Chapter 17

113 4 1
                                    

Chapter 17: Confession

Ang akala kong isahang pambabastos, may kasunod pa pala.

Sa loob ng isang linggong nadirito siya kada hapon, titingnan niya ako sa ngingisi.

Dahil doon, medyo hindi ako komportable. Kahit na sa eskwelahan namin.

"Hoy, kanina ka pa diyan palakad lakad. Umuwi ka na kaya?" Si Ruella.

Hindi ko siya tiningnan ngunit nagpatuloy ako kakaikot. Nagtext ako kay Mama na magiging late ang pagdating ko. Sinabihan ko siya na mayroon kaming gagawing ngayong dapat matapos na hindi naman talaga totoo.

Palagay ko kasi, naroon na naman iyong lalaking iyon.

Miyerkules na ngayon at sa Lunes at Martes na naroon iyong lalaki, umuuwi siya nang alas nuebe na. Alam ko iyon kasi sumisilip silip ako sa sala.

At kapag nasigurado nang umalis na siya, giginhawa palagi ang loob ko na parang may naalis na mabigat na bagay sa aking dibdib.

Saka ko lang bibisitahin si Calix sa kwarto niya. Mabuti naman at nagising na siya noong Lunes. Kaya lang kailangan niya pa ring magpahinga ng mga ilang araw.

Baka sa susunod na linggo eh pwede na siya.

"Huy, Trice!" Sigaw ni Pat. Kami na lang ang nandito sa labas ng gate at nakaupo sa waiting shed. Kanina pa kasi nauwi si Ruella. May kailangan daw gawin.

Natutuliro akong tumingin sa kaniya, "a-ano?"

Kumunot ang noo niya at pinitik ako sa noo. Agad ko itong hinawakan at pinitik din siya sa kamay.

"Kahapon ka pa ganiyan, ah? Umuwi ka na sabi!" Utos niya.

Napakurap-kurap ako. "Ayokong umuwi." Bulong ko na narinig niya naman.

Nagugulantang na sinulyapan niya ako, "t-teka! Bakit ayaw mo?! First time 'to ah!"

Hindi ko siya pinansin at sinulyapan na lamang ang oras sa relo ko. Alas singko na. Gusto ko na ring umuwi. Kaso natatakot ako.

"Ganito na lang, kapag ayaw kong umuwi pa. At kapag nasa bahay na ako, siguro mga alas siyete, eh sa backdoor ako dadaan." Bulong niya sa akin.

Mulat ang matang napatingin ako sa katabi ko, "t-talaga?"

Kung totoo naman iyon, pwede akong dumaan sa backdoor ng laundry room. Pagkatapos, ilang liko lang eh nasa harap na ako ng isa pang hagdan papuntang second floor sa bahay.

Tumango siya. "Oo, iyon ang ginagawa ko. Matagumpay naman. Hindi na-" niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Pilit siyang lumayo sa akin at nang nakatakas siya, agad niyang pinunasan ang pisngi.

"Girl, ew." Nadidiring sambit niya.

Natawa ako at nagpaalam na. Pumunta akong parking lot at hinanap ang kotse namin.

Pero wala na naman. Parang katulad lang nung kahapon. Si Zeus ulit ang naghatid at nagsundo sa akin.

Napailing na lamang ako at tinawagan siya.

"Hello?" Sabi ko pagkasagot niya nang tawag.

"Hmm, baby?"

Ito ang unang beses na magkakausap kami sa phone. Ang ganda ng boses niya mula dito! Mas lalong naging husky at malalim!

"A-ano. Uuwi na ako, saan ka na?" Ani ko habang kinukutkut ang sariling mga kamay.

"I'm coming. Wait for me." I-end ko na ang call at naghintay sa kaniya.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon