Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Comenzar desde el principio
                                        

He even looked so young despite of his age and still remained as a young man especially to his slightly disheveled quiffed black hair. Para rin siyang isang modelo dahil sa tangkad niya at sa pagiging makisig nito na para bang nagsasanay ng isang mandirigma. Parang naalala ko tuloy sa Prof. Leizuko sa kaniya noong nagkakilala kami sa sci-tech convention na hanggang ngayo'y hindi pa rin namin ma-contact.

Bahagya naman siyang nakangiti sa amin at kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo. Ito rin ang nagbigay sa akin ng malaintrigang katanungan tungkol dito.

Mukhang kulang yata siya sa tulog o hindi masarap ang agahan.

Nasasagap ko rin sa aking mga tainga ang munting tili ng ilan sa aking mga kaklase rito. Kahit maliit, parang mas lumalakas pa ang aking pandinig dahil sa mga pangyayaring ito. Hindi naman ito mula sa migraine ko noon o sadyang matalas lang ang pandinig ko nang dahil sa munting bug sa systems.

"Good morning," bati niya. "Is this the class of AB Literature 1"?

"Yes sir," magalang na sagot ng aming class mayor.

He slammed the questionnaires on the table along with the answer booklets. Tila may sumundot sa aming likod nang marinig namin ang ingay na iyon at napaayos ng upo. Lahat ng mga mata sa block na ito'y nakatitig sa kaniya at magkakaiba ang mga nararamdaman ng mga kaklase ko.

He still keeps on smiling in front of us while some of my classmates were shrieking internally. Para silang kinikiliti ng electric eel sa tuwing may makikitang mala-senpai o mala-oppa na proctor. Exams ang dapat aatupagin ngayon hindi ang pagpapantasya.

"OMG! Hindi mo pala sinabing isang oppa pala ang magiging proctor natin ngayon Emmie!" malakas na bulong ni Chelsen sa kanya na talagang naririnig ko mula sa likuran.

"Surprise Mayor Chelsen!" tugon naman ni Mimi at mahinang bumungisngis. "Ang astig niya hindi 'ba?"

Bahagya namang napakunot ang noo ko nang marinig ko ang usapan ng dalawang 'to, pati na rin ang tili nina Analiz at Eunice na mas nagpapawalang-bisa sa konsentrasyon ko sa exams. Hay naku! Kapag nakakita talaga ng guwapo tili nang tili; kapag nakakita ng hugasin sa kusina tanggi pa nang tanggi sa responsiilidad. Isama ko na lang kaya ang ipis dito para mas tumili pa sila lalo. Iyon pa naman ang isa sa mga pinakaguwapong nilalang sa mundo na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan kasama ang tsinelas, walis-tambo at insect killer.

Hindi ko nga rin inakalang siya ang magiging proctor namin ngayon maliban nga lang sa mariing paglapag ng mga gamit sa exams. Something's a little bit weird right here.

"Ako si Professor Rhythen Merowell. Today, I will be your proctor for your midterm's exam and I'll give you only three rules while answering..." Seryosong panimula niya at kinalauna'y ngumiti nang bahagya. His voice is quite husky that made my classmates to shriek internally like they were in a concert.

Sana man lang ay mali ang kutob ko sa proctor na'to. May mga tsismis kasing kumalat sa buong Strelia Aurelis na isa siya sa mga mala-halimaw na proctor sa tuwing magkakaroon ng exams sa kabila ng karisma niya.

Looks are very quite deceiving as usual, but the heart and character still matter the most. Isa pa, wala akong karapatang humusga sa isang tao.

Hindi naman siya siguro iyong sinasabing parang si Natsu kapag umuusok ang kanyang mga tainga sa harap ng klase. Mukhang mapapasubo talaga ako ng punyal sa mala-hot seat na exam ngayon.

Kumuha ng whiteboard marker si Prof. Rythen sa kaniyang window saka lumingon sa likod upang makapagsulat.

"...ang unang panuntunan sa exams ay BAWAL MANGOPYA ng sagot sa iyong mga kaklase. Ang pangalawa nama'y ituon lang ang inyong atensyon sa sinasagutan niyong papel. Panghuli nama'y bawal mag-ingay. Those we're just simple rules since elementary at sigurado naman akong alam niyo iyon,"dagdag niya.

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora