Chapter 21

3.3K 108 12
                                    

"This is fun." Taly giggled. I looked at her with sharp eyes.

If this is her own kind of fun, well not to me. Hindi ako natatakot sa kalalagyan ng tatlo dahil alam kong may panama sila. Laki sa gulo si Alric at mukhang tarantado rin si Jo.

But France. I don't know with him. He had never been that violent. Mukhang ang panata ng isang 'yon ay nadadaan ang lahat sa magandang usapan. But the way he acted earlier, he just broke his vow.

Akala ko ay kilala ko na siya pero sa nakita ko kanina ay hindi ko na alam. I don't know that he's capable of doing that.

Ang puting sapatos ay balot na ng putik dahil sa kakatakbo. Ang isang plastic ng pinamili kong rekado ay may butas na kaya nagkandahulog ang iilang laman nito.

Nang makarating kami sa parking ay kanya-kanya kaming upo sa gutter. Parehong pagod at tagaktak ang pawis sa katatakbo. Hindi pa man kami nagtatagal sa pagkakaupo ay dumating na ang tatlo.

Harvey and Alric are laughing while France is still in bad mood. Huminga ako ng malalim nang makitang wala silang pasa o kung anumang nakuhang sugat sa pakikipag-away.

Ang namumuong kaba ay mas lalo pang nabuhayan nang magtama ang tingin naming dalawa. His face looked grim, a heads up that he is really mad.

Ganunpaman ay tumayo pa rin ako at hinanda ang sarili upang salubungin siya ng sorry nang unahan niya 'ko.

"Are you alright?" he asked that made me stop.

"Uh," I creased my forehead and scratched my head a bit.

"Hindi ka galit?" I asked, confused with the concern he has right now. Akala ko ay papagalitan niya ako kagaya ng kanina.

"Well, I am." he licked his lips and frustratedly brush his fingers through his hair before he wore his cap.

"Sorry." sabi ko at yumuko. Hindi ako sanay ng ganito. Palagi ko siyang iniinis pero ito lang ang pagkakataon na nagalit siya sa'kin. Hindi ko naman kasi talaga alam na may manghihipo sa akin.

Ayoko rin namang isipin agad na binabastos ako dahil hindi naman ako nakasuot ng maiksing short na siyang pagkakamali ko. Dahil sa nangyari ngayon ay napagtanto ko na kahit ano pa ang suot mo, kung bastos talaga ay bastos talaga.

He cupped my chin and made me face him. I puckered my lips even more when I saw how serious he was.

"Para sa?" he urged me to speak up.

"Galit ka eh."

Tumango siya at inilayo ang tingin sa akin.

"Hindi ako galit sa'yo Love. I'm sorry if I made you feel that way." sabi niya at marahang inilipat ang kamay na nasa aking baba sa aking pisngi at marahang hinaplos iyon.

"Sorry if a man had to treat you like that. Sorry if I had to lash it out on you. I was furious when I saw that with my own eyes. Nawala ka lang sa paningin ko at makikita ko na may humihipo na sa'yo at... at hinahayaan mo lang."

"Hindi naman sa hinahayaan, ayaw ko lang isipin agad na gano'n. Baka naman hindi sinasa-"

"Tss."

I puckered my lips. Bakit ang sungit niya? Si Alric na kababata ko ay nagalit man pero nakakatawa na ngayon. Bakit siya ay hindi?

"Bakit..." I trailed off.

Ituloy mo pa.

"Bakit ka galit?"

He arched his brow. "Tinatanong mo sa'kin ngayon 'yan?" he asked in disbelief.

"Eh parang ang possessive mo."

Shit. Sana ay hindi ko na lang tinanong dahil mas lalo lang kumunot ang kanyang noo. Puwera sa inis ay 'tila hindi pa nakuha ang ibig kong sabihin.

Pero sige lang Lav. Diretsuhin mo na. Baka ngayon ay magtagumpay ka.

Huminga ako ng malalim 'tsaka pinantayan ang mga tingin niyang nag-a-alab.

"E sa hindi naman... kita boyfriend... 'di ba?"

This is me, low-key asking for label.

I caught how he was taken aback by my question. Mukhang hindi inaasahan ang naging tanong ko. Dahil nitong mga nakaraan ay hindi ko na nabubuksan ang paksang ito.

My lips twitched when I realized that I really don't settle for less. Akala ko ay kuntento na 'ko sa ganito, sa kung ano mang mayroon kami pero hindi pa pala.

Dahil ang totoo ay natatakot pa rin ako. Sa huli ay kailangan ko pa rin ng kasiguraduhan na hindi niya mabigay-bigay.

"I don't need to be your boyfriend to protect you." sabi niya nang makabawi sa pagkagulat.

"To be possessive?" I added.

"Am I being possessive?" he asked. "Protected, yes but not possessive. Magkaiba 'yon."

Well, that's point taken. Ano pa nga bang aasahan ko? I chuckled and shook my head.

"Another refusal." I mumbled to myself.

Buong biyahe ay tahimik kami. Ibang-iba sa ingay namin kanina noong papunta pa lang kami. Nang maiparada niya ang motor katabi ng kay Alric, hindi pa man namamatay ang makina ay bumaba na ako at tumuloy sa balon para linisan ang gilid ng sapatos.

Ibinagsak ko ang panalok at nagsimulang hilain ang lubid. Kinabahan ako nang makita siyang papunta rin dito.

Bakit pa kasi siya sumusunod? Puwede namang tumuloy na siya sa loob ng bahay.

Hindi pa nga ako nakakaahon sa pagkapahiya kanina. Umasa ka na naman kasi.

Binilisan ko ang paghila sa lubid at halos mabuhusan ako ng tubig sa 'di inaasahang pagdating nito sa aking harapan.

Sinimulan ko nang linisan ang sapatos nang makalapit siya sa balon. He placed the key over the roof of the well before he neared me.

Kinuha niya ang panalok sa'kin na walang sabi-sabi at siya na mismo ang naglinis ng sapatos ko. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon hanggang sa matapos siya. We were both silent 'til he killed the silence between us.

"May nasabi ba 'ko?" he lifted his head and met my gaze. His eyes, it scintillates.

Unang gabi namin sa lugar na ito at napansin ko ang kaibahan ng liwanag ng buwan dito kaysa sa siyudad. Mas kapansin-pansin ang liwanag nito.

"Did I say something offensive?" ulit niya nang hindi siya nakakuha ng sagot sa'kin.

"You're silent." sabi nito, ang mga mata niya ay nasa akin pa rin, nananantiya.

Ngumiti ako. "Wala, pagod lang." rason ko at humikab pa para mas maniwala siya na pagod nga lang talaga ako.

He stood up. "So, we're good?"

I smiled and nodded my head. "We're good."

I may do not have the right not to be good but I have the reason to feel this way. But I chose to keep it to myself.

Sabay kaming naglakad patungong bahay. Dumadaan kami sa path patungong bahay nang biglang umilaw ang buong garden.

Hindi ko napansin kanina na may fairy lights pala na nakapaligid sa path, hedge at arbor ng garden. Ang fountain at bird bath na kanina ay wala pang buhay ngayon ay may sumasayaw at lumalagaslas ng tubig at may ilaw pa sa ilalim ng tubig nito. It gives the water a different color. Sa bawat edge ng bakuran ay may lamp post kaya mas lalo pang lumiwanag ang buong kabahayan.

I am starting to like it here.

Nasa terrace pa lang kami ay rinig ko ko na ang ingay sa loob ng bahay.

"Ayaw niyo pang maniwala. Si France tanungin niyo."

I started untying my shoelaces and taking off my shoes. Itinabi ko iyon sa gilid at sinuot na ang tsinelas dahil malamig ang marmol na sahig. Tumayo ako ng tuwid at nagulat na hinihintay niya pa pala ako. Akala ko ay pumasok na siya.

Nalipat ang tingin sa amin ng lahat nang pumasok kami.

"O si Vien tanungin niyo." Alric "'Di ba Vien? Si France unang nanuntok?"

"Kasi inuto mo."

"Pucha naman Tep. Ganyan na ba kabanal tingin mo kay France? 'Tamo, halikan mo Ry si Vien. Tingnan natin kung 'di manuntok." biro ni Alric pero walang natawa ni isa sa amin.

"May nasabi ba 'kong mali?" he asked but no one answered him.

He laughed awkwardly and snapped his fingers as if he remembers something.

"'Yong sinaing, check ko lang." mabilis niyang paalam at pumuntang kusina.

Sumunod ako kay Alric sa kusina para tulungan sila sa paghahanda ng hapunan. Tatlo lang sila ni Raven at Harvey habang sila Rain ay nilalaro ang piano.

"Tss. Ang bobo. Hiwain mo ng ganito." turo ni Alric kay Harvey.

"Puta. Alam ko."

I shook my head and neared them.

