Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Start from the beginning
                                        

My two fingers were about to prepare in opening the student's window. Kapag nakumpirma kong may kakaibang nilalang na paparating dito o ang nakakainis na stalker na iyon, talagang mapipilitan akong ilabas ang aking bokken mula sa item vault. Hindi ko rin kasi inilabas ang aking mga tunay na espada at baka may makakaalam pang karaniwang estudyante tungkol dito at sa mga sikreto namin bilang mga beta testers; lalong-lalo na ang aking virtual identity bilang top rank player. Marami pa namang nabubuhay na CCTV rito na talagang lagi mong makakasalamuha kahit saan ka man magpunta.

Bubuksan ko na sana ang aking student's window upang kunin ang aking bokken nang bigla kong marinig ang isang malakas at matinis na boses habang papalapit sa akin. Hindi na rin ako magtataka dahil nakikilala ko naman agad kung sino 'tong mala-megaphone na estudyanteng papunta rito.

"Ririiiiii!" patakbong sigaw ni Mimi sa aking kinatatayuan.

Natigilan ako sa aking kinatatayuan at agad ibinaba ang aking kamay. Lumingon ako sa likod at namataan ko na rin si Mimi kasama ang ibang kanina ko pa hinihintay. Inakala ko tuloy 'yong mokong na naman ang biglang sumulpot at baka masipa ko na naman siya ulit.

"Mimi!" malakas na tawag ko. "Mabuti naman at dumating na kayo. Ano bang nangyari kaya natagalan kayong pumunta rito?"

Tumigil agad sila Mimi sa aking harapan at tila naghahabol pa ng hininga mula sa katatakbo. Napayuko siya nang bahagya habang nakahawak sa kaniyang mga tuhod at kinalauna'y tumingin sa'kin na may halong matamis na ngiti.

"Ginising pa kasi namin si Ranzou kanina Riri," sabi ni Mimi. "Para siyang pinaglihi sa mantika at ang tagal pa talagang bumangon."

Napansin kong parang naging tube man si Ranzou ngayong araw na'to dahil sa mga ikinikilos niya. He keeps on swaying his body like he avoids himself to fall on the ground and blinks slowly. Naging estatwa siya saglit nang huminto siya sa paggalaw na mas pumukaw sa aking atensyon. Kahit na rin ang suot niyang mustard yellow hoody jacket ay baliktad pa nga.

Lumapit naman si Emerson sa kinatatayuan ni Mimi. "Muntikan pa nga kaming gamitan ng sword skill kanina nang hindi namin mapansin nina Zoiren at Althea na may katabi siyang espada at parang teddy bear pa nga sa kaaakap niya. Salamat sa mala-songbird na boses ni Emmie ay nagising siya. Napatalon pa nga siya mula sa itaas ng double-deck bed," natatawang kuwento sa akin ni Emerson.

"Talagang effective ang ginawa ni Emmie," dagdag namang saad ni Zoiren at tinakpan ang kaniyang bibig habang tumatawa.

Hindi ko alam kung anong klaseng trip ang pumasok sa utak ni Mimi kanina upang gisingin ang isa sa mga kasamahan naming tulog-mantika ang datingan. Kung ang ginawa man niya'y kumanta ng isang mataas na kanta, sigurado akong may mababasag na namang tainga kapag narinig iyon. Mala-Regine pa naman ang trip niya.

Peace Mimi, biro lang 'yon hahahaha!

Agad na bumalik ang ulirat ni Ranzou dahil sa malakas na tawa ni Zoiren. He glared at him that made him to stop laughing and crack a joke at the same time.

"Happy kayo Zoiren?" sarkastikong saad ni Ranzou sabay kibit-balikat.

"Pasensya naman Ranzou," sabi ni Zoiren at kasabay n'on ang nanginginig niyang tawa.

Heto na rin talaga ang sinasabi ko sa mga 'to. Ba't parang pakiramdam ko tuloy ay isa akong babysitter sa mga kasamahan ko na minsa'y nagiging referee pa? Well, I guess I'm already capable with it; hindi nga lang sa pagiging tulog-mantika ni Ranzou.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay binatukan naman ni Althea si Ranzou na mas nagpapagising sa kaniyang kamalayan. Napahimas siya sa kaniyang batok at tumingin kay Althea na parang luluwa na ang mga mata. His brows arched at this moment also.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now