Chapter 17

3.3K 135 6
                                    

Scared.

That's how I should feel right now but I am not frightened, not even an ounce of fear makes me scared right now.

I feel euphoric instead.

Tawang-tawa ako sa mga nangyayari sa amin habang binabagtas ang kanina lang ay tahimik na sementeryo pero ngayon ay wala na ang katahimikan. Nagsimula noong may lumipad na paniki sa likuran namin at nahulog na sanga ng puno ng mangga 'di kalayuan sa amin.

Nang marinig namin iyon nang sunod-sunod ay tumigil kaming lahat sa paglalakad at nagkatinginan. Then we heard a crackling sound on one of the graveyards and that's when they screamed and ran. Tumakbo sila kaya tumakbo na rin ako.

"Shit. Huwag nga kayong tumakbo!" si Rain na ang bilis din ng takbo.

Tumatawa ako habang tumatakbo. Ang daming nangyari na nakakatawa habang nililibot namin ang sementeryo. Nahulog ang cellphone ni Taly, nasira ang flip flops ko at napunit ang damit ni Harvey sa kakahila ni Hope.

Tumigil lang kami sa pagtakbo nang may nangyari na sobrang nakakatawa. Nakaluhod na ako sa isang lapida habang humahagalpak sa tawa nang mahulog sa hukay si Alric at Harvey.

Actually, kami lang ni Rain ang tumatawa. Eve, Hope and Taly were all worried while France and Raven helped them get up from that grave. Though it took them so long getting the two up because of the slippery and muddy ground.

Puno sila ng putik nang makaalis sa hukay. Tumigil kami sa pagtawa ni Rain nang unti-unting lumalapit sa amin ang dalawa na parang may binabalak.

"Ikaw kay Rain, ako kay Lav." Alric whispered.

"Gago. Gusto mo mag-away ulit kami? Ikaw kay Rain, ako kay Lav."

Before I could run, Harvey already hugged me and Alric did the same thing to Rain. The mud on his body easily transferred to mine! I whimpered when I could feel mud all over!

Hindi rin nagtagal ang yakap sa'kin ni Jo nang hilain siya palayo ni France sa'kin. Jo smirked and raised his hands as if he was surrendering.

France looked at me before he removed his slider and offered it to me. Kagaya ko ay may putik din sa damit niya.

"Huwag na. Baka makatapak ka pa ng bubog dito." I declined.

"At ikaw?" he asked.

"If you're really concern, give me a piggyback ride then."

I was just kidding but he really obliged. Tumalikod siya sa'kin at ibinaba ang katawan para makasakay nga ako!

"Ang uto-uto naman ng Love ko." I said before I stepped forward to reach his back. I encircled my arms around his neck and he hooked my legs to his strong arms.

"Okay na?" he asked and I just hummed. He started walking as he effortlessly carried me like I weighed nothing like a paperclip. Ang dungis na namin pareho. Ngayon ay pareho na kaming tahimik na dalawa habang nilalakad ang daan pabalik sa van.

Nasa likuran kami ng lahat kaya kitang-kita ko kung paano na naman sila nag-aasaran. Rain was pushing Alric to the emptied tomb. Mukhang kagagawa lang ng nitso kaya wala pang nakalagay roon na kabaong.

I was laughing silently when Jo and Alric pushed Rain instead.

"Masaya ka ba?" France suddenly asked. He cocked his head so I traced the line of his nose and planted a quick kiss on his cheek. I was holding my phone and the light coming from the screen of my phone served as our beacon.

"Sobra. Parang ngayon lang ulit ako natuwa na pumipilipit ang tiyan." sabi ko nang maalala ang kanina. I laughed when I saw him smirked.

I rested my head on his broad shoulder. I sniffed his neck and he cocked his head to the other side. I don't know what is that for. To give me more access or to avert my movement.

"Ikaw? Did you have fun?" I asked him back and tightened my hug on his neck.

"Uh huh. As long as my source of fun is having her own kind of fun, I am having my fun."

I smiled and tilted his head directly before me.

"I love you." I said and kissed him.

"I love you, Love." he mumbled after our kiss. I bowed my head a little and he rested his lips over my forehead saying my favorite sentence repeatedly.

Sana ay hindi ito ang huli.

Habang lumalaki ako pakiramdam ko ay palungkot nang palungkot ang Christmas. But who would have thought that this man I am with would bring the joy back I used to feel every Christmas.

"Is it necessary to be that low, and short?" bungad ni France nang maitapak ko ang paa sa huling step ng kahoy naming hagdan.

"Ha?" I furrowed my brows as I neared him.

"Your neckline." tukoy niya at sinipat ng mabilis ang katawan ko bago ibinalik ang tingin sa akin.

So I looked down to look at my body. I was wearing a ditsy red dress with puff sleeves. It has a front tie resulting to have a low-cut neckline. I puckered my lips when I realized that my dress was cute instead of sexy.

Tiningnan ko si France.

"Magpapalit ako?" tanong ko sa kanya. Kasi kung gusto niya na magpalit ako ay magpapalit kaagad ako.

"Are you comfortable with your dress?" he asked and I quickly nodded.

I am more comfortable and confident with my dress.

"Then, let's go." sabi niya at nauna nang lumabas ng bahay pagkatapos magpaalam sa mga magulang ko na abala sa kusina para mamaya.

Huling gabi na ng simbang gabi. Ang balak namin ay kumpletuhin ito at ngayong gabi ay makukumpleto na namin! Kaya kahit antok na antok na 'ko tuwing sinusundo niya ako sa bahay tuwing madaling araw ay pinipilit ko ang sarili na bumangon at magsimba kasama siya.

It feels like an achievement unlocked!

It's my time to reconcile with God. Ang tagal ko na kasing hindi nakakabisita sa kanya. I am glad France came into my life to remind me that.

Tumakbo ako palapit sa kanya. Nauna na kasi ito at hindi na 'ko hinintay habang sinasara ko ang gate namin.

"Galit ka?" tanong ko at ikinawit ang braso sa kanya. I rested my head on his shoulder.

"No." he said and encircled his arms on my waist to pull me closer to him. I ended up hugging his torso instead. I hummed when I got the chance to smell his scent more.

He was wearing a maroon dress shirt shirt paired with black jeans. Mas pumuti siya lalo sa suot at ang guwapo talaga. Nakakainis.

Bago kami sumakay ng jeep ay inabot niya sa'kin ang cellphone at wallet niya kaya mabilis ko iyong kinuha, alam na ang gagawin. Inilagay ko ito sa sling bag na dala bago niya 'ko inalalayan na unang makapasok sa loob ng jeep. The whole ride, I was busy folding the sleeves of his dress shirt up to his forearm while his hand was on my knees again, closing them tight.

Maaga kami ngayon para sa misa kaya nakahanap pa kami ng puwesto sa loob ng cathedral. Kadalasan kasi kapag on time kaming dumarating ay wala nang bakanteng upuan kaya nakatayo kami buong misa. Ngayon ay nasa unahang row kami ng seat kaya maganda ang puwesto namin.

Nang magsimula ang misa ay tahimik kami ni France hanggang sa matapos ito. Minsan ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanya para kausapin siya kapag may napapansin pero bago ko pa man maibuka ang bibig ko ay pinipigilan ko na agad ang sarili. He was so focused on listening to the sermon of the priest that he couldn't throw a glance at me. Or was he just ignoring me?

That's possible.

Noong una niya akong ayain magsimba ay hindi ko talaga mapigilan ang kausapin siya habang nagsasalita ang pari sa harap kaya palagi niya akong tinitingnan ng masama.

"Can't that wait Love?" he whispered, still looking to the priest.

"Hmp." I snorted. I crossed my arms and rested my back on the backrest. I know I am being evil pero may napansin kasi ako sa suot ng babae na dumaan sa amin at gusto kong sabihin sa kanya.

Kaso ang snob talaga.

He just found my hand and slowly intertwined our fingers. He glanced at me.

"Sorry. Later." he mouthed and kissed my hand before he rested our hands on my lap as he caressed the back of my palm with his thumb.

Parang magic at tumahimik ako pagkatapos noon. Parang nagtransfer iyong church mode niya sa'kin habang hawak-hawak ang kamay ko.

Simula noon ay naging behave na 'ko sa loob ng cathedral.

"Merry Christmas!" I said after the priest said his greetings. We exchanged Merry Christmas with the other people in the church as if we're saying our peace be with you.

Nang makalabas kami ng cathedral ay bumili kami ng bibingka, suman biko, at puto sa mga nakahilerang stall sa labas ng simbahan.

"Magugustuhan 'to ni Nanay." I grinned when the vendor handed me the plastic bag.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep ay kumakain ako ng umuusok pa na puto. France loosely encircled his arms around my neck while we're walking to the street full of people from the cathedral.

He was so clingy. Kaya marami ang tumitingin sa amin dahil sa mga grand gesture niyang ito. I was wearing flats kaya kailangan ko pang tumingin sa itaas para matingnan siya.

His eyes were looking straight and his lips formed in a thin line like he was refraining himself from talking nor smiling. Sa bawat pagkurap ng mga mata niya at paghinga ay nahuhuli ko.

Nang makauwi kami ay handa na ang mesa at puno na ito ng pagkain. France was busy getting his shoes off habang ako ay tuloy-tuloy sa loob ng bahay nang makita ko ang isang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Lav!" she squealed and ran to me. May hawak-hawak siyang cake nang tumakbo palapit sa'kin.

"Yuna." tawag ko sa pangalan ng pinsan.

She's wearing a high waisted maong skirt paired with black corset. It hugged her curves and flaunted her collarbones and cleavage.

Mabilis niya akong niyakap nang mailapag sa mesa ang cake na dala. I was astonished by her presence that I couldn't hug her back. Ang laking himala at nandito siya ngayon sa bahay.

Nang humiwalay siya sa'kin ay ipinirmi niya sa mga balikat ko magkabilang kamay.

"Surprise?" she asked.

Well, I am. Nakakagulat nga naman talaga ang bigla-bigla niyang pagsulpot sa harapan ko sa isiping nasa Canada siya ngayon.

Ang tingin niya ay napunta sa likuran ko. Nahuli ko kung paano nahulog ang panga niya nang makita kung sino ang estranghero sa mga mata niya. Lumingon ako at nakita ang papalapit na si France sa amin.

"Who's he Lav?" bulong ni Yuna na ang mga mata ay 'di pa rin maalis sa kaibigan.

"Uh, si France." I said. I don't know how shall I acknowledge him.

Friend. That is how it should be. Pero alam ko na ang mangyayari kapag kaibigan lang ang pakilala ko kay Yuna.

When I said that Yuna and I shared the same liking for fashion, pati rin sa lalaki ay pareho ang gusto namin kaya hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla.

Pero ang kaba ay kaagad ding nawala nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Tiningnan ko ang pinsan na ang mga mata ngayon ay nasa kamay ni France sa akin.

"Problem?" France asked when he noticed my deep sigh. Naramdaman ko rin ang marahang pagpisil niya sa likod ko para kunin ang atensyon ko. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Mabilis akong umiling at nginitian lamang siya.

Ipinakilala ko si Yuna kay France at mabilis din siyang naglahad ng kamay sa pinsan ko para ipakilala ang sarili. Napansin ko rin ang pagkawala ng interes ni Yuna kay France kaya ngayon ay ako ang tinutukso tuwing makikita ang pagiging maginoo ni France.

We ate altogether. Nasa magkabilang kabisera ang mga magulang ko, katabi ko si France at nasa harapan ko naman si Yuna. Nag-uusap si France at ang mga magulang ko nang alisin ni Yuna ang atensyon ko kay France. She leaned over the table and motioned me to do the same thing. So I quickly did.

Her smile was so wide. I already noticed that earlier. Something good must have happened. Ang sapantaha ko ay hindi nga nabigo nang sabihin niya ang dahilan kung bakit nandito siya sa Pilipinas maliban sa Christmas break.

"I got an email from Lustrous Agency." she whispered.

Naihulog ko ang kubyertos nang sabihin iyon ni Yuna. Hindi ko mapigilan ang magulat sa binitawang balita ng kaibigan.

"Talaga?"

"Yes!" she squealed and we both held hands over the table. Ang mga magulang ay hindi na nagulat sa inasal namin. Sanay na sanay na sa ugali mayroon kaming magpinsan. Pero si France, ang tagal nang inilagi niyang tingin sa amin, napapantastikuhan.

I was so lost in thought after Yuna said her good news. I was attentive listening to her plans sa puntong hindi ko na nakakausap si France at natulungan si Nanay sa pagligpit. I was interested and excited for my cousin. On top of that, I envied her.

Lustrous Agency is a modeling agency par excellence. Tory Malavega is one of their talents and more successful supermodels were created and shaped by the said agency. Ang makatanggap ng tawag o mensahe galing sa Lustrous ay malaking bagay na.

I understood Yuna why she's here. Mapapauwi ka talaga.

Hanggang makaalis ang pinsan ay iniisip ko pa rin ang mangyayari sa kanya. Ang sabi niya ay may kakilala siya sa agency na siyang tumulong sa kanya para mapansin ang portfolio na ipinasa niya. Masuwerte pa rin siya at may koneksyon siya. She is rich and beautiful. Of course, there's a big possibility that she would be known to the modeling circles.

Hindi ko alam kung patas pa rin ba ang oportunidad na ibinibigay sa mayayaman na katulad niya at sa mga mahihirap na kagaya ko.

Sa mga nakalipas na araw ay naging okupado ako kay Yuna. I was helping her with her walk. She trusted me so I would always give her my honest opinion. Kahit minsan ay pansin ko ang pagiging harsh ko.

"Ang pangit Yuna." sabi ko sa ikalimang pagkakataon at lumabi lamang siya. Nasa salas kami ng bahay. Ang mga furniture ay itinabi namin para mas magkaroon siya ng espasyo sa paglalakad.

Nang hingiin niya ang tulong ko, akala ko ay sa bahay nila kami mageensayo dahil spacious roon kaya makakalalad siya ng maayos, hindi na niya kailangang dalhin ang mga gamit niya rito, well-ventilated ang bahay nila at higit sa lahat ay may floor to ceiling silang salamin! Makikita niya agad ang mga mali sa lakad niya at hindi kami pagpapawisan ng ganito.

Umupo siya sa monoblock chair sa tapat ng nag-iisa at kinakalawang naming electric fan.

"Break." she said. Kahit labag sa loob ko ay tumango na lamang ako. Ilang beses na niyang hingi ng break ngayon at ilang oras pa lang kami nagsisimula. Mas mahaba pa ang pahinga niya kaysa sa practice.

Lumabas si France mula sa kusina na may dala-dalang isang tray. Laman noong ang dalawang baso ng juice at dalawang platito ng banana cue. May hawak pa siyang siyanse sa kanang kamay.

Hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya at itinuon ko ang pansin sa nagkalat na damit sa mesa at naghanap ng magandang pares. Marami ring magazine ang nandoon kaya metikuluso kong tinitingnan ang bawat ayos at tindig ng mga modelo para maituro ko kay Yuna.

I was so serious of it na kahit nagtatrabaho ako sa umaga at bago matulog sa gabi ay itong modeling niya ang iniisip ko. I was giving my full effort at helping her out. Gusto kong makapasok siya sa Lustrous at matupad ang pangarap naming maging modelo. Kung hindi man mangyari sa'kin ay kahit sa pinsan ko na lang.

Narinig ko ang anyaya ni France kay Yuna para kumain na mabilis din nitong pinaunlakan.

"So you cook France?"

"Oo, Yuna."

They started chatting but my attention was on the magazines. Minsan ay hindi ko lang talaga mapigilan ang tumigil sa ginagawa kada maririnig ko ang tawa ni Yuna. Even her laugh sounds so sexy and inviting. Idagdag pa ang suot niya ngayon. A tube top and high waisted ripped jeans.

I wanted to see him looking at her. Does it trigger him to get arousal? I had this belief that every man usually gets attracted with their eyes and thirst for flesh.

Tumigil lang sila sa pag-uusap nang makatanggap ng tawag si Yuna at kailangang lumabas ng bahay dahil ang pangit ng reception dito sa loob ng bahay.

"Meryenda, Love?" siya na ngayon ay nakalapit na sa likuran ko.

"Hard pass." I said without looking at him. Hindi pa 'ko gutom. Katatapos ko lang kumain kanina bago siya dumating kaya busog pa 'ko.

Hindi na 'ko nagulat nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng damit ko sa likod para mapunasan ng towel ang basa kong likod. Sinimulan niya rin akong paypayan gamit ang isang catalogue na nakuha niya sa mesa.

"Pawis na pawis ka." he casually said like his words didn't rob me.

Buwiset.

Nakaupo siya sa mesa habang pinapaypayan ako kaya hindi ko mapigilan ang sulyapan siya.

"Ang sweet naman." I snickered and he just groaned.

Kinuha niya ang baso niyang may laman na tubig at uminom mula roon. Nang mailapag niya 'yon sa mesa ay ako naman ang kumuha no'n at uminom ng tubig. He pursed his lips while looking at me

"You're so immersed and occupied in helping Yuna with her modeling that you can't even cast a glance at me." he pursed his lips and drummed his fingers on the table.

Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin kaya alam kong nahihiya siya.

"Selos ka Love?" I teased and he just scoffed. I started tickling him and he was looking at me sharply but he's teeth were slowly showing.

"Tigil na." natatawa niyang sabi at kinuha ang kamay ko na sinusundot-sundot ang tagiliran niya. I crunched my nose when he slowly intertwined our fingers.

Nang hindi makuntento ay tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Huminto siya sa likuran ko at kinubkob ang leeg ng kanyang braso. Samantalang ako ay ang baywang niya ang kinubkob ng mga braso ko.

He was looking at the magazines in front of us kaya napatingin na rin ako roon.

"I was thinking if you want to become one of them." he said and jerked his head to look at me straight to the eye.

My embrace on him loosened. Kunot noo ko siyang tiningnan. He licked his lips and nodded his head at me like he's giving me an affirmative answer.

"Cuz if yes, it suits you."

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now