Chapter 21

115 4 4
                                    

Chapter 21: Fall Harder

"Goodmorning!"

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. May nagbukas na pala ng kurtina.

"Ayoko pang bumangon...." Ani ko habang nakatakip ang mukha ng unan. Tumalikod ako sa my banda ng bintana at sumubok na matulog ulit.

Bumigat ang kabilang parte ng kama ko. "Baby.." bulong ng kung sino.

Si Zeus na naman 'to. "Ayoko pa..." My voice was muffled by the pillow.

"Gising na. We'll be late sa tour." Hinaplos niya ang magulo kong buhok ng tatlong beses.

Kunot-noo naman akong tumingin sa kaniya. Tumihaya ako ng higa at itinaas ang kumot hanggang bibig ko. Matalim ko siyang tiningnan. Parang dalawang oras lang ang tulog ko ah!

Siya naman may kasalanan nito!

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa halik niya sa akin! Ibang-iba iyon sa mga kadalasan niyang halik dahil una sa lahat, sa lips na siya humalik. Pangalawa, iginalaw niya 'yung labi niya! Iginalaw niya! Napakagago!

"What?" He tilted his head, bewildered by my sudden glare. I squinted my eyes.

"Hindi pa ako babangon. Gusto ko pang matulog." Mahina kong sabi.

Narining ko siyang bumuntong hininga. "Okay then. We will just go to the second tourist spot."

"Bakit?..Ano ba iyong una?" Tanong ko.

Nagtataka naman ako dahil mukha talaga siyang pinagbagsakan ng langit.

"Cagsawa ruins."

Nanlaki ag mata ko at biglang bumangon! "Doon pala! Bakit hindi mo sinabi?!" Umalis ako sa kama at kinuha ang nakasampay na tuwalya. "Bilisan mo na! Maghihilamos na ako!" Nakangiti kong paalam at pumasok na sa C.R.

Mula C.R., narinig ko siyang tumawa na hindi ko naman pinansin.

Nagsimula na akong maghilamos. Mamaya na lang ako maliligo pagkatapos ng pagkain.i

Pupunta daw kami sa Cagsawa Ruins.

Excited na ako! Ngayon lang ulit kasi ako nakapasyal! Ag huli kong pasyal ay noong buhay pa si Papa saka sa Iriga City iyon. Ngayon lang ako makakapunta sa Legazpi para gumala.

Nagsuot lang ako ng sando at pangibabang pajama paglabas. Hindi ko na naabutan si Zeus. Siguro nasa labas na iyon at nagpapatawag ng breakfast.

O baka hindi.

Nang lumabas ako at tatawagin sana si Zeus, naabutan ko siyang nagluluto.

Tinaas ko ang aking kilay habang nakasandal sa hamba ng pintuan at pinagmamasdan siya.

"Don't stare at me." Humarap siya sa akin at pumeywang.

Ngumiwi at at iniba ang usapap. "Marunong ka pa lang magluto?" Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang kaniyang ginagawa.

"Well yeah. So go back there. Watch T.V.." tinulak niya ako pabalik sa sofa.

"Bakit naman? Pwede naman akong tumulong." I can't believe I'm talking so casually like we didn't kiss each other's lips last night.

"Hmm. But I'm practicing." He also said calmly.

Practicing, your ass. Psh.

I pouted and followed him.

Naupo ako sa sofa at tinawagan ang cellphone ng nagtatampo kong kapatid.

"Hello?" Suplado at napapaos nitong sagot sa tawag.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang