Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Start from the beginning
                                        

Minsan napapaisip akong parang medyo weird din.

"Halika ka nga rito soon to be class mayor!" gigil na saad ni Chelsen. "Nasaan ba ang salamin mo? Dapat isinuot mo 'yon para magkamatch tayo."

Chelsen suddenly snuggled her right arm around my neck and ruffles my hair. Muli na namang naningkit ang aking mga mata sa kaniyang pinaggagagawa. Siya talaga ang pasusuklayin ko sa aking buhok na kanina ko pa inayos habang hinihintay ko sila Zoiren sa teleporting station.

"Teka Chelsen!" daing ko sa kaniya. Pilit kong alisin ang kanyang braso gamit ang aking lakas ngunit naalala kong bawal kong ipakita iyon ayon kay Blaurei at sa payo ni Prof. Leizuko noon.

Baka magulat na lang sila kapag may isang estudyanteng tumilapon sa bintana dahil sa'kin.

Maya-maya pa'y nakita kong nakatayo si Mimi sa may pintuan at sa pagkakataong ito'y mistulang blanko ang kaniyang emosyon. Para siyang isang mannequin na biglang tumigil dahil sa nakikitang ipis na lumilipad papunta sa kaniyang mukha.

I turn my gaze to her. "May problema ba Mimi? Bakit para kang nakakita ng multo r'yan?" tanong ko.

Gaya nga ng inaasahan ay bigla na lang siyang naging megaphone sa lakas ng kaniyang boses. Kumakandidato ba siya sa pagka-governor sa Arts and Sciences Department?

"NANDITO NA ANG PROCTOR NATIN!" makabasag-pinggang sigaw ni Mimi. "Humanda kayo dahil magiging exciting at magbabaga ang period na 'to para sa exams!"

Dahil sa mga sinabi ni Mimi ay nagkandarapa ang mga kaklase naming bumalik sa kanilang puwesto. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang kanilang paghahanda at pasimpleng inilabas ang kanilang mga ballpen sa item vault. Patakbo namang lumapit si Mimi sa kaniyang puwesto sa aking tabi.

Ano bang meron sa proctor namin kaya bigla na lang napatakbo si Mimi? It looks like everything went so exaggerating about that particular person.

Huli nang pumasok sina Analiz at Eunice sa klasrum at ipinakita pa sa klase ang hawak nilang milktea. Analiz removed her shades and flipped her hair on the right side. Sinuyod niya ang kaniyang mga mata sa paligid hanggang sa umirap ito sa'kin nang magsalubong ang aming mga tingin.

Ibang klase rin itong panuhak na 'to. Wala na talaga siyang magawa sa buhay kundi ang pang-iinis sa'kin na hindi ko naman binigyan ng atensyon.

"Guys!" Analiz called our attention with her finest energy. "Alam kong midterm exams natin ngayon at ang iba sa inyo ay nakakapag-review bago pa dumating ang araw na ito. I just want to say na sana'y magtulungan tayo at makapasa sa semester na 'to," saad niya't tila hinihikayat pa ang mga kaklase namin.

"Tama ka Analiz," sabi naman ni Eunice, kasabay ng paglapag sa hawak niyang milktea sa ibabaw ng professor's desk. "Huwag kayong mahiya sa aming magbigay ng mga kaalaman tungkol sa exams dahil ganoon din ang gagawin namin sa inyo."

I looked away from them and stutter. Napangisi rin ako sa kanilang mga sinabi at masasabi kong mukhang may madadali na naman sa sariling kalokohan. I guess they're having a bandwagon for this forbidden technique in exams.

"Scammers," saad ko't huminga nang malalim. "Mukhang inuna pa ang pagiging chill kesa sa pagre-review ng exams."

Umupo si Analiz sa likod ni Mimi habang si Eunice nama'y nasa likod ko. Hindi ko alam kung ano bang iniisip na kalokohan ang mga nakakainis kong kaklase na feel pa ang pagiging scammer. Well, it doesn't matter on what trick will they use.

Maya-maya pa'y dumating na rin ang aming proctor para sa unang exam na isasagawa namin ngayon. Pumasok ang isang lalakeng nakasuot ng denim blue polo shirt at itim na slack na bumagay sa kanyang mapusyaw na puting balat at mapungay pa ang mga mata. His face was delicate and square in shape with the sparkling ebony color in the eyes, thick brows, small yet pointed nose, sharp cheek bones, and thin lips with a Cupid's bow shape. Nakasuot din siya ng salamin na naayon sa kaniyang hugis ng mukha. Mapapaisip ka na lang na may isang celebrity na pumasok sa loob ng klasrum niyo.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now