Down the memory lane..

614 12 0
                                    

Author's note:
Depression- a psychoneurotic or psychotic disorder marked especially by sadness, inactivity, difficulty in thinking and concentration, a significant increase or decrease in appetite and time spent sleeping, feelings of dejection and hopelessness, and sometimes suicidal tendencies.

Guys, let's be aware of depression. No, I'm not giving you a lesson, if that's what you're thinking. I was just saying that let us unite against mental stigma.

Kung may kakilala kayong may depression or kahit symptoms lang nito, wag nyo sila pagtawanan, icriticize na nagdadrama lang sila. Di nyo alam ang nangyayari sa buhay nila kaya try to understand them. Di mo alam na baka sa bawat masakit na salitang binibitawan mo sa kanila ay maging trigger for their depression or worst for committing suicide.

Help them overcome their condition. They may be broken inside,you just never saw it. Don't try to fix them, hindi sila sirang gamit na pwede mong ayusin. Tao sila tulad mo. Be they're friend. Hindi lang para sa mga taong may depression kundi sa mga taong may other mental condition.

If you have depression, don't be afraid. Come out and face your fears. May mga taong handang tumulong at nagmamahal sayo. Always pray, andyan si Lord.

Ika nga nila, "The people who always tries to make others laugh, are sometimes the loneliest one."

Sorry sa mahabang note. Thank you.

*******•••*******
*******•••*******

"Bakit ba ang tanga mong bata ka ha? I told you one simple thing, pero hindi mo pa nagawa!" Sabay hampas sakin ng sinturon. Bawat paglatay nito sa aking balat ay napakasakit. Napakahapdi.

" Sorry po mommy. Di na po mauulit." Sabay hagulgol sa isang sulok kung saan pilit kong isinisiksik ang aking sarili para lang iwasan ang sinturon ng aking mommy.

" Sorry?! Puro ka na lang sorry! Ang sabihin mo di ka lang marunong sumunod sa utos. Napakatigas talaga ng ulo mo!" Sabay hagupit ulit sa akin ng sinturon na tumama sa aking hita. " Sabi kong wag kang lalabas ng kwarto dahil may party ang ate Elise mo. Nakakahiya ka kung nagkataong nakita ka ng mga bisita."

It's my Ate's birthday party but I am not allowed to get out of my room. Sinunod ko naman si mommy eh kaso nauuhaw na ko kaya bumaba ako.

Nakita ko si Ate na ang ganda-ganda kaya di ko naiwasan sumilip kahit sandali. Sana pag ako rin nagbirthday ipagparty na ko nila mommy at daddy.

Di pa kasi ako nakakaranas ng engrandeng birthday katulad ng party every birthday ni ate Elise. Kahit simple lang okay na sa akin.

Tatawagin ko sana si ate para batiin kaso nahuli ako ni mommy na nakasilip kaya heto ako ngayon.

_••_••_••_

I'm so happy right now. My teachers announced the top students in our grade and I am top 1. Grade 4 na ko ngayon.

Excited na kong ibalita kanila mommy at daddy. Andito rin si lolo ngayon. Siguro kahit lagi syang galit sakin matutuwa na rin sya pag ibinalita ko to.

Papunta na ko sa living room pero napatigil ako sa paglalakad. There they are looking so happy. They were all laughing, even my lolo na hindi manlang ngumingiti sakin.

"Congratulations Elise! Napakagaling talaga ng apo ko." My lolo said with a big smile. Nakikinig lang ako sa kanila kasi hindi pa nila ko napapansin.

"Thank you lolo! Thank you daddy and mommy sa gift! Sa susunod gagalingan ko pa po mas lalo para ako na ang top 1." She said with a cute and charming smile.

"It's okay kahit ikaw ang top 2, kasi para sa amin ng family mo, ikaw pa rin ang no.1." My mommy said and then kissed my sisters cheeks.

Family. Bakit ganun? Ako laging namang top 1 simula nung mag-aral ako pero ni minsan hindi ako nakareceive ng gift, kiss sa cheeks o kahit isang congratulations manlang.

Black Snipers Gang 2: The HeartlessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum