Sa wakas at natapos ko na ring sagutin ang dalawang minor subjects matapos ang dalawang oras. Pasimple kong itiniklop ang answering booklet na walang ingay na magagawa. Ngunit nang maisara ko na ito, bigla na lang umalingawngaw sa buong klasrum ang isang nagdadabog na estudyante sa likuran. Mistulang radar ang aking mga tainga nang makilala ko agad kung sino ang tukmol na iyon.
"Aaaargh! Nakakainis! Ba't ngayon pa ako naubusan ng tinta kung kailan namang nasa panghuling tanong na ako?!" padabog na saad ni Ranzou na halos umalingawngaw na sa buong klasrum.
Lahat ng mga mata'y nakatutok sa kaniya at ganoon na rin si Prof. Rythen. I darted my death glare at him that made him to stop what he's doing. Emerson and Mimi slapped their foreheads and passed their palms across their faces with exasperated sighs. Nakita ko pang may hawak na extra ballpen si Emerson sa kaniyang kaliwang kamay na iaabot niya sana kay Ranzou.
Jusko Ranzou! Sumasakit na talaga ang ulo ko sa'yong mokong ka! BAKA (Stupid)!
"Mr. Nazario!" mariing tawag ni Prof. Rythen sa kanya at tila mas lumakas pa nang bahagya ang boses niya. "Para kang isang Grade 1 pupil na nagdadabog dahil sa ballpen! You're disturbing your classmates in answering the exams," sermon pa niya.
Agad namang napatayo si Ranzou na parang tinawag ng isang ROTC Captain kasabay sa pagbalik ng kanyang ulirat.
"Pasensya na po Prof. Rythen!" paumanhin naman ni Ranzou sa pangalawang pagkakataon. He clasped his hands like pleading a judge in a supreme court.
Kahit kailan talaga may mga taong mahilig umagaw ng eksena. Minsan may gusto na akong paluin ng upuan sa mukha dahil dito.
This time, Prof. Rythen also darting his glare at Ranzou that chills his spine even more. Mahina naman itong tumawa ngunit nanginginig sa mga susunod na mangyayari. Lagot talaga si Ranzou neto. Bakit pa kasi nagdabog nang dahil sa ballpen?! Hindi na talaga namin siya bibigyan ng chocolate bars kahit kailan.
Sa kalagitnaan naman nito'y sumingit pa ang malakas na boses ni Eunice kasabay ng pagtaas niya ng kanyang answer booklet na naipakita pa talaga ang mga sagot sa buong klase.
"Finally! I'm done with this pesky exams!" pagmamataas na sigaw ni Eunice na parang isang fan girl sa concert.
Getting to be loud and proud in showcasing the wrong answers huh?
Lumipat naman agad ang mga mariing tingin ni Prof. Rythen sa kaniya at natigilan na parang tinamaan ng freezing ray. "You too Ms. Tampopot!" bulyaw naman niya. "Kayong dalawa... sa Dean's Office ngayon na!"
Mas malala pa yata ito sa pagsibak ng mga empleyado sa isang kompanya ah.
Napahiyaw naman ang dalawa sa mga naging hatol niya. Dali-dali nilang kinuha ang kanilang mga bag at kumaripas din ng takbo palabas. Anong klaseng exam ba'to? Mala- “A Quiet Place” na kapag mag-ingay ay sasagpangin ng halimaw?
Hay naku! Hindi na sana lumala pa ang mga nangyayari ngayong araw na'to.
Bumalik si Prof. Rythen sa desk at napasandal sa upuan. Ipinadaan din niya ang kaniyang mga palad sa mukha at huminga nang napakabigat sa dibdib bago pa man siya napayuko ng ulo. Sino ba naman ang hindi maiinis sa mga nangyayari ngayon lalo na ang pagsagawa ng ipinagbabawal na technique?
Nang humupa na rin ang tensyon ay tumayo na ako sa aking kinauupuan at ipinasa ang aking mga answer booklet at questionnaire sa kanyang mesa.
"Excuse me Prof. Rythen..." magalang na panimula ko, "tapos na po akong sagutin ang mga ito. Puwede na ba akong lumabas sa klasrum para makapananghalian na?" tanong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Start from the beginning
