Chapter 18

115 4 3
                                    

Chapter 18: Adherence

Eh nakakairita siya, hindi na ako kinontak pagkatapos akong pakiligin. Ilang months na siyang hindi nagpaparamdam at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Nag-aalala pa naman ako akala ko kung anong nangyari tapos hindi na nagparamdam.

Ano 'yon, masyado siyang kinilig sa confession at pa-i love you I love you niya sa akin na nakalimutan niyang ako pala iyong sinasabihan niya?

Kainis ah!

"Ate, umuwi na tayo." Si Calix nang sumulpot sa pintuan ng clinic.

Napaupo ako sa kama at napanguso. "Oo na. Hintayin mo na lang ako diyan sa labas."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng clinic kasama ang kapatid ko. Hindi ko alam kung nasaan sina Pat pero bahala sila.

Ngayon ay grade 11 na ako, ilang months na rin nang last kaming magkita.

Nakakairita kasi, wala naman akong naririnig na kung anong tungkol sa kaniya. Kung sinasagot niya kasi ang tawag ko eh hindi na ako magaalala ng ganito.

Hay.

"Are you okay?" Calix said. He is definitely bothered by my sigh. I just smiled and nettles his hair.

I shouldn't think of him. He can do what he wants for all I care! Hmp!

Nagaantay kami sa labas habang, nakasilong kami kasi umuulan na naman. Hindi pa naman ulit kami nakadala ng malaking payong, maliit lang.

Napabuntong-hininga ako habang sinisilip silip ang unahan ng parking lot. Nasa waiting area kami at medyo marami rami ang mga tao.

Nang nadinig ko ang pagbeeped ng phone ko, kinuha ko agad ito sa pagaakalang si Manong na driver namin ang nagtext.

From: Patricia

Hoy! Uuwi na kami ah! Hindi ka na namin nakita! Goodbye! Have a nice trip, lol.

Napailing-iling na lang ako at ibinalik ang cellphone sa bag.

"Ate, I'm starving." Hila-hila ni Calix ang manggas ko. Napapikit ako at huminga ng malalim.

Isang beses ko pa sinulyapan ang unahan ng parking lot kaso wala talaga iyong kotse namin.

"Nasaan na iyong payong mo?" Ani ko habang iginigiya si Calix sa may upuan sa dulo ng waiting shed.

Naupo naman siya at agad na ibinigay ang humihingi ko. "I want to eat. Kahit bread lang ate." Ani niya.

Tumango ako at tiningnan ang aking wallet, mabuti naman at may dala dala talaga akong pera para sa emergency.

"Anong klaseng bread? Bibili ako sa tindahan doon sa may labas pa." Inayos ko ang necktie ng uniform niya dahil medyo lumuluwang na.

Iginilid niya ang ulo at napanguso. "Egg pie?" She said nonchalantly.

Napataas ang kaliwang kilay ko na marinig ang sagot nitong kapatid ko. "Hindi bread ang egg pie."

"But I want an egg pie." He scratched his head and looked at me pleadingly. "The one that we bought last month? I didn't ask Mama to make it because she's really busy nowadays. I can even hear her when I go downstairs for a cup of water. She is calling someone and seems really agitate for some reason." He stated.

Isa pa ito sa ipinagaalala ko. Mas lalong naging busy si Mama to the point na kailangan niyang maghire ng chef para sa amin. Hindi naman siya dati ganiyan. Siguro na rin dahil sa balitang pagnanakaw ng pera mula sa pondo ng gobyerno. Siguro galit na galit siya dahil doon at nagiisip na nang solusyon? Kaya siya natutulog nang kate sa gabi.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Where stories live. Discover now