Sa totoo lang, gusto ko naman ang asignaturang ito pero hindi nga lang tungkol sa virtual self topic. Sakit sa mata at malaking banta ng virtual identity ko lang ang binigay nito sa'kin.
Darn this topic. It made my virtual indentity put into menace. Kaya nga idinadaan ko ang mga ito sa pa-segway upang hindi ako mahahalata.
After 40 minutes, Prof. Rythen slammed the desk and looked at the boy on the first row. He was rolling his armband that caught his sensitive senses. Kowaii (Scary)! Mukhang may isa sa aming mabibiktima sa pagmamasid niya.
"You're doing the technique, aren't you?" tanong ni Prof. Rythen, but this times he's trying to hid his pissing expression.
Mark moved his head in sideways and looked at him. "H-Hindi po Prof. Rythen! Inayos ko lang ang armband ko kasi muntikan na pong mahulog."
Lumapit pa siya sa aking kaklase at sa tagpong ito'y binuhat niya ang kanyang kaliwang braso sabay tanggal ng armband. Tumambad sa aming mga mata ang mga nakasulat na kodigo sa braso na parang tattoo sa balat. All of them gasped on what they saw but I just remained silent.
Mariin namang tumingin si Prof. Rythen sa kaniya at napaigting ng labi sa kanyang natuklasan.
"That excuse is an old school style and you can't trick me for this," seryosong saad ni Prof. Rythen. "Sa Dean's Office, ngayon na!"
Mistulang kinuryente sa takot si Mark sa mga sinabi ni Prof. Rythen at dahil doon ay kumaripas siya ng takbo papuntang Dean's Office. He sighed heavily and returned to his desk as he continued watching over us. Mukhang hindi dapat namin minamaliit ang kakayahang taglay niya lalo na sa pagmamasid. Para kasi siyang isang sniper na sa isang maling galaw lang ay matatamaan ka talaga.
Naaalala ko tuloy ang isang tauhan sa kuwento ni mama na kahawig na kahawig talaga sa mga galaw ni Prof. Rythen.
And this exam, it was a suicide mission to those who wants to cheat.
"Continue answering your test everyone," paalala niya sa amin at muli naming itinuon ang aming mga sarili sa pagsagot.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nahuli na naman niya si Anne sa likuran ng pangatlong row. Nahuli kasi siyang may kodigo at sa pagkakataong ito'y inipit niya ang maliit na pirasong papel sa dulo ng kanyang cycling shorts. Pasimple lang kasi niyang inalis ang mini skirt at tumingin sa kodigo.
"Haven't you heard about modesty, Ms. Antona?" malamig na tanong ni Prof. Rythen. "Sa lahat pa naman ng puwedeng pagtaguan mo ng sagot, d'yan pa talaga sa may hita mo't inipit sa dulo ng iyong cycling shorts? Pumunta ka sa Dean's Office ngayon din!"
Mangiyak-ngiyak namang napabalikwas ng upuan si Anne kasabay ng pagkuha niya sa kanyang bag. Gaya ni Mark ay kumaripas din siya sa pagtakbo papunta sa Dean's Office at bumalik ulit si prof sa kanyang desk. Muli ay itinuon ko ang aking atensyon sa pagsagot sa huling katanungan sa UTS subject upang dumako na ako sa asignaturang Ethics.
Grabe! He's really giving us chills to our spines!
Kailangan ko rin kasing bilisan sa pagsagot ang lahat ng ito lalo na'y may mga mahahalagang bagay pa akong dapat gawin.
Lumipas na rin ang isang period ng exam at sumalang na kami sa pagsusulit sa Ethics. Gaya ng nauna'y tahimik lang akong sumasagot sa bawat tanong gaya na lang ng mga brain teasers nila. Tapos ko na ring sagutin ang iilang investigative questions at logics na parang kumakain lang ako ng isang piraso ng tiramisu cake. Iba pa rin talaga kapag nag-aaral ng mga leksyon para laging handa.
Sa totoo lang, nalulungkot din ako kina Anne at Mark nang mahuli sila ni Prof. Rythen. Masuwerte na lang sila kung bibigyan pa ng isa pang pagkakataong kumuha ulit ng pagsusulit mula sa hatol ng Dean sa Arts and Sciences Department. Kahit may iba-iba silang dahilan kaya naisagawa ang mga ipinagbabawal na technique sa exams, ito na rin ang leksyon na babaunin nila sa mahabang panahon.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Start from the beginning