"Hindi kaya maglasang mura ang ulam natin ngayon?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanila. Tumayo ako sa tabi ni Raven, sa harapan ng dalawa.

I stopped myself from laughing when the carrot flew. Hindi ko alam kung pa'no nangyari pero lumipad na lang sa kung saan iyong gulay na hinihiwa ni Harvey.

"Shit. Lumayas ka nga sa tabi ko. Sinisira mo diskarte ko." pananaboy ni Alric.

Kinuha ko ang isang kutsilyo at ako na ang nagpatuloy sa paghiwa ng carrot.

"Tutulong nga ako!"

"Tawagin mo na lang si France pre. Makakatulong ka. Napakalaking tulong."

"Tangina mo."

Umalis nga si Harvey para tawagin si France ay siya namang pagsulpot ni Taly.

"What's for dinner?" she asked and neared Alric.

"Ulang at sugpo."

"What are those?"

Alric chuckled and glanced at her. "Lobster and shrimp."

"May gusto ka pang iba?"

Umiling siya. "That will do." sabi nito at handa nang bumalik sa loob nang hatakin siya pabalik ni Alric.

"Sa'n ka pupunta?"

"I'll do my skincare."

"Mamaya na. Tumulong ka muna rito."

"You know that I don't cook, right?"

"Balatan mo na lang 'to."

I was listening to them as they conversed. Taly isn't the nicest. Hindi ako ganoon kapabor sa relasyon nilang dalawa. Hindi sa ayaw ko sa kanya. Ayaw ko lang sa mga mangyayari, sa mga sitwasyon kung saan niya dadalhin si Alric dahil alam kong mahihirapan ang kaibigan ko sa mga susunod.

Umangat ang tingin ko nang marinig ko ang pagtawa nilang dalawa. Ngumiti ako nang makita ang henuwinong ngiti ng dalawa. Pero kung mahal na mahal niya ang kaibigan ko, wala na ring saysay itong nararamdaman ko.

Alric is embracing her, teaching her how to peel the apple.

"I know I'm suck at this. I might cut myself."

"Hmm. Sundan mo lang 'yong kamay ko."

Taly groaned, trying to show that she didn't like it but I knew better. Gusto rin ng isang 'to e.

"Kung hindi ka matututo ngayon. Sino'ng magbabalat ng mansanas para sa'kin kapag matanda na tayo, huh?" Alric said.

I laughed when I heard Taly gasped and saw how her face reddened with what Alric said. She was too transparent. Siyang-siya naman ang isa sa nakikita niyang epekto niya kay Taly.

"Nawa'y lahat." hindi ko mapigilang i-komento.

Nginisian lang ako ng kaibigan at pinagpatuloy ang pagtuturo kay Taly na mukhang hindi pa nakakabawi sa sinabi ni Alric.

"You're saying that yet you have France." sabi ng katabi kong si Raven na kanina pa tahimik at ngayon lang nagsalita.

Tumawa ako at gusto sanang sabihin na expression ko lang 'yon pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit parang ang bitter?" I playfully asked. Ang alam ko ay walang siyang girlfriend dahil kung mayroon man ay sana kasama namin ngayon dito 'di ba?

"I'm not. I just find your words contradicting to what you have with France. Is he making you unhappy?" tanong niya at lumingon sa'kin.

Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya.

"We're good." I said, unsure. I know that he wasn't convinced with my answer. Maging ako ay hindi rin kumbinsido.

"If you say so." he shrugged and continued mixing the sauce for the lobsters.

"Ikaw? Don't you have your own version of Hope and Taly?" paglilipat ko ng paksa sa kanya.

Sa mga ganitong usapin ko mas gustong pag-usapan ang tungkol sa kausap kaysa ang sa akin. It is just that I am not comfortable to show myself to them. I am not that vocal with my own feelings to anyone dahil 'di ko alam kung interesado at may pakealam ba talaga sila o curious at nakikitsismis lang.

"Well, I do have." he admitted that made me shock a bit. Akala ko ay wala talaga siyang girlfriend ngayon.

"Talaga?"

"Uh yeah?" he chuckled.

"Nasaan? Bakit hindi mo dinala?"

"They're here." sabi niya at lumingon sa salas kung nasaan ang iba.

"They?" gulat kong tanong. Hindi ko alam na...

"Rain, Step and Eve. My girlfriends." he smirked.

My mouth turned into an o when I realized that he's playing me.

"I mean girlfriend hindi kaibigang babae." I corrected.

Pilosopo rin nito e.

"I have girls to be taken care of. I will not need another one."

Sandali akong tumigil sa ginagawa at tiningnan siya.

"So you don't see yourself having a girlfriend? As in now?" I curiously asked.

Raven is a catch. Imposibleng walang nagkakagusto sa kanya sa St. Augustine. Intimidating at first but... oh well maski ngayon ay intimidating pa rin siya.

Hindi siya katulad ni France na mabait sa lahat. Si Raven kasi kung sino lang ang kaibigan ay roon lang mabait. Kaya siguro natatakot lumapit ang mga babaeng may gusto sa kanya.

Pero kahit na. Kung gugustuhin niyang magka-girlfriend ay hindi iyon imposible sa kanya.

"I was thinking if I get a girlfriend now, I will be too preoccupied with her that I can't watch Rain, Step, Eve and Aesthrielle. Since Jo has Hope, Alric got her..." he paused and looked at Taly before he looked at me.

"And France's into you."

Sigurado ka ba riyan? I wanna ask.

"No one's gonna watch them when I get a girlfriend."

Hindi ko mapigilang titigan siya, namamangha.

"Ang selfless mo pala." I just couldn't help myself complimenting him. Ang suwerte ng tatlo kay Raven. He seems not to care with them cuz he always ignores them but he does. He really does.

"I'm not good as you think. I just don't want the same mistake happen again."

Tumango ako sa sinabi niya kahit hindi ko iyon masyadong naintindihan. Mas pinili ko na lang na huwag nang ungkatin pa iyon.

"So you really don't see yourself getting married and having a family of your own?" mangha kong tanong. Ang lungkot kaya no'n. Tumandang mag-isa at walang anak na mag-aalaga sa'yo. Ang tapang ng mga taong piniling mag-isa sa buhay.

Tiningnan lamang niya ako at umiling na parang natatawa sa tanong ko.

Nakakatawa ba 'yon?

"May possibility na hindi ka mag-a-asawa? As in? Like forever?" ulit ko nang wala akong makuhang sagot sa kanya.

He looked at me, amused before he looked over my shoulder.

"Sinong hindi mag-a-asawa?"

I startled when I heard his voice after a while. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. France was standing behind me. His hair was still damp from the shower. Nasa loob ng bulsa ng kanyang puting sweatpants ang magkabilang kamay. Ang itim na damit ay mas lalo pa yatang nagpaputi ng kulay niya.

"Lav's being interested if I'll get married or not." biglang sabi ni Raven. Gulat ko siyang tiningnan dahil sa kanyang sinabi. He talks calmly yet it makes my heart throb. Hindi dahil sa kanya kung hindi sa magiging reaksyon ni France.

Ramdam ko ang malalim nitong paninitig sa'kin nito ngayon. 'Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang nalipat ang tingin niya mula sa'kin patungo sa kaibigan.

"Bakit daw?" France asked as if I wasn't here. Maingat niyang kinuha ang kutsilyo sa kamay ko. I was about to speak when he cocked his head, signaling me to leave.

What?

Raven chuckled and looked at me with hooded eyes.

"To answer your question Lav, I'm still young to see myself getting married and having a family of my own."

"Change." utos ni France nang mapansin na hindi pa rin ako umaalis.

I looked at him once again before I went upstairs to get clothes to change. Pagkatapos mag shower at gawin ang skincare routine ko ay bumaba na rin kaagad ako.

Nakaupo na sila sa malawak na hapag nang dumating ako... at maingay. Ang chandelier ay nakabukas na rin. Mas nadepina ang ganda ng estruktura ng malawak na dining area.

"Gagawa ako ng pizza bukas!"

"Trekking tayo sa Mt. Flores."

"Sa lagoon muna! Gusto kong mag-swimming!"

"Tas chaolong tayo."

Ang ingay nilang magkakaibigan at ang dami-dami nilang gustong gawin. Magagawa naman kaya namin iyon sa buong stay namin dito?

Umupo ako sa tabi ni France dahil iyon na lang ang bakante. Nagkamay kaming lahat maliban kay Taly. Ang kumikinang na fiber glass na mesa kanina ay makalat na ng shell ngayon.

"Nasaan na 'yong cracker?!"

"Ang ingay."

Lumipad iyong leg ng crabs sa pinggan ni France nang subukan kong putulin iyong isang leg ng malaking alimango.

I smiled at him apologetically.

"Akin na." he said and took the cracker from me. Siya na ang gumawa no'n para sa'kin. Kumuha ako ng hinimay na laman ng lobster at sinawasaw sa sauce na gawa ni Raven.

I nodded my head when it tasted good! I patted France's thigh. Kunot-noo siyang humarap sa'kin.

"Masarap, promise." sabi ko at isinubo sa kanya ang lobster na may sauce. I watched him chew it slowly.

"'Di ba?" I nudged and wiggled my brows.

"It's fine." sabi niya na parang normal lang, hindi masarap.

"Fine is an understatement. Grabe ka naman." dismaya kong sabi. Inaasahan ko pa naman na pareho kaming masasarapan dahil halos same lang ang taste buds namin.

"Ang galing din pala ni Raven sa kusina." I murmured and get the solid spoon to fill my bowl with sauce.

"I can make sauce better."

Tumigil ako sa paglagay ng sauce at umangat ang kilay ko sa narinig.

I turned to him and narrowed my eyes.

"Competitive, aren't we?" I teased but he just leered at me.

Tumawa ako. Ang suplado talaga.

"Orange juice please!" si Taly gamit ang matinis na boses. Nawala ang atensyon ko kay France para bigyan ng juice si Taly dahil ako iyong malapit sa pitsel ng orange juice.

"Oy wala kang yaya rito."

"That's why I said please." maarte niyang sabi.

We spent hours eating. Ang daming kuwento at kung saan-saan nakakarating. May naghahabulan pa at nag-aagawan ng sugpo samantalang ang dami naman no'n sa kaserol. Mga tamad lang kumuha.

Ngayong gabi ay sina Rain, Step at Eve ang naghugas ng pinggan gayong wala pa kaming schedule. Kaya kami na ni France ang nag-volunteer para gawin ang schedule ng dishwasher at cook.

Sa mini library ng bahay namin iyon ginagawa dahil iyon na lang ang tanging lugar sa bahay na tahimik. Magkaharap kami sa isang mesa habang ginagawa ang schedule namin.

Ako ang gumawa ng schedule sa magluluto at siya naman ay sa maghuhugas. Siyempre magkagrupo kami ni France, si Hope at Jo at si Alric at Taly. Siguradong matutuwa ang mga 'yon. They should thank me later. I smiled evilly with that thought.

"Tapos na 'ko sa magluluto. Ikaw?" sabi ko at tinakpan ang ballpen ng cap nito.

Kinuha niya ang papel na pinagsulatan ko para tingnan ang ginawa kong schedule. Wala pang isang minuto na nasa kamay niya 'yon ay nakarinig na agad ako ng komento galing sa kanya.

"Bakit ganito?"

"Huh?" I leaned over the table and took a peek at the paper. "Bakit?"

Wala naman yatang mali sa pag-grupo ko. Okay naman na sa'kin.

"Hindi marunong magluto si Jo at Hope. Bakit mo sila isinama sa isang grupo?"

My lips twitched when he separated the two.

Ay, ang sama.

"Maganda nga na magkasama sila para inspired silang matutong magluto."

"I doubt." he said and continued checking. "Alric and Taly?" tanong niya at lumanding ang tingin sa'kin galing sa papel na hawak.

'Yong tingin niya, parang prof ko na papagalitan ako.

"Taly will just distract Alric." iiling-iling niyang sabi at walang anu-anong inilipat sa grupo namin si Taly.

Suminghap ako. Ano bang problema nito sa mag-jowa? Iisipin ko na talaga na bitter ang isang 'to.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya nang grupo na namin ang sinisipat niya. I caught how his brows furrowed and stopped his eyes from moving.

Ano na naman? May masakit na naman sa mata niya? Ayaw niya rin na magkasama kami? Naku! Kapag ihiwalay niya ako sa kanya e magrarason talaga ako. Hindi naman kami. Bakit niya kami paghihiwalayin? 'Di ba? 'Di ba?

My eyes widen when he opened the cap of his pen and ready to cross out someone's name in our group. Akala ko ay pangalan ko o niya pero nakahinga ako ng maluwag nang lampasan niya lang ang pangalan namin at si Raven ang inalis niya at inilipat sa grupo nila Harvey.

Tiningnan ko iyong schedule niya sa mga maghuhugas. I bit my lower lip when I saw that we're in the same group. Hindi rin kasama si Raven sa'min.

"You should keep it balance. May mga hindi marunong sa'tin magluto at maghugas kaya,"

Ngumuso ako nang may mapagtanto. Bakit kami... pareho kaming marunong magluto at maghugas e 'di dapat paghiwalayin kami para balanse.

I looked at him. He did too.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now