Chapter 22

120 5 2
                                    

Chapter 22: Ring

"I'll promise I'll fall even harder."

Tumayo ako at sa namumulang mga pisngi dahil sa kahihiyan, dinuro siya.

Zeus sits down and stared at me while biting his bottom lip. He's trying to stop his laugh and I'm annoyed! He looks at me with amusement dancing in his eyes.

Feeling ko sasabog na ako sa sobrang pula!

Nang walang makapang salita, tumalikod ako at dumiretso sa kwarto.

Narinig ko pa ang kaniyang nangaasar na tawa.

Padabog kong sinara ang kwarto.

Napahinga ako ng malalim. "Nakakairita naman iyon! Bahala nga siya!" Giit ko sa sarili.

Kapagkuwan, tumingin ako sa damit at bumuntong hininga. Naligo ako at naghilamos bago nagbihis nang shorts at off-shoulder na kulay pula. Ini-high ponytail ko lang ang buhok ko at hinayaang mahulog ang mga tira nito.

Lumabas ako at hinanap si Zeus.

"Looking for me?"

Galing sa veranda, sumulpot siya gilid ko.

Siniringan ko siya at hinarap. Pilit kong kinakalimutan ang kahihiyang natamo kanina.

"Pagkatapos kumain, pupunta ako doon sa may pool party." Sambit ko sa kaniya.

Nakita ko agad ang pagangal sa kaniyang mga mata kaya inunahan ko na ang kung ano mang pagtutol niya. "Samahan mo ako." Udyok ko pang muli.

Gusto ko talaga kasing pumunta doon dahil kahit wild ang crowd, relaxing naman ang ambiance. Maganda din ang design ng pool noong sinilip ko mula sa taas. Saka, gusto ko talagang makaiwas sa usapan namin kanina.

"Okay then. But after, eating alright? I'll cook." Ipinirmi niya ang mata sa akin.

"Okay." Iniwas ko ang mukha sa kaniya ng marandaman kung gaano katensyonado ang mga ito.

Kapagkuwan, hinalikan niya ang pisngi ko at kinandatan ako bago tumungo sa kusina.

Dahil sa tensyong naramdaman, napasandal ako sa pader na at pilit na inaayos ang hininga.

Mabuti at hindi na niya talaga pinaalala ang kahihiyan ko kanina.

Pagkatapos, umupo na lamang ako sa sofang tinulugan niya at nagpicture ulit ng sarili.

@lilac_beatrice
Pleasure yourself sometimes by spoiling yourself.

Nagpost ako ng dalawang litrato. Ang una, nakangiti at ang pangalawa ay nakaside view. Natuwa ako sa lahat ng iyon dahil kitang-kita ang magandang angle ko at ang mata kong ani nila'y nangungusap daw.

Pagkapost ko pa lang, agad na may naglike.

Siyempre, sino pa ba? Sina Patricia at Ruella na loka-loka.

@patriciaElizabeth
pleasure yourself daw pengeng pangpleasure kaibigan

@Alleur Sanniego
yes mahar gusto ko iyong hindi natutunaw na ice cream saka hindi nauubos na saging katulad na lang noong kay captain Daichi-senpai

Napailing ako sa mga komento nila at napagdesisyonang tulungan na lamang si Zeus.

Dumiretso ako sa kusina at malakas na natawa ng makitang naka-apron na pink si Zeus. Kulay na hindi ko maisip na susuotin niya.

"Don't laugh. This is the only apron I saw, hmm?" Humarap sa akin si Zeus at sumandal pagkatapos magsalang ng bigas sa rice cooker.

Lumapit ako at naupo habang natatawa pa rin.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now