Chapter 40

132 4 0
                                    

Chapter 40: Horrible

Bumuntong hininga ako ng walang makitang kahina-hinalang tao. Dalawang beses ko na ngayon narinig ang flash at alam kong direkta 'yon sa'min. Malinaw na sa aking kinuhanan kami ng litrato.

Pero sino naman ang may kagagawan noon kung ganoon?

Maliban na lang sa amin ni Mamita ay wala ng nakasakay na passenger na iba dito. Pero maaari ring gawing option ang cabin crew. Lalo na't labas-loob sila para tingnan kami.

I don't even know if Zeus found about it already.

Pagkababa namin mula sa eroplano, pasimple kong nilingon ang paligid at wala naman akong nakitang kahina-hinala. May naglalaro na parte sa isip ko na guni-guni ko lamang 'yon pero sigurado ako sa narinig ko.

Sana na lang talaga at hindi ako OA pagdating sa mga bagay na 'to. Dahil sa nangyari noong bata pa lamang ako, alam na alam ko na ang epekto ng media sa samabayanan. Nakaranas mismo ako noon.

Bumuntong hininga ako. Naramdaman ko na lang ang isang mainit na braso na pumalibot sa baywang ko. Pagtingin ko sa gilid ko, naroon si Zeus at may pag-aalalang nakatitig sa akin.

"Baby?" Hinaplos niya ng dalawang beses ang aking baywang ko bago nagsalita. "Is there something wrong? You look really lost." Bulong niya.

Nginitian ko na lamang siya at hindi na umimik, bagay na nirespeto niya at hindi na rin umusisa pa. Mabuti na lang at alam naman niya na sasabihin ko naman sa kaniya ang mga iniisip ko sa tamang pagkakataon kaya hindi na siya namilit pa.

Paglabas namin ng airport, may nagaabang na agad  na isang mamahaling kotse. Ferrari 458 Italia pa. Wow. Ang yaman niya talaga.

May lumabas na dalawang lalaki at tinulungan kami sa dala-dala naming bag. Nagpasalamat kami sa kanila bago sumakay sa kotse.

Sa passenger seat ulit ako at si Zeus sa driver's seat. Sa likod naman ulit sina Mamita.

"Do you want to eat first?" Tanong ni Zeus sa aming lahat bago pinaandar ang kotse.

Galing sa salamin, kita kong parehas tumango sina Mamita.

"How about you?" He asked me.

"Ah. O-oo. Gutom na din  ako." Maikli kong sagot na ikinatango niya naman.

Pagdating namin sa isang restaurant, bumaba muna kami para kumain. Kapagkuwan, dumiretso ulit ang kotse namin papuntang port ng mga barko.

Namamangha pa ako habang nakatingin sa lawak at ganda ng dagat at linaw nito. Ultimo mga isda at iba pang sea animals ay makikita mo. Kaso agad naman akong nanlumo ng sabihin ni Zeus na hindi raw 'yong mga barko at sasakayan namin.

"Bakit naman?" Naiirita kong tanong. Nasa gilid muna kami habang hinihintay 'yung sasakayan namin. Mabuti na lang at hindi masiyadong mainit ang panahon ngayon. Kaunti lang din ang mga sasakay dahil siguro katatapos lang graduation ng mga estudyante.

Mamita caresses my cheeks before answering, "have patience darling."

Ngumuso ako. Nilapitan naman ako ni Zeus na ngiting-ngiti. Siguro natatawa 'to dahil atat na atat na akong makasakay sa barko. "Babe." He goes next to me and kiss my forehead.

Napapikit ako sa sarap ng sensasyong naramdamam ng kaloob-looban ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito ng mariin bago muli itong bitawan upang hawakan ang maleta namin.

Ayaw ko mang aminin, ramdam ko agad ang panlalata at pagkukulang na nadarama ko noong binitawang niya ang kamay ko. Hindi ko na naman 'yon sinabi sa kaniya kasi baka isipin niya namang napaka-clingy ko. Ayaw ko ng ganoon.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя