Chapter 30

125 3 0
                                    

Chapter 30: New Chapter

Kinakabahan ako habang nakasakay sa kotseng ipinasundo sa akin ni Don Andres.

Nagsuot ako ng pormal ngayon. Isang dark blue na coat na may ternong kaparehas na kulay na slacks. Sa loob nito ang isang puting halter top. Hinayaan kong nakabukas lang ang coat kaya kitang-kita ang suot ko.

Nilugay ko lamang ang maalon kong buhok, pinaresan ko lamang ang sarili ng isang black na formal shoes.

Napasilip ako sa bintana ng maaninag ang kanilang mansyon. Wala namang masiyadong nagbago at parang mas lalong lumago lamang ang kagandahan ng kanilang mansyon.

Huminga ako ng malalim ng tumigil ang sasakyan. Lumabas na ako at nakatingala pa rin dito.

Iminuwestra ng lalaki ang daan patungong mansion.

I nodded a bit and followed him. We walked inside the mansion an I can't hide my gasp.

The mansion looks more appealing than the last time I went here. The paintings lessened but the intricate statues and figures increased. The chandelier changed and it become bigger.

Mas lumawak din ang sala nila siguro na rin dahil may binawas na ibang gamit.

Woah.

"Here, Ms. Vasco." Pinapasok niya ako sa isang malaking pintuan dito sa may sulok. Baka opisina ito o library.

"Thank you." Munti kong sambit at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang tahimik ngunit, maraming taong nagaabang sa isang library.

Nasa isang malaking lamesa sila. Narito si Don Andres, Donya Margarita, Apollo, kuya Poseidon at si Zeus.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Good evening."

"Good evening, Beatrice." Maganda ang ngiting binati ako pabalik ni Don Andres.

"Sit down." Istrikta namang sumabat si Donya. Wala akong nagawa kun'di sumunod na lamang.

I sat across them and bit my lips. I saw Zeus glanced at me for a second before straighting his back.

I smiled a bit at them and heaved a sigh.

This will be the longest night I will ever experience!

"So, kumain ka na Trice?" Kuya Poseidon asked. Ngumiti siya sa akin habang nakatingin sa'kin.

Donya Margarita glares at him making him shut his mouth.

Nangisi na lang ako ng maikli sa kaniya.

"Let's start the discussion." Apollo clasped his hand and gave me a meaningful look.

I nodded subtly and put out my bag. Here we go.

"Narinig kong nabayaran mo na rin ng paunang bayad ang mga ninakawan ng Mama mo? Saan ka nakakuha ng pera?" Pagsisimula ni Donya sa usapan.

"Mahal.." hinawakan ni Don ang braso ng asawa, pinapakalma ito.

I smiled softly and answered. "This is from my savings and from the help of my relatives."

I lied. Well it's a half lie. Oo at mula 'to sa ipon ko pero hindi mula sa mga kamag-anak ko. Hindi ko nga sila kilala at wala akong ideya tungkol sa kanila.

Tumango-tango siya. Lumabas ang ngisi sa kaniyang labi at pinasadahan ako ng tingin. "I hope so. But if you're lying I won't be shock anymore. The apple doesn't fall far from the tree."

Kumunot ang noo ng Don at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kaniyang asawa.

Yumuko ako ng kaunti. Inaasahan ko rin naman ito kaya hindi na ako masiyadong nagulat. Pero masakit pa rin pala talaga kapag harap-harapan na kung manginsulto ang Donya.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now