Chapter 20

139 4 6
                                    

Chapter 20: Tempter

"Saan tayo pupunta?"

Inaayos ko ang seatbelt ko nang pumasok siya sa kaniyang kotse.

"Hmm. Somewhere in Legazpi." Pumasok na siya at pinaaandar na ang engine ng kotse.

Napalingon ako sa kaniya. Malayo iyong Legazpi city ah? Nasa may Albay na 'yon. Pwede namang kahit sa Naga na lang at marami namang pasiyalan doon. Lalo na't inaayos na din iyon ayon kay Mama.

"Malayo iyon. Saka anong oras na." Ani ko.

Alas nuebe na at tingin ko gabi na kami aabot doon. Ilang oras din ang biyahe lalo na't nakakotse lang naman kami.

"Doon tayo matutulog." Prenteng sagot niya.

Tiningnan ko siya na parang nasasapian. Ano naman kaya ang naisip nito at doon kami matutulog?

"Ipinaalam kita kay Mama mo, okay? Besides may damit ka na diyan. Inasikaso na ng mom mo."

Nakangiwing sinulyapan ko ang backseat ng sasakyan niya. Oo nga at merong white na backpack ko. Me'ron ding isa pang bag na kulay itim naman. Siguro sa kaniya iyan.

Hindi naman halatang handang-handa siya. Mga...sakto lang.

"Bukas uuwi na tayo?" Tanong ko.

Matagal bago ko napagtanto ang tanong ko. Uminit ang aking pisngi at tumingin na lamang sa bintana.

Minaneho niya ang kotse paliko habang natatawa. "No. It'll be four days and three nights."

Gulat akong tumingin sa kaniya. "Four days at three nights? Aminin mo, para saan 'to?"

Nagugulat talaga kasi ako dahil ang extra niya. Pero naaappreciate ko naman ang ginagawa niya. Sa akin lang ay pagtuonan niya na lang sana ang problema ng pamilya nila.

"Babawi nga ako."

"Puwede ka namang bumawi sa sunod na kapag maayos na iyong kompaniya niyo."

He sighed. "Baby, it's almost done. Besides, Apollo is taking care of it. So just give me all your attention, hmm? I don't want us talking about this." Tila napipikon niyang binilisan ang kaniyang kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

Huminga ako ng malalim. Kinokontento ang baga kong tila nauubusan ng hangin lalo na sa mga advances niya.

"Papasyal ba rato doon?" Tanong ko nang mapansin ang mga ticket na nakalabas sa compartment ng kotse niya. Hindi ko naman na iyon tiningnan dahil kahit anong pagtanggi ko, gusto kong masorpresa sa kung anong klaseng pakana naman ang kaniyang gagawin.

"Pwede ba akong magpatugtug?" Tanong ko. Although, komportable ang katahimikan between sa amin, naiilang pa rin ako. Ewan ko ba kung anong problema sa 'kin. Ang baduy ko naman.

"Yeah." He answered shortly while still grasping my hand. Nagkibit-balikat na lang ako at inabot ang stereo.

Nagplay ang 'Yakap sa Dilim' by Orange and Lemons.

Nangingiti ako dahil alam na alam ko ang kanyang iyon.

Naalala ko tuloy noong buhay pa si Papa. Kapag nagtatampo si Mama, papatugtugin niya ito at isasayaw si Mama. Kahit galit at masama ang kaniyang timpla, alam ko namang magbabati pa rin sila at isasama kaming dalawa ng kapatid ko sa pagsayaw.

I hummed while swaying my head with the rhythm of the song.

"Mga problema'y iyong malilimutan." Mahina kong kanta.

"Habang tayo'y magkayakap sa dilim." Dugtong nitong katabi ko.

Gulat ko siyang nilingon. Alam pala niya ang kantang ito?

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