Chapter 8

174 6 2
                                    

Chapter 8: Visit

"Kahit naman siguro wala ako doon eh, magpapatuloy yung party nila." Nagmamaktol at nakanguso kong sabi.

Kumunot si Mama sa harap ko. Galit ata. Hindi ko naman sya masisisi dahil hindi naman ganito ang mga isinasagot ko kung sakali mang ayaw kong pumunta ng party.

"You're acting weird." Sabi nya na parang siguradong-sigurado na.

Nakatayo sya sa harap ko at nakakrus ang braso. Nakataas ang kilay. May bahid ng iritasyon sa mata pero may panunukso din.

"Hindi naman ah." Nagpatuloy ako sa pagbabasa para. Sumulyap ako kay Mama at napagtantong disrespeto ang ginagawa ko kaya pinilit ko pa ring magpaliwanag kahit wala naman talaga dapat pa.

"Ma," I trailed off. I looked at her and she seems attentive to what I am about to say. "Let's just say that I will be busy because after this vacation, I only have three days left before the classes resumed again." Hindi ko naman talaga dapat isasama ang klase ko pero yun na ang unang palusot na pumasok sa isip ko.

Kumunot ang noo nya. Napaawang ang labi na parang may aaminin pero kalaunan bumuntong-hininga na lang.

Hindi nya na ako pinilit pa pero may hinala ako na pipilitin nya nga ako sa kahit na anong paraan. Sa bahay may rules kami na 'what Bea (Mama) want, what Bea gets' at ayos lang naman dahil naiintindihan naman namin ni Calix na nagiging istrikta na sya.

Pumikit na lang ako ng mariin at hinilot ang sentido.

Napagtanto kong kukulitin pa rin ako ni Mama kaya umalis na lang ako sa library at pumunta sa pool.

Pumunta muna ako sa kwarto upang magpalit ng pangligo. Isinuot ko ang kulay puting backless one piece. Magpapahatid na lang ako ng leche flan at frappe mamaya kung sakali mang ako'y magutom.

May pool kami sa likod ng bahay. It is in circle shape and not that big pero big enough to accommodate, say, 10 people.

Mayroon din doing dalawang recliner chair, mayroon ding isang lamesa na mayroong payong. Kahit naman hindi masyadong ginagamit, pinalilinisan pa rin ito ni Mama.

Umupo ako sa may gilid at nilub-lub ang dalawang paa. Tinaas ko ang tingin sa langit at nakitang hindi na gaanong matirik ang araw. Alas 2 na rin kasi.

Naisipan kong mag-dive na rin dahil gusto ko ring malibang.

Lumusong ako sa tubig at kumawag-kawag. I-ni-relax ko ang sarili at hinayaang lumutang ang sariling katawan.

Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sariling mag-isip.

Simula noong party, hindi na namin na-co-contact si Pat. Although she texted us, we're still worried about her. Imagine, she left the party with remnants of tears. I'm still curious but what should I do? We already called her Nanay.

"Hello?" Sinilip ako ni Ruella at halos ilapit na sa'kin ang mukha.

"Oh eh, sino ba 'to"? Maangas na tanong ng nasa kabilang linya.

Nagulat ako, bakit parang wala namang respeto ang sumagot. Ngunit binalewala ko naman iyon dahil hindi naman 'yon ang dahilan kung ba't ako tumawag.

"H-hello po. We just want to talk to Patricia po." Magalang kong tanong.

Tiningnan ko naman si Ruella sa gilid ko na kanina pa kumakaway. "Ako na kakausap." Walang boses nyang utos. Binalewala ko naman sya at pinagpatuloy ang pakikiusap kay Nanay.

"Oh? Ingles? Kausapin mo ko ng ayos at tagalog, bobo!" Inilayo ko ang cellphone ko dahil sa sigaw nya. Kahit ata hindi loudspeaker eh maririnig ng kapitbahay namin.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now