Obscure

587 9 0
                                    


"There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds." -Laurell k. Hamilton, Mistrall's kiss"

*****

" You had another attack last night Ella." Sabi nya habang paulit-ulit na sinusuklay ang kanyang buhok. Lagi nyang ginagawa yan kapag naistressed.

" I know and I'm sorry."

" Don't apologize. It wasn't your fault. I was just...I was just worried about you. You haven't had one for a year but now." I stared at him. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

" Don't worry I'm alright now. I just had a nightmare before my attack. It won't happen again, Rain." I said softly.

"How can you be so sure? There's a possibility that it'll happen again." He said tensedly while pacing back and forth. "I knew it. I knew we shouldn't have come back here. It's not good for you."

" Don't say that." I clenched my fist on my blanket. "It's what I want to do. Di ko pa natatapos ang dapat kong gawin sa lugar na ito."

"You're going to make them pay and then what? You'll get to have your revenge but on what cost?" He snapped. I've only seen this side of him a few times. Only when he's really upset or mad. "Lahat ng bagay may kabayaran, may consequence, Ella. Magiging masaya ka ba kapag nakaganti ka na, ha? Ba't hindi ka makasagot? Kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka pa rin magiging masaya!"

That's when I snapped.
" Don't tell me what to do! Alam ko ang ginagawa ko."

"Alam mo nga ba ang ginagawa mo? Dahil sa nakikita ko nabubulag ka na dahil tanging ang galit mo lamang ang nakikita mo. Alam mong gaganti pa rin sila para sa pananakit na gagawin natin sa kanila. Pagkatapos masasaktan ka na naman? Nagbago ka pagkatapos ng ginawa nila noon sa iyo. Paano kong masaktan ka na naman? You're already on your worst." His eyes were darker and he looks at me with fury. I tried to answer him but he cuts me off.

"Sabihin mo sakin anong gagawin mo kapag nangyari ang bagay na yun?! The truth of what happened to you have been obscured. Walang nakakaalam na kahit sino manlang sa pamilya natin bukod sakin at kay Kuya Apollo. You're already a shell of your former self. And I'm not planning to wait for my sister to perish. Pinagsisisihan ko na talaga ngayon kung bakit ako pumayag sa idea na to. Akala ko makakatulong sayo ito pero I've never been more wrong. Nasasaktan din ako kapag nakikita kang ganito." He slumped beside me.

"I'm sorry but I can't stop now." I watched as his shoulders sagged. He looks defeated and tired. Alam nyang buo na ang loob at isip ko sa ginagawa ko.

"Pero hindi ko na kayang makita ka nang nagkakaganito."

Hindi ako sumagot. Tumayo na sya at tinungo na lamang ang pinto. Ngunit bago sya lumabas ng aking kwarto ay nilingon nya ako at binigyan ng malungkot na tingin.

Rain's Point of View

Umalis muna ko ng bahay dahil gusto kong magpalamig ng ulo at makapag-isip. Patuloy lamang ako sa pagmamaneho pero di alam kung saan pupunta.

Di ko namalayan na napunta pala ko sa isang park at may nakita kong isang pamilyar na babae.

She's here. I smiled to myself at bumaba na ng kotse.

Nakatalikod sya sakin kaya naisipan kong gulatin sya.

Chloe's Point of View

Pinapanuod ko lang ang mga batang naglalaro at mga magjowang magkaholding hands. Tse! Lamporeber.

"Boo!"

"Bakla ka!!"

Marahas kong nilingon kung sino ang taong nanggulat sa akin.

"Ikaw!" Sabi ko sa kanya habang dinuduro sya.

"Hi!" He said with a smile.

" Ano na namang ginagawa mo dito?" Bakit ba lagi nalang sya kung nasan ako. Nakakahalata na ko ah. Stalker yata toh eh.

"Napadaan lang ako dito sa park. Nakita kita kaya nilapitan kita."

I huffed. Umupo na lang ako ulit sa bench at umupo na rin sya pero di naman kami nag-imikan.

" Buti pa mga bata parang walang problema noh?"

Tinignan ko sya mula sa gilid ng aking mga mata.

"May problema din naman ang mga bata. Di lang natin nahahalata dahil alam nila kung pano pa magsaya. Hindi katulad nating mga matatanda na sineseryoso ang bawat problema dahil sa may muwang na tayo sa mundong ito."

"What do you mean?"

" Dahil sa alam na natin kung gaano kagulo ang buhay, hindi tulad ng mga bata na makapaglaro lang at malibang nakakalimutan nila ang problema."
Parang di ko din maintindihan kung anong sinasabi ko kaya napakamot na ko ng ulo.

Tumayo sya at bumuntong hininga.
"Let's go? I know a place where we can relax."

"Luh? Ayoko nga. Baka kung san mo pa ko dalhin eh." I frowned.

He chuckled. " Di kita kikidnapin kung yan ang akala mo. Trust me. Maganda sa lugar na yun at sa tingin ko magugustuhan mo dun."

Tinitigan ko muna sya para masiguro na nagsasabi sya ng totoo.
"Sige. Pero dapat siguraduhin mo lang ha."

Binigyan nya lamang ako ng isang matamis na ngiti at sumunod na ko sa kanya.

*****

Author's note:
   Medyo maiksi ang chapter pero I hope nagustuhan nyo. Kasalukuyan ko pong iniedit ang book 1. Di ko alam kung lay nagbabasa pa ba nitong istoryang to but itutuloy ko pa rin ito. Salamat po.

:::CHARLANNE:::

Black Snipers Gang 2: The HeartlessWhere stories live. Discover now