Chapter 2

393 7 5
                                    

Chapter 2: Girlfriend

Dumating talaga si kuya Zeus. Pero hindi namin siya nabati kasi andaming nakaabang sa kaniya.

"Hay." Si Patricia. "Nag-ayos pa naman ako. Tapos hindi ko siya makikita? Ang daya ha!" We all laughed at her remark.

Nakaupo kami dito sa may field. Katatapos lang naming mag-lunch. Alas 2 pa ang sunod naming klase.

"Paano natin siya mababati eh kulang na lang magsisisigaw ang mga babaeng may gusto sa kanya. " Sagot ni Ruella

"Hay na'ko! Kahit naman magpakilala tayo eh hindi nila tayo matatatandaan!" Si Patricia.

Natawa ako. "Kung ano-ano pinagsasasabi nyo." Kalmado kong saad.

"Eh kasi naman!" Tumayo si Patricia at tumalon-talon. "I'm so ready na to meet the love of my life! Tapos, magkakaroon siya ng kabit?! Tapos ang masama niyan! Marami ang kabit niya!" Dismayado nyang sabi.

Ruella and I laughed. Pero iba ang kay Ruella, exaggerated masyado.

"Okay ka lang girl?" Patanong nyang saad.

Tinaasan sya nito ng kilay at namewang. "What are you thinking Ruella Cleopatra Sanniego?"

Tumayo si Ruella."Anong bang dapat kong isipin Patricia Elizabeth Valera? Na nagde-daydream ka na naman?"
Mataray nitong saad.

Biglang napaupo si Patricia.

Natawa ako sa inasta nya. "Shut up ka na lang dyan Ruella. Wag mong pigilan si Patricia sa panaginip nya." Mas lumakas ang tawa ko ganoon din si Ruella.

"Bully!" Atungal ni Patricia at kunwaring pumalahaw ng iyak. Pinunas-pinunasan niya pa ang kaniyang fake tears habang nakabusangot ang mukha.

"Oh, by the way, punta tayo sa may plaza? Aya ni Pao-pao. Kasama si Calix." I said out of nowhere.

"Ah talaga? Baka date niyo yan! Na'ku hindi na kami sasama." Ruella said humbly.

"Na'ku ingrata ka! Kuwari nahihiya ka pa pero sa loob-loob mo nagpapaparty ka na kasi 'sa wakas! Makakalibre na naman ako!'!" Pambabara sa kanya ng kaibigan namin.

Inambaan agad sya ng batok ng isa. Pumayag naman agad sila basta daw libre.

Kaso, nung uwian na, nakuha ko na si Calix at naghahanda na kami para pumunta sa plaza, kinausap nya kami.

"Oy! And'un na si Paolo oh!" Si Patricia.

"Hello sainyo." Bati ni Pao-pao tapos kumaway pa sya.

"Hi Pao. Tuloy ba tayo?" Tanong ko, baka kasi hindi. Para syang nagmamadali eh.

"Ah, yun. Sorry ah? Pero hindi tayo tuloy. Nawawala kasi ang kapatid ko." Nag-aalala nyang sambit.

"Si Ate Esmeray ba?"

"Oo eh."

"Ayos lang yun."

"Pasensya na ah."

"Oo. Unahin mo na muna kapatid mo."

"Pasensya talaga. Sa susunod na lang."

I smiled at him and encouraged him that it's fine. He also smiled at me and said his farewell.

Nilapitan ako ng mga kaibigan ko at ni Calix ng nakita nilang umalis na si Pao-pao.

"Bakit sya umalis? Hindi ba tuloy?" Pangungulit ng dalawa sakin.

"Why ate? Hindi daw tuloy sabi ni kuya Paolo? May gagawin ba sya?

I sighed. Nilingon ko sila at umiling-iling. "Sorry ah, hindi daw tuloy. Nawawala daw yung kapatid nya." Paumanhin ko sa kanila.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now