang matalim na tingin ko sa kaharap. It irritates me more that he acted like it wasn't a big deal.

Tangina.

"You will be sued by the agency if you don't show up˗"

"Bakit ako? Hindi ba't ikaw ang gumastos ng pera?" nanggagalaiti kong tanong.

Wala na 'kong interes pa sa pera na 'yon. I could easily pull out kung hindi lang niya pinakealaman. I also realized na wala talagang concern sa akin ang taong 'to kasi kung mayroon ay hinding-hindi niya gagalawin ang pera na kailangang-kailangan ko. Una pa lang ay ganito na talaga ang balak niyang gawin.

"Apparently, it was your name at stake dahil pangalan mo ang nakalagay˗"

"Are you blackmailing me?" galit kong tanong nang ma realize kung saan patutungo ang sinasabi niya. "Hindi ba't ikaw ang dapat kasuhan sa ginawa mo?"

"It was a warning, Lav. A warning of what might happen to you if you won't appear in front of your client at your scheduled time."

Where did I fucking put myself into?

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now