Chapter 19

99 4 20
                                    

Chapter 19: Date

"So, ang ibibili ko ay para sa birthday ko?" Ani ko habang kumukuha ng condensed milk sa estante dito sa grocery store.

"Yes. Next month na iyon di'ba? September, duh?" Nararamdaman kong napapirap na naman si Mama at kung ano ano na ang binubulong.

"Hmm. Sige."

"Yes! Make sure that hindi siya malapit magexpired ha? Para we can still store for the next 2 weeks before birthday mo." She exclaimed happily.

Tumango ako kahit wala siya sa harapan ko. "Okay. Sige na po. Bye."

"Bye, ingat!" Ibinaba niya iyong tawag kaya itinuon ko na ang atensyon sa mga pinamimili ko.

Inutusan kasi ako ni Mama na maggrocery para daw kapag malaki na ako at may asawa ay praktisado na.

Para namang magaasawa ako. Tumawa ako.

Mabuti na lang kung aasawin ko si Zeus. Mas lalong lumakas ang tawa ko sa mga naiisip.

Tulak tulak ang shopping cart, lumiko ako papuntang estante ng mga tinapay at palaman.

Gusto nila ng sliced bread at mayonnaise. Inililikot ko ang mata ko para mahanap ang brand na gusto nila.

Nang makita ito, agad ko itong kinuha at tiningnan muna ang expiration date.

"Not bad." I murmured and put it inside my cart.

I hummed a song while still looking for the food and ingredients written on the paper nang may makasalpok ng cart ko.

"Oh my Gosh!" Ani ng binabaeng tinig na pamilyar na pamilyar sa akin.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang baklang nasa harap ko. "Zander?! Ikaw ba 'yan?!" Nagugulat kong sagot.

Umikot naman ito habang nakabuka ang kamay at ngumisi sa akin, "yes of course, Lilac Beatrice. The one and only." He flipped his hair and smiled at me.

Natawa naman ako ng mahina at umambang yayakap sa kaniya. Agad naman itong umiwas na ipinagtaka ko. "Girl, I'm gay ha? Parehas tayo ng type. I mean, literal." He keeps nodding.

Natawa naman ako at kinurot ang braso niya, "baliw! Namiss lang kita kasi hindi na tayo nagkikita." Malungkot ko talagang saad.

Mabuti at wala masyadong tao ngayon dito sa grocery store na 'to, baka kanina pa iyon nagrereklamo kung gaano kami katagal dito sa parteng ito.

"Well. I'm busy you know, graduating student ako. And the fact na college na ako is not helping me. Nakakairita." Inirolyo niya pataas ang mata at inakbayan ako. "How about you baby girl? I bet engaged ka na naman."

Natawa ako at iniyakap ang isang kamay sa kaniyang baywang. Inabante na namin ang aking cart at pumunta sa ibang parte ng tindahan.

"Oo," hindi ko inaasahang tatawa ako habang kumukuha ng noodles at ramen para kay Mama. "Pero pabor sa akin, gusto ko iyong tao eh."

Tanggap ko naman talagang engage ako, pero ang ikinaayaw ko eh ang padalos-dalos nilang pagiisip para sa amin. Kung sana nagantay sila.

"Aw, talaga?" Si Zander habang kumukuha ng pancit canton naman.

Sumandal ako sa cart at tiningnan siya, "crush ko eh." Kalaunan, tumamlay ang mga balikat ko. "Kaso hindi na nagpaparamdam." Bigla kong saad na ikinasabog niya sa pagtawa.

"Baby girl yuck. Dapat inakit mo." Pasimpleng sumbat nito.

Sinipa ko ang paa niya at hindi na nagsalita kaya mas lalong lumakas ang pang-aasar niya sa akin.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now