Chapter 27

104 3 2
                                    

Chapter 27: Deal

"K-kuya Apollo..."

Hindi ko alam kung paano niya kami nahanap! Tago ang lugar na 'to kaya bakit ang dali lang sa kanilang mahanap ako!?

His presence, itself, screams danger.

Hindi rin nakakatulong na takot ako sa kaniya!

"Ughmm.." mahinang ani ni Ruella sa gilid ko na ngayo'y nakaupo pa rin. Umupo rin siya at tiningnan si kuya Apollo.

"Sir. Ano pong gusto niyo? Juice, water o coffee?" Unang nakabawi sa gulat si Patricia.

Maikli siyang nilingon ni Apollo na ikinabigla ni Patricia. "Black coffee will do." Tinignan niya naman ako at talagang ako'y naaasiwa! "Now, where can I sit?" Tanong niya.

Agad ko siyang pinaupo sa sofa namin. Umalis na din si Ruella at mukhang pumunta sa kusina kasama si Patricia. Pinandilatan niya ako ng mata at binigyan ng thumbs up bago umalis.

Umupo ako sa couch na nasa harap niya. Lumunok pa ako ng ilang beses bago nakakakuha ng lakas na loob na magsalita. "A-ano pong kailangang ninyo?" Nauutal kong tanong.

"Let's see." Sumandal siya sa sofa at niluwagan ang necktie na suot. Humalukipkip siya at tinitigan ako sa mata na sadya ko namang kinailang.

Bakit siya andito?!

"Why are you hiding?" Tanong niya.

Nagbaba ako ng tingin at pilit na iniiwas ang mukha. "Kasi...." Hindi ko siya masagot dahil wala rin akong mahitang sagot para pangatwiranan ang ginagawa ko. Kumbaga, instinctively ko lang siyang nagawa.

"Hmm. I thought so."

Nabalot uli kami ng nakakabibinging katahimikan. Ako, na naiilang at siya na mukhang may iniisip.

"E-eto na." Lumapit si Patricia kay Apollo at nilagay sa harap nito ang black coffee. Umalis rin naman agad ito pagkatapos ilapag ang kape.

Kinuha ni Apollo ang tasa at ininuman ito. "Shouldn't you be aware of the public's opinion about you?" Nagtanong siya sa matigas na boses.

"H-huh?" Taka kong sabi. "I mean. Oo." Umupo ako ng maayos at tumikhim. "Siyempre oo,"

"Then, you know that hiding means increasing their doubts towards you."

May punto siya.

Pero ano namang magagawa ng isang batang tulad ko sa sitwasyong 'to? Hikahos na nga kami tapos dumagdag pa 'yan. Kailangan ko pa bang makuha ang good side nila eh ngayong wasak na wasak na aming pamilya?

Kailangan ko ba silang atupagin? Ni sarili ko nga hindi ko na nabibigyan ng pansin eh, sila pa kaya na hindi naman makakatulong sa akin?

Oo at alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Gusto niyang lumabas na ako sa aking pinagtataguan.

Sige. Sabihin nating lubos na benepisyal kung makukuha ko muli ang kiliti ng madla. Kung, makukuha naming muli.

Ang kaso, hindi madali iyon. Lalo na't hindi ako sociable kaya nagmumukha akong suplada at maldita. Saka, kailangan ba talaga 'yan. Hindi naman necessary'yan.

"Edi, taasan nila?" I crumpled my face to prove a point. "Wala naman akong pakialam kung anong tingin sa'kin ng tao. Hanggang sa wala pang umiistorbo samin. Panatag ang kalooban ko."

"But until when?" Aniyang muli. Ibinaba niya ang tasang hawak at tiningnan ako ng marahas.

Mula pa lang sa kaniyang presensiya at kaniyang tindig, alam mo na agad na hindi siya tumatanggap ng 'no' as an answer. Ipipilit niya lang na ipipilit ang gusto niya, ayon sa kaniyang ekspresyon sa'kin ngayon.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant