"Ikaw pala, Mayor Chelsen," nakangiting tugon ko sa kaniya kasabay ng paglingon ko sa kinatatayuan niya.
"At wala nang iba pa," sagot niya't kumindat sa akin nang isang beses. "Balita ko nakapagreview ka na naman para sa midterms exam natin. Kasama ba d'on ang tungkol sa self aspects?"
Tumango ako sa kaniya bilang tugon kasabay ng iilang salita. "Sa pagkakaalam ko, isa sa mga lalabas sa exams ng minor ay tungkol sa teorya ni Sigmund Freud at sa parallel self ng isang tao. Virtual self pa kumbaga."
Malakas namang umiling ang aming class mayor at mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa'kin. She bowed a little bit and looked at me in the eyes. Naningkit na naman ang aking mga mata at bahagya akong lumayo sa kaniya dahil sa kakaibang trip ng babaeng 'to.
"Talaga?!" Chelsen exclaimed as her eyebrows arched along with a jaw drop.
Baka may ibinabalak na naman siya tungkol sa exam. Huwag na huwag lang talaga siyang magkakamali at baka may itatapon talaga sa detention o sa Shadow Filora na nasa dulo ng SAU Flower Garden. I really don't like cheaters at all.
"Yes," matipid kong sagot.
"Puwede ba akong tumabi sa'yo Zenrie?" pagsusumamo ni Chelsen. She blinks her eyes and gives me a cute doll stare, trying to please me with her charismatic technique. "Sige lang naman oh! Kahit isang beses lang na makiki—"
"If you're going to apply in a company, will you still able to copy someone's bio data?" pambabara ko sa kaniya.
"Zenrie naman eh!" iling niya't nagsisimula na namang magdabog.
I darted my dull stare at her that made her stopped. "Chelsen," I paused to sigh immediately, "may mga bagay talagang dapat pagsikapan sa pagkatuto. Sometimes you don't have to depend on others, because one day if you're facing alone in life, what else you can do to survive?"
Minsan talaga tanging payo na lang ang ginagawa ko sa mga may nais na mangopya ng mga sagot sa mga pagsusulit. Ngunit minsan hindi ko rin maiwasang isipin na may pagkakataong nagkakaroon na ng deperensya sa pamamalakad ng edukasyon.
Tumindig nang maayos si Chelsen at bahagyang ngumiti. Itinulak niya pabalik ang kaniyang pekeng salamin gamit ang hintuturo at muling tumingin sa akin. Tanging magagawa na lang niya'y ngumiti nang bahagya at intindihin ang aking mga binitiwang salita.
"Mukhang tama ka nga." Patangong sagot niya. "Siguro oras na rin para magsikap at sanayin ang self-study. I want to be so productive!"
"Huwag ka kasi puro koreanovela kaya ka laging nagpo-procrastinate eh," saad ko sa kaniya at mahinang tumawa.
Her brows narrowed and looked away from me as she crossed her arms.
"Palibhasa born brainy ka Zenrie," Chelsen stuttered.
"Hindi naman Chelsen. I'm just a typical average student like them and striving hard to study. Aanhin pa ang sobrang katalinuhan kung nawawalan ka naman ng magandang asal at hindi ito ginagamit sa mabuting paraan."
Hindi naman sa pagmamayabang pero may ibang tao kasi ang nagsasabing isa akong brainy genius dahil lagi akong nakikilahok sa mga school activities o kahit na sa klase at isa na roon ang class mayor naming si Chelsen. Pinagkakamalan akong nerd, geek o isang book-o-holic student dahil na rin sa lagi akong nakatambay sa library at nananaliksik.
Sa totoo lang, nasa dugo na rin namin ang ganitong klaseng regalo sa hanay ng mga Matsouka. Not just in intelligence, sometimes we can read a person like a book through the help of psychological aspects.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Start from the beginning
