Chapter 23

119 4 1
                                    

Chapter 23: Surprise Visit

"Do... you want a ring?"

Nabigla man dahil sa kaniyang sinabi, sinulyapan ko siya.

Tulog na siya at bumubulong-bulong ng kung ano. Mahina kaya hindi ko marinig.

"Baka namalikmata lang ako." Ani ko na ang tinutukoy ay ang pagtanong niya. Pumeywang ako sa harap niya habang tinititigan ang kaniyang ayos.

Umiling na lamang ako at uminom ng tubig bago pumasok sa kwarto.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagsimula nang mag-ayos. Binuksan ko ang mga bintana at kurtina bago inayos ang kama at naghilamos.

Nagpalit ako ng jogging pants at puting cropped t-shirt bago lumabas.

Nilingon ko ang sala at nang napansing wala na siya, nagkibit-balikat na lamang.

"Bumalik na ata iyon sa kwarto niya." Umiling ako at lumabas na ng suite namin.

Plano kong bumili na lamang ng pangbreakfast namin sa baba. Bale, may tatlong restaurant sa loob ng hotel. Isa-isa para sa seafood, homemade foods at american foods. Hindi pa ako nakakain dito kaya gusto kong sumubok.

Pagkababa, sumalubong agad sa akin ang simoy ng puno. Masarap sa pakiramdam at nakakaginhawa.

Lumiko ako pakaliwang hallway at nagdesisyong sa seafood restaurant kakain.

Nagpatake-out lamang ako ng ilang mga seafood dishes na pwedeng pangbreakfast. Ang inorder ko rin ay iyong may maliliit na serving lang.

"Paano kung allergic pala 'yon sa hipon?" Bulong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa kwarto.

Napailing-iling lamang ako ng maisip na sana pala ay nagtanong muna ako sa kaniya. Pero ayaw ko namang pumasok sa kwarto niya. Hay.

Pagdating sa suite, gamit ang key card, binuksan ko ito.

Bumungad sa akin ang nakahubad-baro na si Zeus na hawak-hawak ang sariling ulo. Paikot-ikot ito sa sofa na parang problemadong problemado.

Hindi na ako umiyak katulad ng dati, huminga na lang ako ng malalim at pumikit ng mariin.

Hinarap ko siya at ngumiwi. Naiilang man dahil sa katawan niya, binati ko pa rin siya. "G-goodmorning." Ani ko habang naglalakad papuntang kusina.

Iniiwas ko talaga ang aking mukha sa direksyon niya at baka may makita akong iba.

Naramdaman ko siyang tumalima sa akin at sinusundan ko. "Baby..." Panaka-naka niyang bulong.

Hindi ko siya pinansin sapagkat inayos ko ang aming kakainin.

"Allergic ka ba sa shrimp?" Tanong ko habang isinasalansan ang mga utensils at plato.

"N-no....but-"

Mabuti naman.

"Umupo ka na diyan. Ako na magaayos ng kakainin natin." Sambit ko habang inilalabas ang mga dishes.

"Baby-"

Teka, "kanina mo pa ako tinatawag. Hindi ako titingin saiyo hangga't hindi ka pa nakabihis." Pag-imporma ko.

"O-oh..." Naramdaman ko siyang umalis sa harap ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Diyos ko.

Hindi healthy sa akin ang presence niya, nakakaakit.

Umupo ako sa upuan at tinext muna sina Mama.

Ako:

goodmorning Ma! Kamusta na?

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now