Chapter 25

3.7K 117 5
                                    

6:00 am.

I was still yawning but here I am, washing my clothes here at the side of the well. Marahas kong tiningnan ang salarin sa aking harapan. Late na kami natulog kagabi dahil nag-movie marathon kami tapos alas sinco ay manggigising ang isang 'to at mag-aayang mag-laba?

Mabuti sana kung iba ang gagawin.

I shut my eyes tight and exhaled deeply with the idea. Bakit ko ba biglang naisip 'yon? Ah. I just wanna hit myself when worldly thoughts surround me more.

"Galit ka pa rin?" he nudged me.

Umirap ako at nagkusot na lang ng damit ko.

"Bakit ka nagagalit? Hindi ba't mas mainam na maglaba na tayo ngayon para pag-uwi ay 'di mo na iisipin lalabhan mo?"

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. This guy and his trip. I love him but I just don't get this side of him. Beats me.

Ngayon na hinihikayat niya ako sa mga ganito ay mas lalo ko lang siyang naikukumpara kay Nanay at Tatay. Baka destined talaga siya para maging third parent ko? Guardian ganoon kapag wala ang magulang. Kaya 'tamo na lang ang ginagawa ngayon.

"Mamaya ka sa'kin." sabi ko nang magtagpo ang mga mata namin.

Magkatabi kaming nakatayo sa harap ng washstand. Ilang oras na kaming nakatayo kaya nangagawit na rin ang paa ko at nanginginig na ang kamay sa lamig.

"Tutulungan kita." presenta niya na ikinasimangot ko pa lalo.

"Tutulungan mo 'ko? Oh heto labhan mo bra ko." I said and threw my brassiere to his basin. Hindi ko na napigilan ang tawa ko nang may tumalsik na bula sa mukha niya.

Pinikit niya ang isang mata. Even a side of his lip rose causing his one cheek to bump. Ang cute niya. Nakakagigil.

Pagkatapos no'n ay ngumiti siya sa'kin na parang walang nangyari at kinuha ang bra ko na itinapon sa palanggana niya. Akala ko ay lalabhan niya pero binalik niya lang sa palanggana ko at kinuha ang mga oversized shirts at boxers ko.

"Ako na maglalaba nito."

"Bakit ayaw mong labhan bra ko? Hmm. May naiisip siya." I teased.

Akala ko ay maiinis na naman sa panunudyo ko pero ngumisi lang siya at umiling. Ang mga mata ay nasa palanggana.

"Amfeeling." he whispered.

My eyes widen with what I just heard. Idinuro ko siya gamit ang index finger ko habang ang isang kamay ay nasa harap ng nakabukas kong bunganga dala ng gulat sa narinig.

"Hala. Saan mo nakuha 'yan?" tukoy ko sa language niya. Hindi kasi si France 'yong tipo ng tao na magsasabi ng mga ganoon, 'yong mga nauuso 'tsaka ano ba tawag diyan? 'Yong parang mga balbal words? Ah, ewan bakit ko ba binibigyan sarili ko ng sakit sa ulo.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at ngumiti lang. Nahiya pa. Sinimulan na niyang labhan iyong damit ko at itinabi iyong kanya.

"Ako na. Kahiya naman. Best person mo lang naman ako." biro ko at kinuha ang mga damit ko sa palanggana niya. Para na kaming tanga sa ginagawa. Kukunin, ibabalik.

"Oh shit." I said and stepped back when a large amount of water spilled over my shirt.

"'Yan kasi." sabi niya at mabilis na kumuha ng tuyong damit at nilagay sa ilalim ng damit ko.

I pouted then laughed. Parang buntis na 'ko sa kumpol na damit sa loob ng damit ko.

"Binuntis mo 'ko. Panagutan mo." arte ko pero nakatanggap lang ako ng kurot sa tenga at marahang pagtulak.

Hindi man lang natawa.

"Maligo ka na. I'll finish it."

"Uy may juntis."

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. It was Step in his dye pullover and sweatpants. Suot pa niya ang slider ni Alric. She's holding a beige mug.

Napansin ko na nasa tiyan ko ang mga mata niya. Nang umangat ito ng tingin ay may ngisi na sa kanyang mga labi.

"Ang bilis naman. Kailan niyo ginawa? Kanina? Nakita ko kayo e. Palaging gumigising ng twelve si Lav, bumaba. Ano naman kaya ang ginagawa? Tapos madaling-araw ay may kumakatok sa room-"

"You talk much." France said and covered her mouth.

Her face crumpled. She immediately took his hand off her.

"Pwe. Lasang sabon France." reklamo niya pero ang isa ay walang pakealam. He is busy pushing Step.

"Today's your turn. Nagluluto ka dapat ng agahan, ano'ng ginagawa mo rito?"

Same with Step. Wala rin itong pakealam sa sinasabi ng kaibigan. Ang trip ay mang-asar. Wala naman akong say dahil gusto ko rin naman ang pang-aasar niya.

"Ano France? May aasahan na ba akong Aesthrielle-"

"Nikolai Almendarez." France said the magic word.

I gasped and looked at them in awe.

And just like that, Step shut her mouth. Walang sabi-sabi niya kaming tinalikuran at tahimik na naglakad papunta sa loob ng bahay. Maging ang mga hakbang niya ay 'di ko marinig.

Tiningnan ko si France na nakatingin pa rin sa nilakaran ni Step kahit kanina pa siya nakapasok sa loob ng bahay.

I lightly pushed him.

"Ang bully mo." sabi ko at naglaba na ulit.

"She just won't stop." he sighed and resumed washing. Nang mapansin na naglalaba pa rin ako ay pinigilan niya 'ko.

"Hey, I'll take care of it." tukoy niya sa paglalaba ko.

"Mamaya na. 'Di pa 'ko pagod." sabi ko at nginitian siya. Nakakahiya naman talaga paglabahin siya ng damit ko. Kung nangagawit ako ay ganoon din siya kaya mas maganda na dalawa kaming nangangawit kaysa sa isa lang.

"If you get tired, I'll take over." he gently said and I just nodded my head.

When Sunday came, we attend the Sunday mass. Maaga kami kaya umabot pa kami sa novena. Sayang at wala na kami rito sa darating na kapistahan ng patron ng parokya.

Pagkatapos ng misa ay napagtanto ko kung ano ang makakapagpatahimik sa aming lahat.

Simbahan.

Sa loob ng simbahan ko lang nahanap ang kapayapaan sa'min. Kaya mismong paglabas din ng simbahan ay balik na naman sa ingay ang magkakaibigan.

Bago kami umuwi ay tumambay muna kami sa park sa tabi rin lang ng simbahan. Bumili kami ng dirty ice cream, milk tea, burger, fries at street food. Nakaupo kami sa bench habang silang pito ay nasa bermuda grass lang nakaupo.

They're talking god-knows-what while we're talking about nails, of course.

"I really like your nails." si Taly. Tiningnan ko iyong kuko ni Hope na siyang tinutukoy niyang maganda.

I involuntarily nodded my head. Maganda nga ang kuko at kamay niya. Babaeng-babae at kahit titingnan ko pa lang ang kamay niya sa malayo ay alam kong sobrang lambot.

"I had it glittered last time but Kai said Matte suited me better noong last VC namin." sabi ni Hope at iginalaw ang mga daliring may kulay. Katulad na katulad sa mga nakikita ko sa magazine.

I was sipping my milktea when my eyes caught Step. Lumingon siya sa'kin nang mapansin ang paninitig ko. Kaagad ding umirap nang mapansin ang ngiti ko. Malamang ay narinig niya iyong sinabi ni Hope.

Bumaba ang tingin ko sa mga kuko niyang may matte manicured din. She is trying to hide it when they started showing their manicured nails. I puckered my lips when I think of something.

"I miss that brute." Hope added.

Mukhang hindi lang ikaw ang nakaka-miss sa Kuya mo sa'tin dito Hope. I wanted to say but Step glanced at me like she was expecting me I would say that. 'Yong mga tingin niya ay parang sasabihin ko iyong sekreto niya.

"I think gradient will look good on your nails, Taly." si Hope matapos suriin ang kuko ni Taly.

"Really?"

Ngumiti na lang ako habang pinapakinggan sila at unti-untimg binaba ang mga kamay. 'Di nagtagal ay 'di ko rin mapigilang ibaba ang tingin sa kuko kong walang kulay.

Ako kaya, kailan ako makakapagpakuko? I never had done my fingernails. Malalim kong iniisip ang bagay na 'yon until I felt a hand covered my hands.

I looked at France. Nasa baba ko siya, nakasandal sa bench kung saan ako banda nakaupo. Mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan base sa paninitig niya.

He caressed my hands with his before he tilted his head back. Kaagad na kumunot ang noo niya nang tumama ang araw sa mga mata niya. I bowed my head and tried to cover his face against the sun.

He slowly opened his eyes.

"Do you want it too?" tanong niya, ang mga mata ay direktang nakatingin sa'kin.

"Ng kulay sa kuko?" I asked, ensuring.

"Yeah."

We were talking using our low voices. Natawa ako sa isip. Pati pagpapa-manicure ay pinagdedesisyunan pa talaga.

"Bakit?"

"Kung gusto mo ay puwede naman nating... pag-ipunan? Is it costly?" he innocently asked.

Tumawa ako at mahinang pinidot ang noo gamit ang isang daliri.

"I thought you don't like it? You find it dirty, right? Ayaw mo nga ng tats and studs..." I hold my hair. "Ayaw mo rin ng bleach at highlights so I'm guessing ayaw mo rin ng kulay sa kuko?"

Ano'ng nangyayari? Change of perspective?

"I neither like it nor dislike it." sabi niya at umayos na sa pagkakaupo.

"Hindi ka kaya ganyan noon." natatawa kong sabi. I could still remember then, he despised those things. Ipupusta ko ang buhay ko kung hindi.

"Well you like those. Makes me neutral." sabi niya at tumayo na upang sundan sina Alric at Harvey na nanghiram ng spare na saranggola sa mga bata na kanina pa nagpapalipad ng saranggola sa harap namin. Kanina ko pa napapansin na iyon ang tinitingnan at pinaguusapan nila. Hindi ko alam na maeengganyo para manghiram pa talaga.

"First attempt and you succeed, I'll kiss you on the lips Zavier, hard!"

I looked at Taly. Halos lahat ng nakarinig noon ay gulat na gulat sa kanyang sinigaw. Ang mga magulang ay tinakpan ang tainga ng mga anak at mabilis na naglakad upang lumayo sa amin.

Tiningnan ko si Alric na parang nagulat din sa sinabi ni Taly.

"What?" Taly crossed her arms. Nakatayo na siya, sila ni Hope na parang manonood ng game at handa nang mag-cheer.

I laughed when they failed at their first attempt. Taly was disappointed pero kaagad ding nakabawi nang may naisip.

"It's fine. I'll kiss you anyway."

Rain scratched her head like she wanted to say something but wound up zipping her mouth. Good decision.

Taly's behavior is mostly unacceptable. Minsan ay maayos pero mas marami ang pagkakataon na hindi. Dala na rin siguro na spoiled brat kaya.

Bumalik ang tingin ko sa harap nang mag-ingay na si Step. Si Alric iyong tatakbo para magpalipad habang si Harvey ang may hawak ng saranggola. France is the kite runner. Kawawa nga eh. Hindi siya iyong nagpapalipad pero siya iyong kukuha tuwing babagsak ang saranggola.

Pinapagalitan pa ng dalawa dahil ang bagal ng galaw. Grabe. Ang bully ng dalawa sa kanya.

Meanwhile... Raven.

"Nasa'n si Raven?" I asked them. Dapat ay dalawa silang binu-bully ngayon ni Alric at Harvey.

Eve looked at me. She pointed her left side with a jerk of her head. So I looked at her left and there, I saw Raven sleeping on the bench.

I nodded my head like I understand why he's conspicuously missing. Kadalasan kasi ay kahit hindi siya magsalita ay ramdam ko pa rin ang presenya niya. Ngayon ko lang hindi naramdaman dahil natutulog pala.

Pumalakpak kami nang lumipad na rin ang saranggola pagkatapos ng ilang subok. I gave France two thumbs up and he just pouted while wiping his sweat on his neck with his white handkerchief.

Napagod. Kung sabagay ay ilang rounds din ang ginawa niya sa field para kunin ang saranggola tuwing babagsak.

Nang mag-hapon na ay nag-impake lang kami ng mga gamit namin pagkatapos ay natulog. Una akong nagising dahil sa pambubulabog sa'min ni Rain.

Pinagbibihis niya kami dahil oras na raw para gumala. I just wore a black skirt pants and cami top. I was tying my hair when Taly neared me and suddenly groped my boob!

I swore out of shock while she creased her forehead like she was deep in thought.

"Your boob is bigger than mine? What's your size?" tanong nito at muling hinawakan ang dibdib ko.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. She's in her one shoulder crop top and buckled pants.

"Touch it and tell me who has bigger boobs between us." she insisted.

Sinunod ko na lang ang gusto niya at sinabing mas malaki ang sa kanya. Napapantastikuhan talaga ako sa isang 'to. Hindi naman siguro ito tibo at iba lang talaga ang trip.

After getting dressed, we barged in the room of the boys. They're still sleeping. Magkatabi sa king-size ang tatlo habang si France ay nasa sofa, nakaupo na natutulog.

Rain did the work of waking them up. Parang may gustong gawin ang babaeng 'to. That is for sure.

Hindi nga ako nagkamali nang matapos makapag-ayos ang apat ay narinig ko ang boses ni Rain. Itinatali ko ang shoelaces ko nang sumigaw ito 'di kalayuan sa kinauupuan ko.

"Eh! Dali na! Kami magda-drive." pamimilit ni Rain kay Alric at Harvey. Nakaakbay siya sa dalawang kaibigan na halata sa mga mukha na hindi pagbibigyan ang gustong mangyari.

Then, Rain called Hope and Taly. Sinamaan siya ng tingin ng dalawa. We know what will happen if Hope and Taly want it.

This will be our last roadtrip and Rain made it possible to make it unforgettable. Noong una ay nagtatalo-talo pa kung sino ang magmamaneho ng mga motor. Pero ngayon na nandito na ay gustong-gusto rin nila na kami ang nagmamaneho.

Not until Hope and Taly held a race for themselves.

"Eyes on the road." France reminded me.

Hindi ko kasi mapigilan ang mapatingin kay Taly at Hope sa unahan. Ang bilis nilang magpatakbo. Nahuhuli na kami nila Rain at Step sa dalawa. Gusto ko sanang sabayan pero natatakot ako na baka magalit iyong angkas ko.

Napamura ako nang dumaan silang dalawa sa intersection at hindi man lang nagbawas! Nang makauwi kami ay hindi makausap si Alric. Ganoon din si Harvey. He even snatched the keys from Hope harshly. Galit nga.

"Kung ako ang gumawa no'n, magagalit ka rin sa'kin?" I asked France.

"Yes."

"Mabuti na lang at 'di ko ginawa."

"Yeah. You might get into accident."

"Marunong naman ako."

"Even a professional racer like Jo can still get into accidents. Ikaw pa kaya?"

