A Dose of Pain

126 5 1
                                    

                             Rain's POV

"Are you sure you're alright? Kaya mo na ba talaga pumasok ngayon?" Nag-aalalang tanong agad in Hans pagdating namin ni Ella sa University.

It's been a week since that incident happened. I am fully healed and my stab wound's alright now.

"I'm fine bro. I'm all healed now." I assured him to stop him from worrying.

"Malakas pa yan sa kalabaw, Hans. Stop being a worry wart." Natatawang sabi ni Dylan dito.

"Matatagal talaga mamatay ang masamang damo." Nakairap na dagdag ni Lizzie and I just laughed. I'm not offended by what she says. We're used to her bitchiness now.

"Let's go. We are going to be late to our classes if we keep standing here." Aegus whined.

When I turned to my sister. I saw her massaging her head.
"You alright?"

"Yeah." Then she stopped massaging her head.

"Pansin kong napapadalas na yang pagsakit ng ulo mo ah?" I said worriedly. Kaya napatingin na rin samin ang iba naming kasama.

"I'm fine. " Tipid lamang na sagot niya. "Let's go or we'll be late for class."

I noticed that Aegus stared at her with meaning. Di ko na lamang masyadong pinansin kasi baka do rin sya naniniwalang ayos lang ang pakiramdam ng kapatid ko.

We continued walking but I saw Chloe na madadaanan namin kaya binilisan ko ang lakad at nauna na sa kanila.

"Chloe." Busy ito sa paglalagay ng gamit sa kanyang locker. Lumingon naman kaagad ito sa akin na nanlalaki ang mga mata. Bahagya naman akong napangiti sa reaksyon nito.

"Magaling ka na." Sabi niya na parang hindi makapaniwala na nandito ako at nakatayo sa kanyang harapan.

"Of course. Why wouldn't I?" Tanong ko rito habang pinipilit supilin ang nagbabadyang ngiti sa aking labi.

"Talaga naman. Hindi halatang nagmamadali." Parinig ni Aegus ng maabutan nila ko. Kaya't di natuloy ni Chloe ang pagsagot. Nakatayo na rin sila sa tabi ko.

"Parang hindi nasaksak eh." Segunda ni Hans.

"Pre wag ka naman masyadong obvious. Tayong mga gwapo dapat discreet lang sa feelings."  Nakangising dagdag naman ni Dylan. Namula si Chloe sa sinabi nito at umasim naman ang mukha naming nakarinig sa kayabangan niya.
Grabe talaga ang apog ng taong to. Dinamay pa ko.

"Ayos ka na ba? Yung sugat mo magaling na ba? Nakalimutan Kong magpasalamat saka humingi ng pasensya sa nangyari nuong isang linggo. Di ka naman galit di ba?" Sunod-sunod na tanong nito na puno ng pag-aalala. Nangingiti na naman ako but this time hindi ko na napigilan pa ang pagguhit nito  sa making labi.

Damn. She's adorable with those doe eyes. Nag-aalala din pala sya sakin.

"Sabi ng discreet dapat eh." Dismayadong sabi ni Dylan.

"Kaya pala malakas na agad. Nandito lang pala ang gamot sa sugat." Bakas ang pang-aasar sa Tono ng Boses ni Hans.

"Mga marurupok." Taas kilay na sabi naman ni Lizzie. Pero hindi ko sila pinansin. Sa oras na to pakiramdam ko istorbo sila. Parang mga demonyo sa tabi.

"Let's go. Let them talk. We're going to be late. Saka istorbo lang naman tayo dito." Aegus said with a sigh. Nakahalata na rin sa wakas.

They all silently nod their heads and starts to make their way to their classes. May 10 minutes pa naman bago mag-umpisa ang mga klase namin. So I still have a bit of time to talk to her.

Black Snipers Gang 2: The HeartlessWhere stories live. Discover now