Humarap agad si prof sa amin matapos niyang maisulat ang lahat ng ito at kapansin-pansing naka-uppercase ang mga salitang BAWAL MANGOPYA. Ewan ko lang kung makakaya ba ng ilan sa aming mga kaklase ang may planong gawin ang ipinagbabawal na technique.
Sumandal ako sa aking upuan saglit at may ibinulong si Mimi sa aking likuran.
"Buti na lang pala'y nakapagreview tayo bago ang midterms Riri," bulong niya sa akin.
"Oo nga," sabi ko. "Pero huwag pa rin tayo maging kampante Mimi lalo na't maraming CCTV camera ang magmamatyag sa mga papel natin mamaya nang palihim."
Bumalik ulit ako sa pag-upo nang maayos saka itinuon ang atesyon sa kaniya. I attentively listen to every word he spit from his mouth. Isa sa amin ang tila dinaig pa sa isang takure ang kiligin sa aming proctor. Kanina pa rin nagpipigil si Mimi sa pagtili ngunit hindi niya puwedeng gawin iyon lalo na't grado ang nakasalalay rito.
"Ikaw!" sumbat niya, kasabay ng pagturo niya sa aking likuran.
Pasimple naman akong tumingin sa likod at napataas ako ng kilay nang malaman kong itinuro niya si Ranzou na parang bata kung matulog sa kaniyang puwesto. I slapped my head in my mind and sighed exasperatedly.
Matulog ka lang sa isang klase pero huwag na huwag talaga sa kasagsagan ng exams lalo na kapag strikto ang proctor niyo!
Naku Ranzou! Kapag hindi ka magigising ngayon talagang hindi ako magdadalawang-isip na itapon kita sa bintana.
Palihim na tinapik ni Emerson ang likod ni Ranzou at mabuti na lang ay dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo sabay tanggal ng hood. He lazily opened his eyes and looked blankly to the proctor.
"Bakit po sir?" basag na tanong ni Ranzou kay Prof. Rythen.
Napakibit-balikat naman si Prof. Rythen habang nakatigin sa kaniya nang mariin. Ang kakaiba lang talaga ay nananatili pa rin siyang nakangiti kahit medyo naiinis na siya.
O baka nama'y iba ang ibig sabihin ng mga ngiting 'yan.
"Magsisimula na ang exams niyo at hindi ito panahon upang matulog," sabi niya. "You shouldn't stay up late in the evening kung naglalaro ka lang sa iyong student's window, pwera na lang kung nag-aaral ka sa mga pointers ng exam."
Nanlaki ang mga mata ni Ranzou at napaayos ng upo nang marinig niya ang mga sinabi ni Prof. Rythen. Hindi rin niya maiwasang mapakamot sa ulo at ngumiti sa kaniya dahil doon. Ayan tuloy Ranzou, nahuli ka tuloy sa pagiging tulog-mantika mo.
Pero nakakapagtataka. Sa pagkakaalala ko kasi kagabi ay siya na lang ang huling natulog sa amin dahil may ikinalikot siya sa kaniyang student's window at palaisipan pa rin sa ngayon kung bakit nasabi ni Prof. Rythen ito. Sounds weird after all huh. Siguro nagkataon lang lahat.
"Pasensya na po Prof. Rythen," paumanhin ni Ranzou. "Hindi ko na po iyon uulitin."
"Siguraduhin mo lang na hindi na," nakangiting saad ni Prof. Rythen.
Parang iba na yata 'to. Hindi kaya isa siyang psychic? Maybe he's a good guesser perhaps.
Itinanggal na muna ni Prof. Rythen ang papel na nakatali sa mga answer booklets at hinati-hati ito ayon sa bilang ng mga estudyante kada row. Muli na naman siyang tumingin sa amin at ngayon nama'y magsasalita ulit siya.
"Make sure that you apply those rules from the white board while I'll be the one who's going to watch over you in two minor subject exams. Ang sinumang lalabag sa mga panuntunang ito'y talagang dadapmputin ko palabas ng klasrum at irereport sa inyong department dean ang ginagawang kabalbalan lalo na sa ipinagbabawal na technique. Remember that honesty is still the best policy in the exams and I know that you can do it. Walang magdadayaan kung ayaw niyong manatili sa unang taon ng kolehiyo. Aanhin pa ang pagiging matalino niyo kung mangongopya naman. Am I clear AB Literature 1?" paliwanag ni Prof. Rythen. This time, his grin seems to be different from the previous that he almost wants to exterminate a cockroach.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Start from the beginning
