Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique

Начните с самого начала
                                        

Dahan-dahan namang iniangat ang kaniyang ulo at tinignan ako nang diretso. Muli ko na namang nasaksihan ang mga mata niyang nag-iba ng kulay gaya kanina. I was about to avoid my contact but he shut his eyes immediately and sighed. Ngumiti ulit siya sa pagkakataong ito sa akin na parang napapalitan ng galak ang kaniyang inis.

This is really getting weird like what I'm thinking right now. How come a simple professor changed its eye color from natural? Hindi naman siguro siya isang Terbaeus na nagbabalat-kayo o may abilidad sa pag-shapeshift.

Tapos mas lumalakas pa ang nararamdaman kong data energy signal sa kaniya.

"It seems you're the first one who finished answering both subjects," he said, throuwing a smile as well as maintaining the eye contact. Mistulang nakangiti rin ang kaniyang mga matang bumalik ulit sa pagiging kulay itim.

"Yes Prof. Rythen," tugon ko't ngumiti rin.

Kinuha na nga niya ang mga papel at inilapag sa tabi. Muli na naman siyang tumingin sa akin kasabay ng pagtulak niya ng kaniyang salamin pabalik gamit ang dalawang daliri. Ibang klase rin ang karisma ng propesor na 'to sa totoo lang. Mukha mang oppa sa kanilang paningin, para sa akin ay para siyang isang karaniwang propesor na kulang na lang ay isasalang kayo sa pagsasanay sa pakikidigma.

"I'm glad to hear it," he said, leaning forward as he steepled his fingers. "You can do what you want right now since tomorrow is your major exams according to your class schedule. Binabati kita sa munting tagumpay na ito at sa pagsunod sa mga panuntunan."

"Gan'on po talaga kapag nag-aaral bago magsisimula ang exams. Ariga— Thank you, sir," nakangiting tugon ko. Muntikan na tuloy akong magsalita ng Nihongo dahil sa exams.

"Walang anuman, Ms. Hidalgo," sabi niya ngunit nakatingin siya sa aking papel.

Nakakapagtataka... paano naman niya nalaman ang mga apilyedo namin kahit ngayon lang siya nagpakita sa klasrum?

Abot langit ang aking mga ngiti nang pinahintulutan na ako ni Prof. Rythen. Hindi naman siya ganoon ka-strikto kapag nakikipag-usap ka sa kaniya nang maayos. I guess he was frustrated earlier because some of my classmates created a show in cheating and shouting.

Heto namang si Ranzou, mukhang may tagahugas na naman ng plato sa dorm mamaya bilang parusa.

Inayos ko muna ang suot kong denim white jacket na hanggang dibdib ang taas saka kinuha ang aking itim na bag sa upuan. Habang dumaan ako sa harapan ni Prof. Rythen, bigla akong natigilan nang may sinabi siya sa'kin.

"I can sense the aura inside of you while I'm looking to your azure eyes a minute ago. Mukhang nasa dugo mo ang pagiging isang magaling na mandirigma Ms. Hidalgo," mahinang wika niya na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Tuluyang kumabog ang aking dibdib sa kaniyang mga sinabi at natigilan ako sa aking paghakbang. I shut my eyes for a moment and took a deep breath. Ayokong ipahalata sa iba ang mga narinig ko mula kay Prof. Rythen na nagbibigay ng konting intriga sa itinatago kong alter-ego.

Pero anong sinabi niya? Azure eyes? What's with my eyes?

Hindi kaya... hindi. Imposible iyon.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango. "Gan'on na nga po Prof. Rythen, salamat po," pasimpleng wika ko.

Maya-maya pa'y paglabas ko sa pinto ay dali-dali akong bumaba mula third floor at kumaripas ako ng takbo papunta sa cafeteria. Habang tinatahak ko ang daan, hindi ko inakalang sasabihin sa akin ni Prof. Rythen ang mga iyon bago pa man ako makalabas ng klasrum.

Kaduda-duda. Hindi ko maiiwasang may dadagdag na namang misteryo at tanong sa aking isipan kada araw ko rito sa virtual world. Napapaisip din ako sa mga sinabi niyang azure eyes sa akin nang napatigil ako sa harapan niya. Pati na rin ang mga mata niya, parang may kuwentong nakakubli sa mga iyon na talagang nakakapagtataka.

Isa pa, hindi naman siya siguro isang Terbaeus gaya ng iniisip ko kanina. Imposible namang magkaroon kami ng isang propesor na gan'on sa SAU.

Mukhang kailangan kong igtingin ang aking pag-iingat dito sa virtual world lalo na't may nakatagpo na akong taong magaling kumilatis lalo na sa itinatago mong virtual identity.

Sino ba talaga itong si Prof. Rythen?

Siguro masasagot ko lang iyon matapos kong purgahin ang sarili ko sa isang slice ng tiramisu cake at dark chocolate coffee sa cafeteria.

Kailangan ko rin ng katahimikan habang ipinagtagpi-tagpi ko ang mga nasaksihan ko kanina at sa mga kakaibang pangyayari sa virtual world at iugnay ito sa ikinukuwento sa akin ni mama noon.

What could be the story behind his mint green eyes?

================================

Author's Note:

Sino nga kaya si Prof. Rythen? Ano kaya ang kaniyang nakita sa mga mata ni Zenrie?

Makakapag-exam pa kaya ulit sila Ranzou?

Totoo bang walang mas malalang pangyayari ang magaganap sa kanilang midterm's exam?

Abangan sa susunod na kabanata...

Hi minna-san! Pasensya na sa konting delay ng update dahil bigla na namang nagloloko ang internet connection sa amin na biglang nag-down sa loob ng dalawang araw. Naging abala din ako sa aking school works na nakatambak ulit at may nakapending pang exam sa isang subject. Mukhang nagkasabay yata ang kabanatang ito sa tunay na ganap ko ngayon hahahahaha!

Ikaw, ano naman ang kuwentong midterm's exam mo? Naku! Baka isa ka rin sa gumagawa ng ipinagbabawal na technique. Charoot!

Stay tuning in for more updates! Happy reading, keep safe, and God bless! Lovelots!

~SymphoZenie

Class Code: ERRORМесто, где живут истории. Откройте их для себя