Prologue

8.5K 211 5
                                    

Cameras flashed in half a shake the moment I stepped my foot on the red-colored carpet. The continuous shuttering sound of the cameras wind me up a bit. I tried to mask my irritation with a smile. I even made a pose at the cameras and after that I started walking with a light-footed step.

"Love Guillen!" I heard one of the medias screamed my name. Nilingon ko iyon at nginitian. I waved my hand at the crowd before my security guarded and guided me to the luxurious hotel in France.

Tahimik ako buong biyahe sa lift kasama ang apat kong security. Dalawa sa aking harapan at ganoon din sa aking likod. Nang makarating sa tamang palapag ay may umaabang na agad na dalawang attendant upang gabayan ako papunta sa suite ng kaibigan.

I smiled and said my thanks to them when I reached my friend's suite. I swiped my card and the door clicked opened.

"Mi-miss L-love." Isang baklang designer na may hawak ng isang puting tela ang unang nakakita sa'kin.

I smiled at him while he offered his hand to me.

"I'm Riley Garcia, a Filipino."

My mouth turned into an o. I immediately accepted his hand.

Kababayan!

Kaagad na lumambot ang puso ko sa nalaman. Natawa ako ng bahagya nang makita ang reaksyon niya habang kinakamayan ko siya.

"I'm a huge fan, Miss Love." he said and asked if we can take a selfie. Pagkatapos sa kanya ay marami pa ang sumunod.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pakikipagusap sa kanila saka ako nakapasok sa silid kong nasaan si Devina Soliven, ang kaibigang sadya ko rito.

My jaw dropped when I saw her reflection in the mirror right after I opened the door to her room. Hindi kagaya sa labas ay mag-isa lang siya rito at mukhang tapos nang ayusan.

"Oh my god!" I surprisingly said while looking at her.

Devi walked in front of me and made a slow turn and smiled at me. She crossed her arms and says, "I need your ratings. One to ten."

"Of course, ten! You prick!" masaya kong sabi at dinamba ng yakap ang kaibigan.

"Congrats Devi." sabi ko sa matalik na kaibigan at kung wala lang siyang makeup ay pinupog ko na siya ng halik ngayon.

Pagkatapos ng mahabang yakap ay humiwalay din kami sa isa't isa. Kumunot ang noo ko nang makitang wala na ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng pag-aalala. Luminga-linga ito sa paligid kahit na kami rin lang naman ang nandito sa loob ng kanyang silid.

"I want to have a low-key wedding but look what you did." aniya at itinapat sa'kin ang iPad niya.

I sighed when I saw my pictures earlier spreading like wildfire on the Internet.

"I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit nalaman ng media na may pupuntahan akong kasal ngayon. If you're not comfortable, I'll call Kyz-"

"No. It's okay but-" kaagad niyang agap sa sasabihin ko sana. She bit her nails and started to walk back and forth before me. Kuryuso kong pinagmasdan ang kaibigan na parang may gagawing krimen dahil hindi ito mapakali.

Okay I get it. I know it's normal to get nervous on your wedding day but it seems like she's scared more than excited. Tumakbo ito sa'kin at mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Kailangan ko ang tulong mo." Mabilis niyang tinanggal ang belo sa buhok at kung hindi ko pa pinigilan ay nahubad na niya ang gown na suot!

"What the fuck Devs?" Mabilis ko siyang binatukan sa pag-asang babalik siya sa katinuan.

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon