Chapter 39

120 5 1
                                    

Chapter 39: Flash

"Nakuha na ba natin lahat? Baka kapag pumunta tayo doon at may nakalimutan pala kayo." Paalala ko habang tinutulungan si Mamitang ilagay ang dalawang malalaking maleta sa van namin.

She took off his glasses and nodded, "ah yes. Zeus is already carrying the remaining bags so there's no need to worry."

Tumango ako at bumuntong hininga. Pumasok na siya sa loob ng van at kinindatan pa 'ko.

Natawa na lamang ako at hindi na nagsalita. Pumasok muli ako sa bahay ay nangunot ang noo ng makita si Zeus.

Pagdating niya sa harap ko, hindi ko maiwasang punain ang dating niya sa simpleng damit lang. Lalo na ngayong naka-sleeveless siyang damit at simpleng beach shorts lamang. Naii-emphasize tuloy ang mga muscles niya saka abs.

"Like the view, huh?" He sneered and posed in front of me.

I faked my smiled and shook my head. "No. Shut up and do your work already." I answered.

He looked shocked but obey after a while. Napatitig na lang ako sa papalayo niyang bulto bago muli siyang sinundan.

"Ano na lang ang kukunin mo?" Tanong ko ng nilapitan ko siya.

He glanced at me before picking up the two baggages like it was just a piece of paper. " This two, yours and mine." Zeus smirked at me and winked.

I laughed at his attempt on flirting at me. It was lame, I know and very childish but it makes me red and happy.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin.

Pagkatapos naming masigurong wala ng naiwan na gamit, inilock ko ang bahay at pumasok na sa van. Naabutan kong nasa back seat si Mamita at Calix at nasa likod naman si Zeus na inaayos ang mga bagahe namin.

"Huy," tawag ko upang makuha ang kaniyang atensyon.

Lumingon naman siya sa'kin at all-smile na nakatingin, ultimo mata niya ay lumiliwanag na sa kinang ng kaniyang ngiti. Pinigilan ko na lamang ang matawa at umiling.

"Halika nga dito," pinalapit ko siya sa akin at inayos ang gulo-gulo niyang buhok. Nakapalit na rin siya ng mas presentableng damit kaya hindi na'ko nailang kahit panay ang titig niya sa akin.

Nanatili naman siyang parang maamong tupa na nakayuko ng bahagya sa harap ko. Pagkatapos kong ayusin ang kaniyang buhok, kinuha ko ang dala kong malaking bimpo at pinunasan ang pawis niya.

"Ayan." Ani ko at medyo lumayo, pinasadahan ko siya ng namamanghang tingin at tumango, nasisiyahan sa maliit na nagawa. "Okay na!" Binigyan ko siya ng thumps up na ikinangiti ng huli.

Pagkaraan, sumakay na din kami sa van. Siya ang nagmamaneho nito dahil alam niya kung saan ang direksyon.

"Ilang oras ba ang biyahe?" Tanong ko kay Zeus.

"2 hours and a half kapag walang traffic." Ani niyang hindi tumitingin sa akin. Napatango ako, naiintindihan ang kaniyang sinaad.

Pagkaraan ng halos labinlimang minuto, naririnig ko na ang mahinang hilik ni Mamita at ang paglaro ni Calix sa kaniyang cellphone.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang bintana.

Halos kahapon lang na hindi pa kami nagpapansinan nito. Hindi ko nga alam kung anong trip niya at bakit agad-agad naman siyang mag-aaya ng bakasyon, doon pa mismo sa sinasabi niyang 'pribilehiyo', akala mo madali lang akong mapa-oo.

Well, si Mamita talaga ang kasi ang gustong-gusto nito. Pinagbigyan ko na rin kasi hindi na rin naman kami nakakapag-bonding. Dapat pa nga akong magpasalamat sa kaniya.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now