Chapter 44

131 4 7
                                    

Warning: Sexual Assault

Chapter 44: Voice

I put on a facemask and a hat before walking out of the trycicle I rented. 

Nandito na ako sa harap ng resthouse na ginamit namin sa pagtatago.

I smiled upon thinking the security and safety we felt living here for a short time. 

Sinimulan ko ng maglakad papasok sa bahay. Halos sampung metro din ang nilakad ko para makarating sa mismong gitna ng gubat. 

Ang plano ko ay bibisitahin muna si Mama, at kung maaari ay iiwasan din ang pagkuha ng atensyon ng mga tao. Ayaw ko namang may papasok na lang sa resthouse na 'to tapos papaulanan ako ng mura.

Pagkatapos kong bisitahin si Mama ay aayusin ko ang mga land properties ni Papa na nakapangalan sa akin. 

Sana nga lang ay hindi pa nakuha ng bangko ang mga properties ni Papa. Alam kong posible iyon pero hinahangad ko na hindi. Sayang din iyon. Pwede ko 'yong patayuan ng business katulad na lang ng maliit na eatery. Mahilig naman akong mag-luto. 

Kinuha ko muna ang susi ko sa bag na ilang taon ring nakatago sa drawer ko sa bahay. Hindi ko 'yon ginalaw. Mabuti na lang at maliliit lang ang kalawang na natamo nito.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto. 

And nostalgia came upon me. 

The laughters me and my brother shared together. How my friends and I spent the night. And the memories we had inside the kitchen. How he kiss me. How he hugged me. And how he whispers words that comforts me.

Kinurot ko ang aking braso. "Focus Beatrice. Don't think of him for now." Ani ko ng maramdamang muling babagsak ang mga luha ko. 

I cleared my throat. 

Pumasok ako at ang una kong binigyan ng atensyon ay ang kuryente. 

Ngumiwi ako dahil ang dilim. Ang init init pa! 

Pagkapasok ko pa lang, langhap na langhap ko na ang alikabok. 

I sneezed a couple of times before I get used to the surroundings.

Kahit naka-mask ay nalalanghap ko pa rin ang mga dumi. Mabuti na lang at nakapag-adjust agad ang aking ilong. 

Una kong tiningnan ang mga furnitures. Nakahinga naman ako ng maluwag na walang sirang gamit o kaya kailangang ayusin. 

Kung titingnang mabuti ang bahay mula sa labas ay magmumukhang abandonado ito at hindi na napangalagaan ng mabuti. Pero medyo maayos pa naman ang loob ng bahay. 

Maliban sa dumi sa kisame, sa dingding at sa nga kagamitan sa loob.

Pinagpagan ko muna ang sofa bago ko pinatong ang malaki kong bag dito. 

Siguro mamayang hapon ko na muna ito lilinisin. Ang kwarto muna ang pagtutuonan ko ng pansin dahil gusto ko namang magpahinga. 

Mahaba-habang oras din ang biniyahe ko mula sa Manila Province hanggang dito sa Naga City.

Agad akong tumungo sa kwarto na ginamit namin ni Calix. 

Mabuti na lang at may dala along bedsheet, punda at kumot. Amoy luma na ang kwarto pero hindi naman ako mapili. 

Tumira nga kami ng kapatid ko sa isang apartment na kaunting lindol na lang ay tumba agad, dito pa kaya ako aayaw?

Sinimulan ko na munang maghanap ng walis at dustpan. Mayroon akong nakita sa gilid ng closet. 

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now