Chapter 28

3.2K 103 0
                                    

Araw ng Biyernes. Huling araw para sa buwan na ito. Pakiramdam ko ay huling araw ko na rin.

Mag-i-isang buwan na simula nang ma-ospital si Tatay. Habang tumatagal siya sa ospital ay dumarami na rin ang pinagkakautangan namin.

I sighed when I saw disconnection letters slipped under the flowerpot. I looked at them one by one na kaagad ko ring pinagsisihan. It weighed me down even more. Mas mabigat pa sa mga bayarin namin.

Binuksan ko ang tahimik at madilim na bahay 'tsaka pumasok na sa loob. Masyadong madilim ang buong bahay. Walang pinagkaiba sa pinagdaraanan ko ngayon. I searched for the emergency light and turned it on.

Umupo ako sa dining table at sinimulang kalkulahin ang mga bayarin at iniisip kung paano pagkakasyahin ang natitirang pera para sa lahat. Huminga ako nang malalim at ibinagsak ang cellphone.

I placed my elbows on the table as I rested my hands on my temples. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko mapagkakasya ang naiiwang pera para sa lahat.

'Di bale. Ilang buwan na lang makaka-graduate ka rin Lav. Kaunting-kaunti na lang, makakatulong ka na.

Sa malalim kong pag-iisip ay bumulabog sa'kin ang sigaw at iyak ni Nanay sa labas. Tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Bumungad sa'kin si Nanay hawak-hawak ng isang lalaki ang buhok. Nasa harapan niya ang isang grupo ng kalalakihan. Sa nasasaksihan ko ngayon ay nakukuha ko na ang nangyayari.

Sa mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang punta rito sa bahay ng mga taong pinagkakautangan ng mga magulang ko. Hindi na bago ang ganitong senaryo pero ito na ang masasabi kong pinakamalala.

"Sabihin mo sa asawa mo, magpagaling kaagad. Baka," he scanned my mother's body.

"Wala na siyang uwian."

My forehead creased with what I heard. I immediately neared them.

"Nay." I called. She looked at me with horror. My eyes went to the group of men who are now scrutinizing me thoroughly. Animo'y isa akong mamahaling kotse sa isang car show.

"Pumasok ka na sa loob Lavienna." si Nanay na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ng lalaking mahigpit na humahawak sa buhok niya.

"Saan ka tinago ni Arman at ngayon lang kita nakita?" a man spoke.

I felt disgusted with the way he looked at me. Unti-unti niyang binitawan ang buhok ni Nanay at lumapit sa'kin. 'Tila nakalimutan na ang tungkol sa utang.

I took a step back when he stepped forward.

"Wala akong maibibigay sa'yo ngayon Henry." my mother tried to get his attention. She even held his shoulder but the man just evaded it. He never left his eyes off me so as his company.

"Itong anak mo..."

I jumped off when he pulled the collar of my shirt. Pumikit ako nang inilapit niya ang mukha sa'kin.

"Puwede na 'to." he smirked and made a fist bump with one of his companions.

"Puwedeng-puwede." he laughed.

"Mga tsonggo."

I opened my eyes when I heard that voice. Tumingin kaming lahat sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"I mean, mga tsong." he laughed and scratched his head.

Alric in his red basketball uniform showed up at the right time. Thank god. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ipinagpasalamat ang pagpunta niya sa bahay.

Nakasukbit sa isang balikat ang duffel bag at halatang kagagaling lang sa isang game dahil pawisin pa ito. Kunot ang kanyang noong nakatingin sa'kin at malalaking hakbang ang ginawa upang mabilis makalapit sa amin.

Tumigil siya sa aking tabi at unti-unting tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa damit ko.

"Teka lang ga...go." he murmured the last syllable and faced me.

Kumunot ang noo ko nang may panahon pa siyang pagpagin ang naduming damit at plantsahin ng kamay ang nalukot na kuwelyo.

I know that move. He's indirectly insulting the man in front of us. Alric and his damn moves.

Gusto ko siyang pagsabihan na hindi ito ang tamang oras para galitin pa lalo ang mga kaharap pero ayaw ko ring malaman nila na ganoon nga ang ginagawa ni Alric.

When he got satisfied insulting the man, he faced them.

"Sino ka?" the leader asked.

Alric chuckled and made a step forward.

"Mga babae lang ang nagtatanong sa'kin niyan. Babae ka ba? Interesado ka ba sa'kin?"

"Ano?!"

I startled when the man's voice thundered. Balak ko na sanang pumagitna at pigilan si Alric sa mga sasabihin nito na siguradong ikakasira ng pagmumukha niya pagkatapos.

Lima sila at mga maskulado rin. Alam kong basagulero si Alric pero kung mag-isa siya ngayon ay paniguradong bugbog sarado siya.

Pero bago pa man ako makagalaw ay tinulak na niya ako palayo. Parang binibigyan na 'ko ng pagkakataon na tumakas.

"Kung interesado ka nga ay pasensya ka na dahil 'di ako nagpapa-book. Balik ka na lang sa susunod na taon. Baka magbago ang isip ko at bigyan kita ng discount."

I pulled Alric's shirt to catch his attention.

Lumingon din siya sa'kin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" I hissed at him.

"Maniningil. Sasaktan ka na e." galit niyang saad.

"Sila ang naniningil sa'min Alric. May utang kami sa kanila." malumanay kong pagpapaintindi sa kanya.

"Tss." galit niyang inalis ang kamay ko sa damit niya at hinarap ang lalaki ng mas kalmado.

"Mga bossing." his friendly tone engulfed my ears.

I scratched my brows while looking at him. Kung kanina ay naghahanap ng ayaw, ngayon ay halos maging tuta na siya dahil puro pagtango lang ang ginagawa habang nakikinig sa sinasabi ng kaharap.

Nang makahanap ng pagkakataon ay mabilis kong inilayo si Nanay at dinala papasok sa loob ng bahay. Babalik na sana ako sa labas para kay Alric nang sumunod din siya kaagad. Mukhang napaalis na niya iyong naniningil. Hindi ko alam kung paano.

"Makabayad kayo ng utang, sabihan mo ako. Babalikan ko ang mga tarantadong 'yon." simula niya at lumapit kay Nanay para magmano.

Bumuntong-hininga ako at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig.

"Bakit 'di mo sinasabi sa'kin na ganito na ang nangyayari, Vien?" he followed me.

"Ayos lang kami." sabi ko at humarap sa kanya. Pilit akong ngumiti sa kababata.

"Alam kong hirap din kayo. Ayaw na naming makadagdag sa problema˗"

"Kalokohan." inis niyang asik at lumapit sa'kin.

He held my shoulders and made me look at him.

"Sabihan mo lang ako kung may kailangan kayo ni Tita. Ako na muna ang Tatay mo ngayon habang tulog pa si Tito at boyfriend mo na rin dahil busy sa med school si France." seryosong sabi nito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingala na lamang.

Nakakainis. Kaya ayaw na ayaw kong nagseseryoso ang isang 'to e. Nakakaiyak. I quickly wiped my tears and pulled her hair. Nasama sa paghila ko ang itim na sunreo niya kaya kumawala ang buhok niyang naka top knot.

"Shit." he brushed his hair back. May gusto pa sanang idugtong kaso pinigilan na lang ang sarili nang makita ang itsura ko.

I smiled and pushed him once more. Instead of giving him a hug to show my appreciation, I just want to hurt him.

Kagaya ng sinabi niya ay naging instant Tatay at France ko nga siya. Kahit ayaw niyang sabihin alam kong ilang beses na siyang tumatanggi sa mga gig niya para lang masamahan akong bumantay kay Tatay, sunduin sa Almendarez Building kada tapos ng internship ko at samahan kami sa bahay ni Nanay.

Habang tumatagal, pahirap na nang pahirap ang buhay. Animo'y walang katapusan. That's why I'm trying to convince myself that all of these hardships I am experiencing right now are usual. It does happen to all. It is just a phase. Na balang araw ay malalagpasan din. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag iyon ang iniisip ko.

But there will always come a time when I feel that the world is really conspiring to make me suffer. The world is aiming for that, to push me until I reach the edge of the cliff. Just one single blow and I'm down.

Bakit ganoon? Kung sino pa ang inaasahang makakapitan mo ay sila pa ang tutulak sa'yo ng tuluyan.

A woman in gingham dress is in front of me. It's already eight in the evening but her hair is still clean, her makeup is still on and she's still wearing her accessories. Base sa ayos niya ay mukhang kakauwi lang niya o ganito na talaga siya mag-ayos kahit sa bahay.

I stopped from eyeing her when she crossed her long legs. She put down her cup of tea on the center table between us.

Tita Armina sighed and looked at me with pity.

"This is what I do not like with your father Lavienna." simula nito.

Sa simula pa lang, sa unang bitiw pa lang ng mga salita niya ay alam ko na ang kahihinatnan ng pag-uusap na 'to.

"Suwail na ngang anak, pati ba naman pagiging kapatid." ang palapulsuhan na balot ng gintong aksesorya ang kumuha sa aking atensyon.

Sumunod ang mga mata ko sa bawat galaw noon, hinihintay na dumapo iyon sa purse niya pero hindi 'yon nangyari. Umangat ang tingin ko at nahuli ang nakaangat niyang kilay.

"Hmm." she meaningfully hummed then laughed that made me feel insulted.

"Ignorante ka rin pala kagaya ng Nanay mo."

I gulped and looked away. I wanted to argue with her. I wanted to defend myself. Gusto kong sabihin na ang kamay niya ang sinusundan ko ng tingin.

Pero kahit ipagtanggol ko ang sarili ay alam kong may masasabi at masasabi pa rin siya. Kaya minabuti ko na lang ang manahimik.

"Siguro ay ganoon talaga kapag pinagkaitan ka. Sinasabi ko naman kasi lagi sa Tatay mo noon, mag-aral ng mabuti." kinuha nito ang check pad at nagsimulang sulatan ito.

This is fine Lav. You can bear all her insults for money.

Money. I needed money. At times like this, I must set aside my pride. Walang mangyayari kapag pinairal ko ang pride. 'Di ko mababayaran ang utang namin kapag pride ang uunahin ko.

"Kaso ano? Pinairal ang pagmamahal sa Nanay mo. Ngayon? Saan siya dinala ng pagmamahal na pinagmamalaki niya?"

I smiled bitterly. I hope she feels the same love my mother and father have for each other. Too bad for that she didn't. Too bad.

Dinala man kami sa kahirapan ng pagmamahal ng mga magulang ko para sa isa't isa, kahit papaano ay masaya kami kahit mahirap. Mas mainam na 'yon kaysa dinala ka sa kayamanan na mayaman din sa hinagpis at poot.

"Kaya kung ano man ang nararanasan niyo ngayon, sa tingin ko ay bagay lang sa inyo." sabi nito 'tsaka isinara ang takip ng ballpen matapos pirmahan ang tseke.

She threw the check in front of me and it feel onto floor. I looked at her and she cocked a brow.

"Hindi ba't iyan ang hinihingi mo? Ayan na." she said and pointed at the check on the floor using her head.

I shut my eyes and exhaled deeply. Lumuhod ako at pupulutin na sana ang isang pirasong papel nang apakan niya ang kamay ko. I looked at her both in shock and pain.

I shrieked in pain when her scarpin heel dug in my hand when she stood up. I bit my lower lip as tears cascaded over my cheeks. Iyon na siguro ang pinakamatagal na tatlong segundo ng buhay ko.

"My baby!" rinig ko ang magiliw nitong boses 'tsaka pinakawalan ang kamay ko para lumapit sa anak na kadarating lang.

I know she meant it but she tried to act like she didn't step on my hand. Pinulot ko ang tseke gamit ang isang kamay at tumayo na. Mabilis kong pinunasan ang luha gamit ang isang kamay 'tsaka humarap sa mag-ina.

I looked at Yuna. She's becoming more beautiful each day. A white satin short dress and gladiators made her dazzling. Walang panama ang suot kong jeans at puting tee ngayon.

She was looking at me while her mother was kept on asking how was her day. Parang hindi ito nakikinig sa sinasabi ng ina dahil ang mga mata ay nasa akin. 'Tila gulat na gulat na makitang nandito ako ngayon sa loob ng bahay nila. O gulat na makita ako pagkalipas ng ilang buwang hindi pagpaparamdam.

"What are you doing here Lav?" she asked.

"Well, Arman's in the hospital. They need money." kaswal na wika ni Tita Armina habang sinisipat ang anak kung may kamalian ba 'to sa katawan o sa bisti nito ngayon. Nang masuring wala ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"By the way, where's Michelle? I received a call from Daffodils and you're what? Ignoring them?" sinundan nito ang anak na marahang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

"Well, I was thinking if I shall only accept international brands to model?" she confidently asked and sat on a single sofa near me.

"Oh?" gulantang na sabi ni Tita. Nang makabawi sa gulat ay mabilis itong tumango. "That's a good idea! Let's do that then."

Her eyes darted at me. I forced a smile and as a return, she faked a smile. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang nag-iba sa'kin. Pilit kong binabalikan ang mga huli naming engkuwentro. Kung may nasabi ba akong hindi maganda kaya ba nagiging ganito ang tungo niya sa'kin. Pero wala naman akong maalala.

"Aalis na 'ko, Tita." baling ko kay Tita Armina bago kay Yuna. "Yuna." I said and turned to them.

"I heard you submitted a portfolio to Lustrous."

That stopped me.

Alam niya?

Tita Armina laughed. "Really?" ang pang-uuyam ay nasa kanyang boses. Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang mga mata nilang nasa akin. Tumatagos.

"Oh well, good luck with that." she shrugged. I know she didn't mean it.

Umalis ako sa malaking bahay nila dala ang tseke. I was walking across the village and chose to rest when I saw a bench at the wayside.

Ang maliit na poste sa tabi na may dimmed light ang ginawa kong tanglaw habang sinusuri ang sugat sa kamay. I think I broke some bones in my hand. Kumikirot sa tuwing igagalaw ko ang kamay.

Sana bukas ay maging okay na 'to o sa makalawa. Hindi ako puwedeng magkasugat o magkasakit ngayon. I was busy taking care of others. I don't have time to worry myself. Wala iyon sa listahan ko.

'Tsaka wala namang mag-aalala sa'kin maliban sa sarili. Kung mayroon man ay ang mga magulang ko. Pero sa nangyayari sa kanila ay imposibleng pagtuunan pa nila ito ng pansin. Hindi pa naman ako iyong tipo ng babae na magkapasa lang ay may lalaki nang iigting ang panga sa galit. Madapuan lang ng lamok ay dadalhin na sa ospital.

I find those things absurd but I admit I want to feel that as well. I want that kind of protection and security. Palagi na lang kasing ako ang nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa iba. Gusto ko rin namang maramdaman 'yon.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa itaas. The dark sky was sprinkled with stars. Ang sarap abutin. Parang pangarap.

Hindi ko alam kung gaano katagal kong tiningnan ang mga nagkikislapang tala sa kalangitan nang may napagtanto ako bigla. Napagtanto ko na may mga pangarap na hanggang pangarap na lang siguro. Na hindi lahat ng pangarap ay natutupad at kailangang tuparin.

Siguro ay ganoon ang modeling sa'kin. Dahil hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay sinusuka na 'ko palabas.

"Pasensya ka na talaga hija. Marami lang talagang aplikante ang Lustrous ngayon kaya napaka-imposibleng mapansin ang sa'yo."

Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay na nasa kandungan. I started playing my fingers as he dishearteningly daunted me.

I know it was hard to be noticed by the agency but he didn't have to discourage me even more. I don't think that's necessary.

Una pa lang ay siya na mismo ang lumapit sa'kin upang alukin ako tapos ngayon, sa halip na bigyan ako ng pag-asa ay kabaliktaran ang ginagawa niya.

I know he will give me a call right after he receives a confirmation of my portfolio from the agency. It's just that I want to check myself if there is. Baka nakalimutan niya akong tawagan dahil busy siya sa trabaho niya.

"Bakit hija? May problema ba?" Sir Quen asked.

Umangat ang tingin ko sa kaharap at binigyan ito ng pilit na ngiti.

"May problema lang po sa bahay." I hesitantly said. I wasn't eloquent. Lalo pa't kapag problema ko ang paksa. But there's something in his voice that forcing me to speak up.

"Pera ba?" kung kanina ay wala siyang pakealam sa sadya ko sa kanya, ngayon ay naging interesado na ito. Sir Quen leaned over his table like he wanted to spill a secret to me.

"Mayroon akong alam na ibang pagkakitaan maliban sa modeling hija." he whispered and slid a card over the desk.

My forehead creased. Bumagsak ang tingin ko sa maliit na papel.

"It's a high-end escort company." he explained. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Escort company?

"Mabilis ang pera rito hija. Habang hinihintay mo ang tawag ng Lustrous ay puwede kang mag-trabaho˗"

I stood up.

"Hindi po ako interesado." pinal kong wika at handa ng umalis.

"This is a tried-and-true escort agency. Maging ang ilan sa mga model ng Lustrous ay rito rin nagtatrabaho bilang escort."

"Aalis na po ako." paalam ko at tinalikuran na ito.

"If you just say yes now Lavienna, hindi pa man natatapos ang araw ay nasisiguro kong may pera ka na kapalit ang ilang oras mo. It's an easy money."

Umiling ako at umalis na sa kanyang opisina. Wala sa isip ko ang mga ganoon.

Babalik na muna ako sa ospital para palitan si Nanay sa pagbabantay kay Tatay. Sumaglit lang ako rito para magbaka sakali dahil dumarami na talaga ang pinagkakautangan namin.

My pace was slow. I wanted to take my time before I see my father. I went inside the hospital and headed to the right wing where was my father's. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita kong kasama ni Tatay.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now