Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Start from the beginning
                                        

"Ano ba Althea?" iling ni Ranzou.

"Iyan na ang sinasabi ko sa'yo Ranzou," sermon naman ni Althea. "Dapat kasi sumabay na lang tayo kay Zenrie kanina para makapag-review naman tayo sa kanya-kanyang subjects natin bago magsimula ang exam."

Napabungisngis naman si Mimi habang tumatalon nang apat na beses. Mukhang ang taas yata ng energy niya ngayon dahil exams ah. Tularan sana nila ang babaeng 'to at talagang suportado ako sa kaniya.

"Sabi na eh!" Mimi teased, pulling her long magenta cuffed sleeves down to her hands. "Kung nakinig ka lang sana kay Althea."

Hindi na rin nakatiis pa si Ranzou. Nilapitan niya si Mimi mula sa likod at pinisil ang magkabilang pisngi na parang isang bubble gum na inuunat. "Ikaw talaga Emmie! Hindi porke't kumanta ka kanina ay puwede mo na akong asarin ngayong umaga. Para bang maganda ang boses mo," nakangising saad ni Ranzou.

Pinipilit pa ring manlaban ni Mimi sa ginagawa niya ngunit ang tanging magagawa na lang niya'y umiling. Sinabunutan naman niya si Ranzou dahilan upang tumigil siya sa pang-aasar niya. This time, they switch each other's court.

"Che!" bulalas niya. "Eh ano ngayon ha? Pasalamat ka ginising pa kita para sa midterms exam. Baka gusto mong si Riri ang gigising sa'yo tapos may hawak siyang armas na mas higit pa sa isa. Naku! Palibhasa baliktad ang suot mong hoody jacket!"

Nang marinig ito ni Ranzou ay agad niyang hinubad ang kanyang suot na jacket at inayos ito. Ngayon lang siguro niya alam na baliktad pala ito sa kadahilanang lutang pa rin ang kaniyang isipan. Nagpuyat na naman kasi kagabi.

Mahina akong tumawa sa kanilang asaran. Kaya bago pa man magkaroon ng mga senaryong pikunan ay inawat ko na ang dalawa gaya ng ginagawa ko dati. Ayaw din kasi nilang makita akong mas malala pa sa reaksyon ni Ranzou sa tuwing magigising siya.

"Ok tama na 'yan," saad ko sa kanila habang umaawat. "Wala naman siguro kayong plano para pumasok 'di ba? Para lang tayong mga ewan dito naghihintay na pumuti ang uwak sa ginagawa natin."

Tumawa naman nang marahan si Zoiren sa aking mga sinabi at napakamot sa ulo. "Buti pa pumasok na tayo sa kanya-kanyang klase at baka malintikan pa ng proctor natin kapag nahuli."

"Sinabi mo pa," saad ni Althea at tumango.

Dali-dali kaming lumapit sa poste ng teleporting station at pinili namin ang mga lugar na kung saan dapat kami pumunta. Dinala kami nina Emerson, Ranzou at Mimi sa mismong klasrum ng literary arts section habang sila Zoiren at Althea nama'y sa Institute of Computing Department building.

Ito na talaga ang pinakahihintay namin ngayon sa buong talambuhay ng bawat estudyante...

ang midterm exams.

==========

Pumuwesto ako sa dati kong upuan habang abala ang iba pa naming mga kaklase sa pagsaayos ng mga upuan at nakikipagkamustahan. Ang iba nama'y umalingawngaw sa aking mga tainga ang usapan tungkol sa gagawin nilang cheat mission. Nagsitawanan pa sila at kinalauna'y hindi ko sila binigyan ng pansin.

Binuksan kong muli ang bintana at sumalubong ang malamig na haplos ng hangin sa aking porselanang balat. Dinadama ko ang tila pakikipag-usap nito sa akin habang naghahanap ako ng konting kapayapaan sa aking isipan matapos ang bugbog saradong reviews at iba pang umagaw sa aking atensyon. Sino ba naman ang muntikan na ring bangungutin dahil sa Avicta na iyon?

Ewan ko lang pero sana hindi mangyayari iyon sa araw na ito.

"Yo Zenrie!" Isang masayahing boses ang tumawag sa'kin habang papasok siya sa silid. Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang isang babeng nakasuot ng indigo sweater at itim na skinny denim pants. She's walking towards me as she brushes her hair with her fingers on the right side, flashing a smile like a rabbit that makes her so cute.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now