Kung sabagay. Safe driving is still important.

"This is your fault." si Taly kay Rain. They're arguing in the living room.

Rain laughed. "Pumayag naman kayo."

Umakyat na 'ko para makapagpalit ng damit. I changed into my comfy oversized shirt and boxer shorts. Nang bumaba ako ay gumagawa na ang dalawa ng pizza sa kusina.

Hope said it was Taly's idea. Nakakapanibago dahil hindi nga 'yan mapatulong sa pagluluto. Ni humawak lang ng kutsilyo ay ayaw gawin. Now that she initiated it, gusto kong isipin na may paki rin pala siya kahit papaano sa nararamdaman ni Alric.

So much for making up huh?

The seven were preparing for the bonfire later. Nakahanda na ang pag-iihawan at ang tumpok ng kahoy para sa bonfire. They're setting up the tents and picnic blankets now. Ang gusto nila ay sa labas kami matutulog para sa huling gabi namin dito.

Hindi ko mapigilan ang kunan sila ng larawan. Ang ganda at ang saya nilang pagmasdan. Hindi ko alam kung gaano katagal ko sila tinitingnan. Pumasok lang ako sa loob nang marinig kong tinatawag ni Taly ang pangalan ko.

It was already dark when we started. The sky was already sprinkled with stars. Mas lalo ko lang niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Umangat ang tingin ko nang maramdaman ang makapal na tela sa balikat ko.

I met France's stares. Kaagad din siyang bumalik sa puwesto niya kanina sa may parilya kung saan siya nag-iihaw, sila ni Raven.

"Thank you." I mouthed and he only crunched his nose.

There's this karaoke app on Eve's phone and she connected it to a Bluetooth speaker. May Bluetooth mic din kaya parang nagkakaraoke na rin kami rito.

The two couples were already good kaya ngayon ay parehong...

"Babe ang anghang." Hope opened his mouth and Jo leaned forward to kiss her. I coughed. Nasa harapan ko sila kaya ang, intense lang. Hindi ko 'yon inaasahan.

Wew. Nahagip ng mga mata ko si Taly at Alric sa loob ng tent... nagbabato-bato-pik.

Kumuha na lang ako ng malaking chips at kinagatan iyong bahay para buksan. I was putting a mouthful chips in my mouth when I heard Rain beside me, sniffing.

Madilim kaya hindi ko alam kung nilalamig siya o umiiyak. Pero nang mag reflect ang ilaw ng cellphone niya sa mukha ay umiiyak nga.

Hindi nakatakas sa'kin ang tinitingnan niya sa cellphone niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang pamilyar iyong lalaki. Hindi kaya siya 'yong... mabilis akong umiling. Nagsisimula na naman ako.

I opted to shut my mouth and let her be. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. If you do not have anything to say to comfort a friend, I guess silence is the best comfort you can give.

Halata naman kay Rain na ayaw niyang pag-usapan. She's keeping it to herself. Hindi nga lang napigilan ngayon.

Nahagip ng mata ko si Hope. She was looking at Rain. My eyes quickly went to Harvey when he stood up and neared Rain. Then, he started pestering her. I smiled when I heard Rain and Jo's laughter in no time.

Ibinalik ko ang tingin sa kaharap. Kung kagaya lang ito ng noon ay tumayo na si Hope para tumabi sa'kin. Kung hindi man ay baka ako ang lumapit sa kanya. Pero ngayon ay pinili na lang namin ang mag-isa at tingnan ang mga kasama.

Parang may kumurot sa'kin nang ma-realize ko na habang lumalaki kami, lumalaki na rin ang agwat sa pagitan namin.

Normal ba 'to sa lahat ng magkakaibigan?

Isang araw, gigising ka na lang na ang layu-layo niyo na kahit wala namang malinaw na rason kung bakit kayo lumalayo.

Love of France (Friend Series #3)Where stories live. Discover now