Chapter 38

139 3 3
                                    

Chapter 38: Baffled

Naghihingalo akong nahiga sa kama. Tumitig ako sa kisame at pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.

Katatapos lang ng graduation namin n'ong nakaraang linggo at napagusapan na rin namin kung saan kami magbabakasyon.

Bumuntong hininga ako bago tumayong muli at naligo. Bukas ay pupunta kami sa isang private island para doon magbakasyon. Dalawang linggo kami doon at baka nga mag-isang buwan pa kapag nagustuhan namin ang view ng isla.

Actually, si Zeus ang nag-invite sa'min doon. Siya na nga ang nag-ayos ng lahat ng kakailanganin namin para makapunta doon. Sabi niya, ang La Soler daw ay napapribado at walang hinahayaang makapunta roon ng walang permiso galing sa namamahala ng isla.

Maliban sa nakatira at nagmamanage nito, wala ng ibang makakapunta roon. Mabuti nga at inimbitahan kami ni Zeus.

Tuwang-tuwa naman si Mamita dahil palagi siyang inuuto nitong 'apo' niya daw. Palagi kasing may dalang bulaklak si Zeus kapag hinahatid ako papasok sa trabaho. Parang totoong manliligaw talaga.

Kapag naman hindi ko tinatanggap ang kaniyang baong bulaklak, didiretso siya kay Mamita at sa kaniya 'yon ibibigay. Pimumugaran na nga ng pulos bulaklak ang sala namin. Kulang na lang magpalagay din siya ng puno at mga insekto tapos magiging botanical garden na bahay namin eh.

Pagkababa ko suot ang simpleng puting camisole top at maong na trousers ay naabutan kong nakikilaro ng uno cards ang kapatid ko kay Zeus.

Ngumiwi ako saka pinasadahan sila ng tingin.

Seryoso silang nakaupo sa sofa at nakaharap sa isa't isa. Nakakunot-noo pa ang dalawa na animo'y sineseryoso talaga ag laro.

"Good evening, ate."

"Good evening babe."

Bumaba na lang ako at 'di na sila pinansin. Halos araw-araw naman 'yan ang naaabutan ko sa baba. Si Zeus, kung hindi si Mamita ang kausap o kalaro, si Calix naman. Halos mamahay na siya sa bahay namin. Kulang na lang dito siya matulog at magdala na lang ng sariling closet.

Bumuntong hininga ako at tinungo ang kusina, nakita ko si Mamita na nagluluto ng caldereta habang nakadress at apron. Mayroon pa siyang maliit na ipit sa buhok at kumekembot pa.

"Magandang gabi maganda kong lola..." Mahina kong bati at hinagkan siya mula sa likod.

Ramdam ko ang mahihinang paggalaw ng kaniyang mga balikat na nagpapahiwatig ng pagpipigil niya ng tawa.

"Mamita..." Ungot ko at sumimangot. Nilagay ko ang aking baba sa kaniyang balikat at pinanood siyang haluin lahat ng ingredients sa kaldero at tinakpan ito. Pinahinaan niya ang apoy sa kalan bago ako hinarap.

"Good evening to you too!" She laughed heartily before winking at me, "did you pack your stuffs already?"

Bumitaw ako sa kaniya at naupo sa mataas na stool sa harap niya, "already."

Ngumiti siyang muli, "that's good! We're going there tomorrow na! I'm so excited!" Sumayaw pa siya sa harap ko na ikinatawa ko.

Kapagkuwan, ikinunot kong muli ang aking noo bago nagtanong. "But is it really fine na kasama natin si Zeus? Parang last year lang galit na galit ka sa kaniya ha?"

Sumimangot siya. Totoo naman kasi. Noong ikinuwento ko ang mga karanasan ko sa Bicol ay grabe ang galit niya. Lalo na sa mga Monte Casa. She even said that she's rich but not ruthless. Kulang na lang ay magsisisigaw siya at magmumura.

"W-well, maybe because you didn't tell me how kind he is!" I scoffed at her reaction. "If I had known his this gentleman, then I would not judge him at all! He's a perfect embodiment of a husband material! Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagpapakipot ka pa! He's clearly into you!"

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now