Chapter 8

3.7K 135 11
                                    

"Ayoko ng ganyan Love." Ani France nang sabihin ko ang plano.

"Hmp. Ang duwag mo naman. Bakla ka ba?"

Usually, this tactic works on romantic movies. 'Yong aasaring bakla ang lalaki tapos hahalikan niya ang babae para patunayan na hindi siya bakla. Pero hindi iyon ang nangyari.

Tiningnan niya ako ng masama at pinitik ang tainga ko.

"Gusto mo lang yata ng halik." he smirked and drank his cup of black coffee.

I looked at him in awe. Napakayabang. Ilang beses na naming itong pagkikita at habang tumatagal ay nakikita ko na ang ibang side ng ugali niya.

He wasn't that kind and all. Hindi lang siya puro pros, may cons din sa kanya. May pagka pilosopo at mahangin din. But on top of that, he was just being playful.

I like this bond we're building. I like this friendship. Parang bigla kong naalala sa kanya si Miko at Hope. That kind of friendship I know would last.

"Hoy!" idinuro ko siya. "Aminado ako na crush kita noon. Noon 'yon!" I truly said.

"Hmm?" He raised his brows.

"Ha!" I folded my arms over my chest and snorted.

Humalakhak siya at napailing na lamang. Katatapos lang ng klase namin pareho at dito kami madalas sa eatery nagkikita. We're talking about studies and Kelly.

Ayaw naman niya sa mga plano ko kaya hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang gawin kay Kelly. Mukhang ayaw naman niyang itaboy dahil palagi naman niyang 'di sinasang-ayunan ang mga plano ko.

"Ayaw mo talaga sa plano ko?" pangungulit ko habang naghuhugas kami ng pinggan.

Inutusan ako ni Nanay na maghugas ng pinggan at nagkusa naman si France na tumulong. Wala na rin naman siyang makausap kung iwan ko siya mag-isa sa mesa namin kaya tumulong na lang sa'kin.

"Come up with a good one plan, I might consider that." aniya at naglagay ng dishwashing liquid sa sponge at pinabula iyon.

"Gamitin mo ko-"

"Tss." Putol niya sa sasabihin ko at nagsimula nang maghugas ng pinggan.

"'Di pa nga 'ko tapos!" I closed my eyes when group of bubbles struck into my eyes.

"Kung hindi magpanggap na girlfriend, gagamitin naman kita para pagselosin siya." he continued blabbering while I was busy wiping my eyes with the back of my palm.

Madaldal din pala ang isang 'to.

Tumigil lang siya sa paghugas nang mapansing hindi na 'ko gumagalaw.

"Patingin." he neared me and held my face. I looked up with one eye open.

"Buksan mo ang isa." sabi niya at kaagad ko namang ginawa.

"Bend over the sink." he ordered so I quickly did. He turned the faucet on.

"Tilt your head to the side and keep your eyes under the running water."

He made sure that my eyes had been flushed completely kaya ang tagal na nasa ganoong posisyon kami. Hindi ko alam kung bakit na-tense ako roon ng kaunti.

After that he started wiping the liquid all over my face using a clean cloth. Our faces were just inches apart.

I swallowed my gasp when I looked at his eyes. I could almost see my reflection in the irises of his eyes because of our closeness.

"France." bulong ko.

"Hmm?"

"Alam mo namang hindi ako bato. Pa'no kapag crush kita ulit, i-crushback mo na kaya ako?"

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now