Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Start from the beginning
                                        

"YES PROF. RYTHEN!" tugon naming lahat sa kaniya.

"And we're all set," sabi niya.

Nagsimula na nga si Prof. Rythen sa pamamahagi ng mga answer bookets at questionnaires sa unang row habang ako nama'y hindi pa rin mapakali sa mga magiging kaparusahan sa oras na gawin ang pangongopya. It's hyperbolic if it you put it to an insensitive manner, but for me it's going to be a mere lesson who loves to break the exam's rules.

Grabe. Parang halimaw nga talaga ang propesor na ito kahit pangiti-ngiti lang siya. Now you know the reason why angelic smiles are the best mask a mere human to wear. Agaw pansin din ang nasasagap kong kakaibang data energy signal sa kaniya rito kesa noong sinubukan naming iligtas ang magkasintahan sa Shadow Filora. It was ambiguous as for now, but I want to know about that kind of energy signal.

"Before you start answering, better make sure that you don't have any answer keys written on your skin or even sending it through your student's window like sharing files in Bluetooth or Shareit. Ito ay tagisan sa mga nalalaman niyo bago pa man ang midterm exams at hindi ito tagisan sa kung sino ang magaling mangopya. Remember, I'm watching over you in every single gesture you make," dagdag naman ni Prof.Rythen sa amin at muli na namang ipinakita ang kanyang malaanghel niyang tingin.

Mukhang hindi rin siya pabor sa estilo ng mga estudyante sa pelikulang napanood ko dati na magaling pagdating sa ipinagbabawal na technique ah. Sigurado akong mahihirapan ang ilan sa amin para gawin ito ngayong siya ang proctor namin. But I want to see on how he will handle our class.

Matapos ibahagi ni Prof. Rythen ang tig pitong answer booklets at questionnaires, dumako naman siya sa aking harapan at marahang inilapag ang mga ito sa aking mesa. Napatingin ako sa kanya't pinagmamasdan siya, hanggang sa may isang bagay akong napansin sa kaniyang mga mata.

Kanina lang ay kulay itim ito, pero bakit parang may kakaiba yata? His eyes turned into mint green, making my eyes caught my attention while he's quite busy. Napalunok ako ng laway at nakataas ang mga kilay sa aking nasaksihan na agad nama'y bumalik ito sa dating kulay. I shook my head slightly and get the answer booklet and questionnaires on my desk to distribute it at the back.

Sa hindi inaasaha'y nagsalubong ang mga tingin namin ni Prof. Rythen. Jusko! Napansin kaya niyang inoobserbahan ko ang mga mata niya?

"Is there any problem Ms. Hidalgo?" malumanay na tanong ni Prof. Rythen sa akin.

Bumalik agad ang aking ulirat sa kaniyang mga sinabi. I moved my head in sideways as my answer gesture. "Wala naman po Prof. Rythen," magalang na tugon ko sa kaniya.

"I see," saad niya. "I know that something's bothering your mind today, but you have to set aside it first to let yourself focus in answering these."

"Yes sir," mahinang tugon ko.

Bumalik agad siya sa Prof's desk at may ikinuha na namang isang stopwatch mula sa kaniyang window. Ayon sa nabasa kong schedule sa exams, bawat subjects ay may isa't kalahating oras sa pagsalang. Hindi na ito kagaya sa elementary dati na hihintayin ka pang matapos upang makapagpasa na ng nasagutang questionnaires.

Ngunit sa mundo ng kolehiyo, may time lapse na. Sa oras na magpalit sa zero ang huling segundo ay kailangan nang ipasa ito at walang extension. Parang tanga lang ang iisip na may extention pa. College is the real battle ground of education.

Maya-maya pa'y pinindot na rin ni Prof. Rythen ang button ng stopwatch upang simulan ang pagsagot. Lahat sa amin ay mistulang seryoso habang nakikipagbuno sila sa kaalaman at oras. Nababalot naman ang klasrum namin ng katahimikan. Sinasagot kasi namin ngayon ang Understanding the Self test at sigurado akong marami na naman ang malilito rito.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now